Pinagmasdan ni Lyndon ang pinsan na si Ace at asawa nitong si Autumn mula sa kanyang lamesa na nasa sulok ng club. Hindi niya mapigilan ang mapangiti at mapailing ng makita ang ultimate seduction scene na ginagawa ni Autumn.
Halos natawa at napangiwi siya sa ginagawa ng babaeng, ginawa ang lahat masagip lang ang pamilya at asawa nito. Ang taong nagmamahal nga naman, gagawin ang lahat, para sa taong minamahal, ang sabi niya na sarili.
At nakita na nga niya na hindi na nakatiis ang pinsan, hinila na nito patayo si Autumn, at halos kaladkarin palabas ng club.
Itinaas niya ang highball glass na hawak ng kanyang kamay, tila pagsaludo sa dalawang taong malapit sa kanyang buhay.
"Cheers" ang bulong niya sa mga ito, bago tinungga ang whiskey. Pagkatapos ay ipinatong niya ang kamay sa lamesa at nanatili ang baso sa kamay niya at pinagmasdan niya ang gintong likido na laman nito.Maya-maya ay may tumayo sa tabi ng kanyang lamesa.
Lyndon sighed and gave the woman a side glance, and he continued to sipped his whiskey.
"Mindi if I share seat?" ang tanong ng babae sa kanya. Hindi siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pag-inom ng gintong likido sa kanyang baso.
Umupo sa kanyang tabi ang babae, he glanced at her. Yeah, typical look ng mga babaeng nakikishare ng seat sa mga lalaking nagsosolo sa mga upuan.
Sparkly tight dress, yeah, bakit ba kailangan na sparkly? Ang tanong niya sa sarili, para makasilaw ng lalaki? O gusto lang nila na mag mukhang Christmas tree? Ang tanong niya sa sarili.
Ash blond hair, nude eye make-up but red lips. Pero, ang mas gusto yata nitong bigyan ng highlight ay ang dibdib nito na litaw ang cleavage, dahil sa low neckline ng dress.
"Care to buy me a drink?" ang malanding sabi nito sa kanya.
Lyndon sighed, may pang punta sa bar, pero walang pambili ng drinks? What?! He wanted to lashed out on her, tulad ng ginagawa niya sa tuwing may lalapit na babae sa kanya, but this time, wala siya sa mood. He was very happy sa kinahinatnan ng complicated love story ng pinsan. And he wanted to celebrate, by himself.
Nagkibit-balikat lang si Lyndon at hinayaan ang babae na umorder ng drink. He didn't mind to even look at her. Muling natuon ang kanyang atensyon sa kanyang pinsan.
Complicated love story, dalawang beses ng sinubukan ng panahon ang pag-iibigan ng dalawa, at nalagpasan nila iyun. At naging saksi siya sa dalawang pagkakataon na iyun. At masaya siya para sa dalawa.
Habang siya? Ano nga bang lovelife ang mayron siya? His love to his career and his business. Wala na bang mas complicated doon? Well, he did fell in love but... that was a long time ago. And she made him what kind of man he is right now, ang sabi niya sa sarili."Madalas ka ba rito?" ang tanong ng babae sa kanya, na muli niyang napansin.
"Medyo" ang matipid at walang gana niyang sagot without even glancing sa babaeng katabi.
Bahagya itong tumawa, "you're a man of few words aren't you?" ang sabi nito sa kanya, sabay lagay ng kamay sa isa niyang hita at marahan na pinisil iyun.
Lyndon looked down on her well manicured hand at dahan-dahang gumapang ang kanyang mga mata paakyat, sa well endowed na dibdib nito hanggang sa maganda nitong mukha.
"Wanna go somewhere else?" ang makahulugang tanong nito sa kanya.
Lyndon sighed, "alisin mo yang kamay mo sa hita ko, pwede ba, I bought you a drink and you want a roll in a bed? Bakit? You think I'm a good catch? Hindi ako interisado sa mga babaeng parang mga lamok na naghahanap ng masisipsipan ng dugo" ang sagot ni Lyndon.
"Ha, I am not!"
"You know what? You can have my seat and you can pay for my drinks too" ang sabi ni Lyndon sabay tayo.
Mabilis na tumayo ang babae at hinabol siya, "hey, wait! I can't pay for your drinks!" ang malakas na sabi nito sa kanya.
Lyndon fished his wallet from his back pocket, at tinawag ang waiter, he pulled a few hundred bills, just enough to cover his bill and a tip sa waiter.
"Bayad sa drinks ko, siya" sabay turo sa babae, "singilin mo ng sarili niyang bayad sa order niya" ang bilin ni Lyndon sa waiter at mabilis siyang naglakad papalabas ng club, at narinig pa niya ang pagmumura ng babae sa kanyang likuran.
He don't give a damn, kahit pa murahin siya nito. Sanay na siya, well, hindi sa harap-harapan na mura from his employees, but he knew na pinag-uusapan siya ng mga ito, and he knew they cursed him behind his back, because he was such a very stern boss.
And he didn't mind, as long as nagagawa ang gusto niyang outcome sa trabaho at productive ang business. They can curse him all they want. Dahil, ganun din naman siya kung magsalita sa mga ito.
Kinatatakutan siya ng kanyang mga employees dahil mahigpit siya sa trabaho. Masakit siyang magsalita at kapag may mali kang ginawa it's either, papatawan ka ng disciplinary actions, suspension, or tanggal ka agad sa trabaho.
But, it paid off, dahil takot gumawa ng kalokohan ang kanyang mga empleyado, wala pa siyang na encounter na problema as of now, simula ng siya ang mag manage bilang president ng Build Bridges Corporation. At mas lumago ang kanilang negosyo at mabilis ang nangyaring expansion.
But this past few months was very trying for him, dahil, sa binigyan na rin ng kanyang daddy, ang kanyang step brother ng pwesto sa kumpanya. At nahati tuloy ang minamanage niya.
Their into condominiums, at halos lahat ng probinsiya sa Luzon ay nakapagpatayo na sila ng kanilang mga condominiums.
Sumakay na siya sa kanyang sasakyan, at nagdrive pauwi, bukas ay may flight siya. Papunta sa southern part ng Luzon.
Pagdating niya sa bahay ay tumambad sa kanya ang malaki ngunit malungkot na bahay niya. He sighed and threw his car keys sa ibabaw ng isang buffet table malapit sa main door.
He wanted to have a family of his own, have a lot of children like Ace, maybe even more, ang nangingiti niyang sabi sa sarili. It's been years since mabili niya ang bahay na ito, but, still, hindi pa niya nakikita ang babaeng magiging reyna ng kanyang bahay.
Hindi siya bato, gaya ng iniisip ng iba, its just that, unlike Ace, na takot noon na mainlove, siya ay handang mainlove, pero walang nakapagpatibok ng kanyang puso. And, he thought na hindi na niya makikita pa ito. Dahil sa for now, hindi naman niya ito priority at hindi siya naghahanap. For, now he's married to his business na ipinagkatiwala ng kanyang daddy sa kanya, at mukhang manganganib pang mawala dahil pumapel na ang step brother niya.
Lyndon sighed at dumiretso na siya sa kanyang kwarto at pagbukas niya ng ilaw ay tumambad sa kanya ang kanyang office table na may tambak na mga papeles.
Napabuntong-hininga na naman siya, dahil sa mga kaganapan nitong nakaraan na araw ay nakaligtaan niya ang trabaho niya. At malapit na quarterly report nila at ang ibig sabihin ay darating ang kanyang daddy bilang CEO pa rin ng kumpanya to see everything. And his dad has given a hint last month, na he was going to retire and pipiliin na niya kung sino ang next CEO ng kumpanya. And he wanted that title very badly.
Damn! He needed a break, mabuti na lang at nakapag book siya ng flight at kailangan talaga niya na makapag bakasyun kahit tatlong araw lang. Just to have a breather at makapag isip at plano siya ng mga susunod niyang hakbang para mapasa kanya na ang titulong CEO."Goodnight po sir" ang bati sa kanya ng katiwala ng "Chez Corazon" isa itong villa na nasa secluded na lugar sa Ticao island.
"Thank you" ang sagot niya sa katiwala na lalaki, na sumalubong sa kanya sa pampang.
"Akin na po sir ang dala ninyo" ang magalang na sabi nito sa kanya.
"No, no, it's OK, backpack lang naman ang dala ko, where is my room?" ang tanong niya rito.
"Dito po sir, sunod po kayo" ang magalang at magiliw na sagot sa kanya nito.
"Ano po pangalan ninyo kuya?" ang tanong niya sa may edad na lalaki.
"Tino po" ang magalang na sagot sa kanya nito habang naglalakad sila papasok ng isang villa.
"Ang ganda po ng lugar ninyo, secluded Island, matagal na po ba sa inyo ang property na ito?" ang interisadong tanong niya habang nakasunod siyang naglalakad sa lalaki.
"Ay, hindi po sa akin ang Chez Corazon, kay sir Rene po ang property na ito, katiwala lang po kami, kami pong mag-asawa" ang sagot nito sa kanya.
"Narito rin po ba ang may-ari?" ang interisadong tanong niya rito. The property really piqued his interest. Iba ang pakiramdam niya sa property na ito, nasa bangka pa lang siya ay kakaiba na ang pakiramdam na nadama niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso, para bang, na love at first sight siya sa lugar.
Bahagyang natawa si mang Tino, "alam ninyo po pangalawa na kayo sa nagtanong niyan, tinanong rin po iyan ng isa pa sa mga guest" ang masayang sabi nito sa kanya.
"Ganun ba? May iba pang guest na kasama ko?" ang tanong niya, he wouldn't mind sharing a house with strangers, dahil sa hindi naman niya pinareserve ang buong villa para sa sarili niya. For now, gusto lang niya na maging simple tourist backpacker.
"Ayaw nyo po ba ng may ibang kasama?" ang alalang tanong ni mang Tino sa kanya.
Mabilis siyang umiling, "hindi po, okey lang sa akin, ilan po ba ang guest?" ang usisa niya.
"Lima po kayo, dalawang babae, at isang magkasintahan, at kayo po" ang sagot nito sa kanya.
Tumangu-tango siya, habang umaakyat sa pangatlong palapag, ng Villa, at huminto sila sa tapat ng isang pinto na sa tingin niya ay ang kwarto niya.
"Heto po ang inyong kwarto, dalawa lang po ang kwarto rito sa itaas, ito pong inyo, at ang isa sa may bandang dulo" ang sabi nito sa kanya habang binubuksan ang pinto ng kwarto niya. At itinulak nito ang pinto at tumambad agad sa kanya ang malalaking bintana na may view ng dagat.
"Wow" ang sambit niya at agad siyang pumasok sa loob at lumapit siya sa may bintana.
"Binuksan na po namin ang bintana para makapasok na ang hangin, narito po ang kama, ang banyo, may ref po para kung may mag gusto kayong istock na pagkain" ang paliwanag sa kanya ni mang Tino.
"Salamat po" ang sagot niya habang nakatanaw pa rin siya malawak na dalampasigan mula sa bintana.
"Ang hapunan po ay mamayang mga alas sais, ang menu po ay ginataang manok at pritong isda na may ensalada, ayos lang po ba iyun sa inyo?" ang tanong nito sa kanya.
"Opo, masarap po iyun" ang sagot niya, although hindi siya sanay sa lutong probinsiya.
"Heto po ang susi sir Lyndon" at sabi sa kanya nito sabay abot ng susi, "nga pala Sir, ang sagot po sa tanong ninyo kanina ay, si sir Rene po ay nasa Maynila ngayon.
"Salamat po" ang nakangiting sagot niya sa lalaki na tumangu-tango at tahimik na lumabas ng kanyang silid.
Muling tumanaw si Lyndon sa magandang tanawin sa labas ng kanyang bintana. Magandang property ito, lalo na kapag nedevelop ng husto ang lugar.
Ilan kaya ang land area ng property? Ang tanong niya sa sarili. Interisado siya na makausap ang may-ari. Ang pagiging business minded niya ay biglang umiral na naman sa kanya. Yup, this land has a great potential, but for now, he needed to relax a bit.
He thought of their dinner, hindi niya alam kung makakakain siya ng ulam, pero, he has to, he booked himself into a secluded island, at hindi sa isang five star hotel.
At iyun ang naisip niya, kapag naipatayo niya ang nasa isipan niya, puro fancy food ang ipakikilala niya sa lugar na ito. A small island hotel with pool and a beachfront. Ang mga image na naglalaro sa kanyang isipan, at di niya napigilan ang mapangiti. Mukhang kahit saan siya pumunta, sinusundan siya ng negosyo.
Naupo siya sa gilid ng kama at sinimulan na tanggalin ang laman ng kanyang bag. He also thought of the other guests, he just hoped that, they were not annoying. It would be fine with him if they would just leave him be, hindi siya pumunta rito to make friends. He wanted to unwind without others bothering him,ang sabi niya sa sarili at nahiga na muna siya sa kama, he was exhausted, physically yes, but mentally no, he was elated, dahil sa idea na pumasok sa kanyang isipan, he suddenly felt so relaxed, dahil na rin sa malamig at banayad na hangin na pumapasok sa loob ng bintana, he could smell the salty air.
He sighed with contentment, at unti-unting pumikit ang kanyang mga kulay asul na mata, hanggang sa siya ay nakatulog.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...