Chapter 26

2.8K 122 15
                                    

“Isabella?” ang nakangiting bati sa kanya ng magandang babae tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama para salubungin siya at nakita niya na may kataasan ito.
     “Ah yes” ang alangan niyang sagot at pinagmasdan niya ang babae na humakbang papalapit sa kanya na may pananabik, nilapitan siya nito at hanggang ilong lang siya nito. Niyakap siya nito ng mahigpit at ramdam niya ang pananabik at sinsero na damdamin na masaya ito na makita siya.
    “Ah, anong nangyari? Lyndon?” ang tanong niya kay Lyndon at tumaas ang kanyang mga kilay  na pawang nagtatanong kay Lyndon, na nakarecline sa hospital bed.
    Bahagyang natawa ang magandang babae na may kulot na buhok.
    “Naku, I’m sorry kung nag-alala ka, but Lyndon urged me to call you at sabihin na nasa hospital and its serious, kahit naman na hindi seryoso ang nangyari rito, nag-iinarte lang” ang nakangiting sagot nito sa kanya, "I think he wanted to show us na mag-aalala ka ng husto para sa kanya, kaya nag pabebe si Lyndon".
    Galit na tiningnan ni Isabella si Lyndon at nakita niya na nawala ang ngiti nito sa mga labi ng makita ang galit niyang mukha.
   “I can’t believe you, nakuha mo pa na lokohin ako, akala ko seryoso ang lagay mo? What happened to you?” ang galit pero halata na nag-aalala siya.
    Nagpalitan ng tingin ang dalawang kasama nila sa kwarto, at nagpalitan ng mga ngiti.
    “Babe, sorry, lapitan mo naman muna ako, wala bang kiss?” ang tanong ni Lyndon at sinubukan niya na idaan sa biro ang lahat baka sakali na maalis ang inis ni Isabella.
    “Kiss mo yang mukha mo” ang inis na sagot ni Isabella na nagpatawa ng malakas sa magandang babae at napakamot naman sa noo ang lalaking kasama nito.
    “Finally! Whoah! Nakakuha si Lyndon ng katapat nito! Ha ha ha!” ang pang-aasar ng lalaki.
    “Nagcollapse na nga ako sa opisina, wala pang konsiderasyon” ang sagot ni Lyndon, na pinalungkot ang boses nito at tila ba nasaktan sa iginawi ni Isabella.    
    Nag-alala si Isabella sa kanyang narinig at mabilis niyang nilapitan si Lyndon. Naupo siya sa gilid ng kama, na kanina ay inokupahan ng babae.
     Nag-alala na hinimas niya ang pisngi ni Lyndon at ang noo nito, “are you feeling okey now? Anong sabi ng doctor?” ang tanong niya kay Lyndon. Totoo ang ipinakitang pag-alaala ni Isabella kay Lyndon at hindi arte lang dahil may mga nakaharap sa kanila.
    “I’m okey now, pagod lang daw ang sabi ni doc, clear naman ang laboratory test ko, he just told me na mag take ng vitamins” ang sagot ni Lyndon na natuwa sa ipinakita na pag-aalala ni Isabella.
    The woman with curly hair cleared her throat loudly, para makuha ang atensyon nila ni Lyndon.
    “Hindi mo ba kami ipapakilala kay Isabella?” ang tanong nito kay Lyndon, habang nakaupo sa may sofa, at tumabi na rin ang lalaki rito na sa palagay ni Isabella ay asawa ng magandang babae.
    “Oh, pwede ba naman na hindi” ang sagot ni Lyndon naupo na ito sa gilid ng hospital bed, at ikinawit nito ang kanan na braso nito sa itaas ng kanyang bewang sa ilalim ng kanyang dibdib at ramdam niya ang pagdikit ng braso nito sa ilalim ng kanyang dibdib.
    At hindi iyun nakalusot sa paningin ng lalaking kaharap na lalaki, at kita niya kung papaano na nag palitan ng mga pilyong tingin ang dalawa.
    Sa kamamadali kasi niya, naalala niya na nakapambahay lang siya na damit, short at manipis na t-shirt lang ang suot niya, at nakatsinelas pa siya. At sa nipis ng damit niya, ramdam na ramdam niya ang palad ni Lyndon sa ilalim ng kanyang dibdib.
    Bella gritted her teeth, sumusobra na sa pag-arte itong Lyndon na ito ah, pero, dahil sa nasa harapan sila ng bisita nito, na totoong kabaitan ang ipinakita sa kanya ay hinayaan na lang niya ang sumusobrang pagkukunwari ni Lyndon. Tutal, nag collapse nga raw ito, at baka naman may dinaramdam na sakit.
    Nawala na rin ang galit niya kay Lyndon, kahit pa nainis siya rito kanina dahil sa panloloko nito. Pinaniwala kasi siya nito na, nasa hospital nga ito and he’s in deep pain kaya natakot siya ng husto at kung anu-ano na ang pumasok sa isipan niya na mga masasamang imahe.
   “Bella, meet my cousin Ace and his wife Autumn, siya ang sinasabi ko na nagdesign ng interior ng bahay ko” ang sabi ni Lyndon sa kanya.
    Oh, kaya pala sila ang unang tinawagan nang may mangyari kay Lyndon, dahil sa kamag-anak niya ang mga ito, ang sabi ni Isabella patungkol kina Ace at Autumn .
   “Oh hi! I’m really glad to meet you Autumn, napahanga ako ng husto sa bahay ni Lyndon ang ganda kasi ng interior design nito” ang sagot niya at magiliw na kinamayan si Autumn na nauna na siyang binati ng yakap kanina pagkarating niya.
   “Doon ka na nakatira sa bahay ni Lyndon?” ang interisado na tanong ni Autumn sa kanya.
   “Ahm, temp”-
   “Of course, she’s my fiancée” ang sabat ni Lyndon kaya hindi na niya naituloy pa ang sasabihin.
    “Who-ho – how! Nice one Lyndon!” ang masayang bati ni Ace Kay Lyndon at niyakap pa nito si Lyndon at tinapik sa balikat.
    “Wow! I’m so happy for you Lyndon!” ang masayang bati Autumn at niyakap din nito si Lyndon at pati siyang muli.
     “Eh kaya ka naman pala nahihilo, bumababa na ang resistensya mo, baka, LAGI kang PUYAT, hinay-hinay naman kasi" ang biro ni Ace kay Lyndon na may kasama pang tawa na malakas.
     “Sabi ko nga na huwag na akong dalhin sa hospital at laway lang naman ni Isabella ang katapat nito” ang sagot ni Lyndon.
     “Saan ka ba nilalawayan? Dun rin ba sa dumudura ng laway?” ang pilyong tanong ni Ace kay Lyndon na may kasama pang tawa.
    “Siyempre, dudura yun, galitin ba naman e di gaganti iyun, mandudura rin” ang pilyong sagot din ni Lyndon. Sabay hikit kay Isabella at halik sa pisngi niya.
     Kumunot na lang ang noo ni Isabella sa mga kalokohan ni Lyndon at nagkatinginan na lang sina Isabella at Autumn sa kalokohan ng magpinsan.
    “Naku Lyndon ha, hindi ko alam na may kapilyuhan ka rin pala, akala ko seryoso ka” ang biro sa kanya ni Autumn, “nasa loob pala ang kulo mo”.
    “DuPont yan eh, nasa lahi namin yan, ano Lyndon, contest? Padamihan ng anak?” ang hamon ni Ace.
    “Call! Kaso ahead ka na ng pito” ang sagot ni Lyndon na nagpanganga na lang kay Isabella. Naloloko na ba itong si Lyndon? Mukhang nakalimutan nito na fake lang ang lahat!
    “Hintayin muna kita na makapito”-
    “Hoy Ace magtigil ka! Anong pinagsasabi mong contest? Ikaw kaya ang magbuntis, maglihi at manganak, kahit ilan pwede, kung hindi magtigil ka! Hayaan mong sina Lyndon at Bella ang magparami muna” ang galit na sabat ni Autumn sa asawa na natigilan sa pagsasalita. Inakabayan na lang nito si Autumn at hinalikan sa pisngi.
    “Alam na ba ng tito na engaged ka na?” ang tanong ni Ace kay Lyndon.
    “No hindi pa” ang sagot ni Lyndon na hinikit pa siyang lalo, para nakadikit na ang kanyang katawan kay Lyndon.
    “For sure matutuwa si Tito at si lola, madadagdagan na ang apo niya na may-asawa” ang sabi ni Ace, “at sigurado ang daddy mo” ang mariin pang sabi ni Ace sa lay Lyndon.
    “Oo nga, malapit na ang family get together natin, Bella will meet the whole clan of DuPont, tito Robert confirmed that he’s coming Lyndon, nandito pala siya sa Manila?” ang tanong ni Ace kay Lyndon.
   “Ah, oo, kasi nasa bakasyon siya for six months I guess” ang sagot ni Lyndon at hindi na niya binanggit ang tungkol sa pagretiro ng daddy niya dahil mauungakat ang CEO position at ayaw pa muna na pag-usapan nila ang tungkol doon.
    “So we better be going, alam nyo na naiwan ang mga bata kina lola, mahirap na maspoiled ng husto ang mga bata” ang sabi ni Autumn na tumayo na sa sofa na kinauupuan nito. Muli itong lumapit kay Lyndon para yakapin ito at kay Isabella.
    “See you Bella sa get together ha?” ang nakangiting sabi ni Autumn sa kanya.


    Family gathering? Get together? Maisip pa lang niya ito ay nanlalamig at pinapawisan na ang kanyang mga palad. She was traumatised with family gatherings, lalo pa at isang mayaman na pamilya na naman ang pupuntahan niya. No, hindi niya kailangan na magpunta, she could say that she’s sick, bakit ba hindi na lang siya ang makaramdam ulit ng pagkahilo at pagsusuka? Para may dahilan siya na hindi magpunta? She didn’t want to get through this ordeal again, of being observed and examined by critical eyes ng mga kamag-anak ng nobyo mo.
    Kahit anong gawin niya, kahit magpayaman pa siya, she would never fit in sa family nito, ang malungkot na sabi ni Isabella sa sarili.
    “You’re quiet?” ang tanong sa kanya ni Lyndon. Nagmamaneho na ito pabalik sa bahay, inihatid sila nina Ace at Autumn pabalik sa opisina ni Lyndon para kunin ang sasakyan nito.
     Isabella sighed at nanatili na nakatuon ang mga mata niya sa labas ng bintana. Hindi naman niya kailangan na magpaliwanag kay Lyndon, people like him like his kind, would never understand of not fitting in, in a high class society.
    “Bella? Are you okey? Look I’m sorry if I made you worried”-
    “No, no, it’s not that” ang tanggi niya sabay iling.
    “Pagod ka na ba?” ang mahinang tanong ni Lyndon sa kanya, at pahapyaw siyang tiningnan nito.
    “Medyo” ang matipid niyang sagot.
    “You want to eat somewhere?” ang muling tanong nito sa kanya.
    Umiling siyang muli, “may naiwan ako na lulutuin sa bahay, yung sinabi mo kanina na lutuin ko, masasayang lang yun” ang sagot niya.
    “Are you sure kaya mo pa na magluto?” ang alalang tanong ni Lyndon na napansin ang pagiging distant at matamlay niya.
    “Oo” ang sagot niya.
    “Don’t you like Ace and Autumn?” ang usisa ni Lyndon sa kanya.
    Umiling siyang muli, at tiningnan niya si Lyndon, “no, I love them already, ang saya nila na kasama and I think they were both happy couple that won’t judge you” ang sagot ni Isabella.
    “You’re right about that” ang nakangiting sagot ni Lyndon.


    Nanatili na silang tahimik hanggang sa makarating sila sa bahay, agad na dumiretso si Isabella sa kusina para ituloy ang kanyang pagluluto at si Lyndon naman ay dumiretso sa kwarto para magshower at magpalit ng damit, pagbaba nito sa kitchen ay naghahain na si Isabella.
    “Smells good” ang bungad ni Lyndon habang naglalakad papalapit sa kanya at tiningnan ang plato na hawak niya.
    “Saan mo gustong kumain?” ang tanong ni Isabella kay Lyndon.
    “Dito na lang sa isle, need some help?” ang tanong ni Lyndon.
    “Ahm, maglabas ka na lang ng drinks, tubig lang ang sa akin, ikaw, hindi ko alam kung anong gusto mo ipartner sa pagkain mo” ang sagot ni Isabella.
    “Water na rin sa akin” ang sagot ni Lyndon at tinulungan niya na maghain si Isabella. Maya-maya pa ay magkatabi na silang nakaupo sa mga barstools na nakaharap sa kitchen isle, at nagsimula na silang kumain.
    Pagkatapos nilang kumain ay tinulungan rin ni Lyndon na magligpit si Isabella at sabay na silang umakyat sa itaas. But this time, Isabella needed some space. She felt that, she’s beginning to get too involved with Lyndon.
    She didn’t want to meet his family, she didn’t want to experience it again.
    “Ahm, Lyndon, pwede bang, dito na lang ako matulog sa kabilang kwarto?” ang tanong niya kay Lyndon.
    “Why?” ang takang tanong ni Lyndon at tiningnan siya nito sa kanyang mga mata. At kita niya ang pag-alaala sa mga bughaw na mata nito.
    “Kalokohan naman kasi na magtabi tayo Lyndon, no one will see us here, we can do the cuddling in public, but we don’t NEED to sleep together” ang inis na sabi niya kay Lyndon at nakita niya na nagulat ito sa kanyang sinabi.
    "Pwede naman tayo na magpanggap kapag may mga tao na tayong kaharap, hindi na siguro kailangan pa sa loob ng bahay" ang giit pa ni Isabella.
    “Okey, if that’s what you want, hindi naman kita pipilitin” ang sagot ni Lyndon, “and two weeks from now, kailangan na natin na bumalik sa Chez Corazon” ang dugtong pa ni Lyndon.
    “Yeah sure” ang matipid na sagot ni Isabella, “I’m just going to get my toiletries sa kwarto mo” ang dugtong pa niya, at mabilis siyang pumasok at lumabas ng kwarto ni Lyndon.
    Its better that way, ang sabi ni Isabella sa sarili, maganda na yung, proteksyonan na niya ang kanyang puso mula kay Lyndon.


    Lyndon lie down on his bed, it was the same bed, but somehow, he felt it was too big for him. It was big and empty, without Isabella in it. He felt a twinge in his heart, naalala pa niya ang mga sinabi nito kanina.
    Yes, she's right na hindi naman nila kailangan na magtabi pa sa pagtulog, at kung bakit nasaktan siya rito. Was he being stupid? It's like he's investing his feelings already sa kunwaring relasyon nila ni Isabella and she made her realised that kanina.
    Pero, pagpapanggap pa rin ba ang ipinakita nito na pag-aalala sa kanya kanina? Kung oo, magaling umarte si Isabella, because it felt so real and genuine, ang sabi niya sa sarili.
     Yes, it's better this way, ang sabi niya sa sarili. But, he missed her already, he turned to his side, where Isabella used to lay, and he tried to envisioned her with him, as he tried to sleep.
    "Damn Lyndon, don't fall down" ang bulong niya sa sarili, habang pilit niyang makatulog ng wala si Isabella sa kanyang tabi.
   
 
   
  

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon