Chapter 8

3.3K 156 14
                                    

His adrenaline rush was so high that moment, nang sabihin ng kanyang daddy na bibigyan sila ni George ng isang magandang laban para sa position ng CEO. May sigla ang bawat hakbang ng kanyang mga papa habang pabalik siya sa kanyang opisina.
     One month, his dad gave them one month, sapat na ito para makapag plano siya, pero sa lagay niyang iyun, handang-handa na siya na maipresent sa kanyang daddy ang plano. He already had a plan, since one month ago. Kailangan na lang niyang ilagay ang lahat ng plano sa isang hard copy para maiprint at makagawa ng blueprint. Pero, may isa lang siyang setback, hindi pa niya na a acquire ang property na nasa kanyang plano. He made a mistake na hindi nakuha ang pangalan ng may-ari ng lugar. For the first time, a thought just slipped into his mind and its all because of HER.
    Damn, she occupied his thoughts these past few weeks, its been a month when he again, tasted heaven on earth. And the memories of that moment was so vivid in his mind and body na hindi na siya halos nakatutulog ng normal sa gabi.
     He remembered the last moment of them, their bodies entwined on the king-sized bed, moaning like there’s no tomorrow. Pero paggising niya kinabukasan ay wala na sa tabi niya ang babaeng nagbigay o nagpadama ng langit sa kanyang buhay noong mga sandali na iyun.
     He searched for her sa villa at napag-alaman niya na sumabay na itong umalis kay kuya Tino, bago pa raw pumutok ang araw. Its better that way right? What happened between them was inevitable, yes, because, obviously, they were attracted to each other. But, yun lang naman ang lahat hindi ba? It was just lust, and no feelings involved ng mga sandaling iyun. And, it’s better that way, dahil sa, hindi pa siya ready para sa isang relasyon, para sa isang commitment, dahil sa trabaho at sa pagiging CEO lang nakatuon ang kanyang mga mata, puso, at isipan sa mga panahon na ito.
    Hindi niya kailangan ng anumang klase ng distraction, lalo na sa mga sandaling iyun, ang giit niya sa sarili.
    Pero, bakit nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso nang pagmulat ng kanyang mga mata, nung umagang iyun sa villa ay wala na si Bella sa kanyang tabi. At, bakit kung OK lang sa kanya ang lahat, bakit kinailangan niyang maging busy ang sarili para lang maging abala ang puso at isipan niya, dahil kung hindi, ay laman ng isip niya ay si Bella at ang magdamag na iyun?
    “It’s just one of hell of a mind blowing sex! Lyndon!” ang malakas na sabi niya sa sarili, iyun ang pagtatalo ng kanyang isipan.
    Nagawa ka ngang iwan na lang at kalimutan, he didn’t heard anything from her, so bakit ba bothered siya? They have their own lives and maybe, different lives kaya may dahilan kung bakit kailangan nilang maghiwalay, it looks like, love is also not a priority of hers, which is good dahil hindi rin naman niya iyun priority. Or maybe she’s even had a boyfriend or god knows what, husband maybe? So he better set his priorities straight again at alisin sa isipan niya ang babaeng yun! Ang giit niya sa sarili.
    Lyndon tried to shook his head para mawala at mabura sa isipan niya ang memories na isang buwan na ang nakalipas.
    “Focus Lyndon, focus for the CEO, this is far much better than a mind blowing sex” ang giit niya sa sarili. Kapag nahuka mo na ang CEO seat, you can have all the sex you want! Ang sabi pa niya sa sarili. Naupo siya sa kanyang swivel chair at binuksan ang kanyang laptop, and his long slender fingers started tapping the keys, and his mind instantly get in tune with his quick fingers, as he made some research. He hoped that the Internet could helped him, or else, kakailanganin na naman niyang makiusap kay Trace Velasco.
    And soon, he made a jackpot, hindi siya makapaniwala na makikita niya ang information sa internet, he could always, call the office of Chez Corazon kung saan siya nag pa reserved ng kwarto but he already did that, at ang tanging sagot nito sa kanya ay wala ito sa isla. So, he thought that he needed to find his personal number. At nang makita niya ang isang info, na kakilala ito ng isa niyang kaibigan, ay isang jackpot ito sa kanya.
    These are the perks of having a lot of known friends, ang sabi niya sa sarili at agad niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan ang kanyang kaibigan na magiging daan niya para makausap ang may-ari ng Chez Corazon.
   

     At nang mabigyan siya ng pagkakataon na makausap ang matandang may-ari ng Chez Corazon ay agad siyang humingi ng permiso na madalaw ito upang kausapin sa mga personal na bagay. At laking pasalamat niya na kahit pa sa maikling panahon o biglaan na paghingi niya ng permiso na makausap ito ay, walang pagdadalawang isip na pinagbigyan siya nito at pinapunta sa villa.
    Kaya naman, agad siyang nagpabook ng flight para makabiyahe siyang muli pabalik ng villa.
     At ng mga sandaling iyun, habang sakay siya ng bangka at unti-unting papalapit ito sa isla, ay di inaasahan ang malakas na kabog sa kanyang dibdib ng mamataan na niya ang tatlong palapag na villa mula sa kalayuan.
    Hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon niya ng muling makita ang villa, at muling nanumbalik ang mga pangyayaring iyun.
     “Shit” ang bulong niya sa sarili, mukhang hindi magandang idea ang bumalik siya rito. His senses is wrecking havoc that moment.
    At mas lalo pa siyang napamura, nang habang papalapit ang bangka sa dalampasigan ay namataan niya ang matandang lalaki na nakatayo at tila ba hinihintay ang paglapit ng bangka, pero sandali lang na dumaan ang kanyang mga mata sa lalaki. Dahil mas natuon ang kanyang asul na mga mata sa babaeng nakatayo sa tabi at nasa bandang likuran ng matandang may-ari.
     Yup! His senses were definitely in chaos now, because he’s seeing things already. Hindi ito totoo hindi ba? She’s just an illusion, na gawa ng isip niya na hindi na naging normal dahil, tumira na ang babaeng iyun sa loob ng kanyang isipan.
    But no, ang sabi niya sa sarili, as his blue gaze adjusted, no! She’s definitely here in the island, standing next to the owner of the villa. Pero, anong ginagawa nito rito? Is she stalking him?! Ang di makapaniwala na tanong ni Lyndon sa sarili, and it irked him.
     Then their gazed locked together, and he read in her eyes that she too, was surprised, to see him here.


     No it can’t be, bakit ngayon niya pa ulit ito nakita?! Ang galit na sabi ni Isabella sa sarili, ngayon pa kung kailan kailangan niya na matuon ang buong atensyon niya sa mga priorities niya! Ngayon niya pa ito dapat makita? Kung sa loob ng isang buwan ay halos patayin na niya ang sarili para lang maabala ang isipan niya, dahil kung hindi.. Ang isipan at katawan niya ay hinahanap-hanap ito.
     Muli na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso, at nadama na naman niya ang naramdaman niya noong gabing magkasama sila.
     Yes, at first she thought it was just sex, ang attraction na nadama niya noong gabi na iyun ay tawag lang ng laman, pangibog lang ang nadama nila noong gabing iyun.
     But, when the night progressed, she got scared, dahil ng magtatama na ang kanilang mga mata, sa tuwing magkaniig sila ay kakaiba na ang tibok ng kanyang puso. At nang bumangon siya nang madaling araw, at pinagmasdan niya ang natutulog na si Lyndon sa kanyang tabi. Kakaiba na ang tibok ng kanyang puso, at natakot siya, her feelings can’t be involved. At sa unang pagkakataon ay tumakas siya sa isang sitwasyon.
     And that moment, what she saw in his eyes, made her nervous, for the first time, she got nervous by a man. At nagtaka siya kung bakit may galit sa mga mata nito. And it pissed her, bakit naman ito magagalit sa kanya?
     Hinintay nila ni tatay Rene na makalapit ang bangka na sinasakyan ni Lyndon. Hindi pa naitatali ang bangka ay tumalon na si Lyndon sa bangka at malalaki ang mga hakbang nito na papalapit sa kanila, pero ang mga mata nito ay galit na nakatuon sa kanya.
     “Bridge?” ang masayang bati sa kanya ni tatay Rene, at iniabot nito ang kamay kay Lyndon para makipag kamay.
     “Mr. Legaspi” ang sagot ni Lyndon at kinamayan ang matanda.
     BRIDGE? Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Isabella, oh shit! Lyndon Bridge? Ang president ng Build Bridges Corporation? Kasama niya ng mga sandaling iyun ang kilalang firm na involved sa mga construction ng condominiums sa Luzon.
     Piste na! Anong ginagawa nito dito? Ang tanong niya sa sarili at sa unang pagkakataon muli siyang nakaramdam ng pagpapanic.
    “Thank you for accepting my request Mr. Legaspi, on a short notice” ang magalang na sabi ni Lyndon kay tatay Rene at pinagmasdan ni Isabella ang pagkakamayan ng dalawa.
     “My pleasure, masaya nga ako at may mga bisita ako ngayon, bihira ang may dumadalaw sa akin dahil nga sa secluded ang isla, kaya, excited ako at may mga bisita ako, hindi nga ako tumanggap ng mga guest, because I wanted to spend the day with the both of you” ang sagot ni tatay Rene kay Lyndon na halata ang saya sa boses nito. Tila ba sabik din ang matanda na may makasama sa malaking bahay.
     “I still wanted to thank you Mr. Legaspi” ang tugon ni Lyndon.
     “Just call me tatay Rene, she does” ang sagot ni tatay Rene, sabay lingon nito sa likuran para ituro si Isabella, na nananatiling nakatayo lang at pinagmamasdan ang dalawa.
     Tumikom ang mga labi ni Isabella, lalo na ng matuon na sa kanya ang atensyon ng dalawa. At ramdam niya ang matalim na tingin sa kanya ni Lyndon.
     “Oh, I’d like you to meet, Miss Isabella Dueñas, but she let me call her Bella, she’s also my guest from Cebu” ang pagpapakilala ni tatay Rene sa kanya kay Lyndon, “maybe she’ll let you call her Bella too” ang umaasang sabi ni tatay Rene sa kanya, at tiningnan siya nito na nakataas pa ang mga kilay.
    I didn’t just call her Bella, I even call her babe, doll face, while I rammed deep inside her, ang gusto sanang isagot ni Lyndon.
     “We know each other, tatay Rene” ang sagot ni Lyndon na ikinagulat ng matanda.
     “Really?” ang gulat na tanong nito sa kanilang dalawa, habang nagpalipat-lipat ang mga mata nito sa kanilang dalawa.
     “Ahm, opo, tatay Rene, we met here, one month ago, pareho kaming guests ng villa” ang sabat ni Bella. Useless kung magpapanggap sila na hindi magkakilala, dahil malalaman din naman nito kay kuya Tino.
     Kitang-kita ang dahan-dahan na pagguhit ng isang malapad na ngiti sa mga labi ng matanda. Ang mga mata nito ay nagkaroon ng kakaibang kislap ng mga sandaling iyun.
    “Well, that’s good to hear” ang masayang sagot nito sa kanila.
     “Halika na muna kayo, doon muna tayo sa poolside para makapag refresh, nagpahanda na ako ng meryenda kanina pa doon, at gusto ko na rin na buksan ang mga pasalubong mo sa akin Bella, backpacks lang naman ang mga dala ninyo hindi ba? O may luggage pa kayo?” ang tanong nito sa kanila.
    “Just backpacks”
    “Yes” ang sabay na sagot nilang dalawa ni Lyndon.
    At mas lalong lumapad ang mga ngiti ng matanda sa kanila.
    “Halika’yo, oh hi hoh! This is going to be a lovely day or days” ang sambit ni tatay Rene, habang nauunang naglalakad sa kanila.
    Silang dalawa naman ni Lyndon ay parang tuod na nakasunod sa matanda. Hindi sila nagkibuan, pero kapwa nila pinakikiramdaman ang isa’t isa.
    LATER, I’ll deal with you later, ang mga salitang, sabi ng isipan ni Lyndon. Mamaya niya ito kakausapin, para malaman ang pakay nito o kung sinadya nitong sundan siya, or worse? Ang mga sabi ni Lyndon sa sarili.
     Naupo sila sa mga silya sa harapan ng isang mahabang lamesa, malapit sa pool.
    Ibinaba ni Isabella ang sukbit na backpack at naupo na siya, at pinagmasdan niya ang dalawang lalaki na kasama na naupo na rin. Si tatay Rene sa kanyang kanan at sa head ng lamesa habang kaharap naman niya si Lyndon sa kabilang side.
    Agad na lumabas si kuya Tino dala ang isang tray kung saan laman nito ang isang pitsel ng iced tea at tatlong glass tumblers na puno ng yelo. At nagliwanag ang mukha nito ng makita silang dalawa.
     “Sir Lyndon, Bella, nandito kayo pareho?” ang gulat na tanong ni kuya Tino na ang inaasahan lang na darating ay si Bella.
    “Oo Tino, bisita ko sila ng ilang araw? Naihanda mo na ba ang mga silid sa third floor?” ang tanong ni tatay Rene kay kuya Tino naninilalapag sa lamesa ang tray.
    “Opo, lagi naman pong nakahanda ang mga silid sa itaas, sa mga dating kwarto po ba kayo tutuloy ulit? O makikipagpalit ka Bella kay Lyndon?” ang tanong ni kuya Tino sa kanya.
     Namula ang kanyang mga pisngi, naalala na naman kasi niya ang gabing iyun sa kanyang kwarto. At napasulyap siya kay Lyndon at nakita niya na tinitingnan siya nito.
    “Ahm, same room kuya” ang matipid na sagot niya, “thank you for being generous tatay Rene, nakakahiya naman po sa inyo at, naistorbo na namin kayo” ang sabi niya bago niya iniabot ang baso na inilapag sa kanyang harapan at sinalinan ng iced tea.
    “Naku, wala iyun, tulad ng sinabi ko, hindi madalas na may bisita ako, kaya, natutuwa ako at may makakausap naman ako na ibang tao maliban may Tino” ang nakangiting sagot nito.
    Sandali pa na nagtagal ang pag-uusap nila, at maya-maya ay hinayaan na sila ni tatay Rene na makaakyat sa mga silid nila para makapag pahinga.
    “Hindi ko na kayo ihahatid at alam naman na ninyo kung saan ang mga kwarto” ang sabi nito sa kanila habang nakatayo sila ni Lyndon sa paanan ng hagdan.
    “Please, don’t mind us sir” ang sagot ni Lyndon.
    “Alright, ipapatawag ko na lang kayo kay Tino kapag nakahanda na ang hapunan, magpahinga na kayong dalawa” ang nakangiting sabi nito sabay kindat kay Lyndon.
    Hindi napigilan ni Lyndon ang mapailing at mapangiti sa iginawi ng matanda. At nang maglakad na ito paalis ay umakyat na silang dalawa. Tahimik lang sila sa pag-akyat sa hagdan pero nakikiramdam sila sa isa’t isa.
    Pagdating sa ikatlong floor ay naghiwalay na silang dalawa. Nakahinga na ng maluwag si Isabella, isinuksok niya ang susi at pagbukas niya ng pinto, at paghakbang niya sa loob ay nagulat siya ng mabilis na pumasok si Lyndon sa kanyang kwarto.
    “What?” ang gulat na sambit niya.
    “Let’s talk” ang galit na sabi ni Lyndon sa kanya.
    

   

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon