Maaga pa lang at di pa halos hinahalikan ng sinag ng araw ang paligid ay bumangon na si Isabella.
Maaga naman siyang nakatulog, at, nakapahinga but lately, talagang magigising siya ng alanganing oras sa dis oras ng gabi or sa madaling araw, dahil sa cramps na nararamdaman niya at sa pangangalay ng kanyang balakang. Dinagdagan pa ng palagian niyang pag-ihi kaya kailangan niyang bumangon ng paulit-ulit para lang magpunta sa cr.
Kaya ng hindi na siya dalawin ng antok ay hinintay na lang niya ang oras, at ng makita niya na medyo malapit na ang oras sa pag bangon ng lahat ay naligo na siya at nagbihis, at lalabas na siya para maisakatuparan ang kanyang plano.
She didn’t want to play dirty, pero, dahil sa limitado ang oras niya sa isla at kakailanganin na niyang umalis bukas, ay kailangan niya itong gawin. Kasalanan ito ni Lyndon, kung hindi ito, biglang lumitaw na lang ay hindi naman niya ito gagawin. Nothing personal, it’s pure business, ang giit niya sa sarili.
Kumilos na siya para magpunta sa banyo, pagkalabas ay nagsuot siya ng maong na pantalon at shirt, na tinernuhan niya ng rubber sandals niya.
Hindi na niya hinintay pa na matuyo ang kanyang buhok, agad na niya itong sinuklay at ipinusod sa tuktok ng kanyang ulo at hinayaan niyang mahulog ng natural sa kanyang noo ang wipsy bangs niya.
Kailangan na niyang kumilos at baka maabutan siya ni Lyndon. Alam niya ang magiging consequence ng gagawin niya, alam niya na haharapin niya ang matinding galit ni Lyndon. Baka balatan pa siya nito ng buhay, pero, at least, kapag nangyari iyun, ay nakausap na niya si tatay Rene, tungkol sa kanyang pakay.
Dinampot niya ang straw na tali sa ilalim ng kanyang kama. Kagabi ay bumaba siya ulit para pumunta sa kusina at para na rin maghanap ng pwede niyang ipantali. Naabutan niya ang asawa ni kuya Tino at nagtanong siya kung mayron ba sila na pwedeng gamitin na pantali.
Nagtaka at nagtanong ito kung saan niya gagamitin, at sinagot lang niya sa kailangan pag-alis niya dahil may bibilhin siya sa mainland, pabalik sa Cebu.
Kita man ang pagtataka sa mukha nito, ay naging magalang naman ito na hindi na siya tanungin pa. Sandaling tumalikod ito sa kanya para buksan ang isang cabinet sa ilalim ng lababo at binigyan siya ng straw na panali.
Kinuha lang niya ang haba na sa tingin niya ay sasapat na para sa kanyang plano. At magiliw siyang nagpasalamat at nagpaalam rito kagabi bago siya bumalik sa itaas sa kanyang kwarto na may ngiti sa kanyang mga labi.
At dumating na nga ang sandali na isasakatuparan na niya ang kanyang balakin.
Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang kwarto, at tahimik siyang naglakad papalapit sa may kwarto ni Lyndon. Bawat hakbang niya ay halos di niya mailapat ng husto ang kanyang mga paa sa sahig. Kasabay nito ang mabilis na tibok ng kanyang puso at mababaw na paghinga dahil na rin sa kaba na mahuli siya ni Lyndon.
Lumapit siya sa pintuan at idinikit niya ang kanyang tenga para pakinggan kung gising na ito. Nang masigurado niya na hindi pa ito gising at tahimik pa sa loob ay dahan-dahan niyang itinali ang straw sa door knob at itinali iyun sa may exterior windowsill. May extending na bakal ang sill na nagsisilbing, sabitan ng mga halaman sa labas ng bintana.
When she thought the the string was secure at naitali na niya ang pinto ay nagmamadali siyang bumaba ng hagdan para pumunta sa kusina sa ibaba para uminom ng kape.
At naabutan na nga niya sa may dining area si tatay Rene na nakaupo sa harapan ng dining table, at may hawak itong dyaryo at sa harapan nito ay isang tasa na may umuusok na kape.
“Good morning!” ang masaya niyang bati kay tatay Rene, na agad na ibinaba ang hawak na dyaryo para tingnan at batiin siya.
“Oh, good morning Bella, early riser ka pala, o, excited ka lang sa lakad natin ngayon?” ang magiliw na tanong nito sa kanya.
“Both” ang mariin at nakangiti na sagot niya.
Humakbang siya papalapit sa lamesa at naupo sa upuan malapit sa matandang may-ari.
“Magkape ka na, gusto mo na bang kumain ng almusal?” ang tanong ni tatay Rene sa kanya.
“Ahm, coffee na lang po, ako na po ang kukuha ng kape sa kusina” ang sagot niya.
“Maupo ka na lang at tatawagin ko ni Tino” ang bilin sa kanya ni tatay Rene.
Maya-maya ay pumasok na si kuya Tino dala ang carafe ng freshly brewed coffee at mga tasa. Inilapag ito ni kuya Tino sa ibabaw ng lamesa kasunod nito ang kanyang asawa na may bitbit naman mainit na pandesal at iba’t ibang palaman.
“Salamat po” ang magalang na sabi niya at kinuha niya ang isang tasa at nilagyan sinalinan niya ito ng mainit na kape.
Ayaw niya sanang kumain na naman, dahil din sa dami ng kinain niya kagabi, pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi dumampot ng tinapay dahil sa masarap na amoy nito.
Hindi na niya ito nilagyan ng palaman dahil sa masarap na ito at bagong luto.
Itinupi na ni tatay Rene ang dyaryo at inilapag sa tabi, sa ibabaw ng lamesa. Dinampot nito ang tasa at hinigop ang mainit na kape na laman nito.
“Hindi po ba kayo kakain?” ang tanong niya, nang mapansin na hindi kumukuha ng tinapay si tatay Rene.
“Nagkakape lang ako sa umaga, nakasanayan ko na, ang kain ko ng agahan ay bago magpa tanghali, nakasanayan ko na, kahit noon pang buhay ang aking asawa” ang sagot nito sa kanya.
“Ganun po ba” ang mahinang sagot niya. Tiningnan niya ang bintana at napansin niya na unti-unti ng nagpapakita ang gintong liwanag ng araw.
Dapat ay mayaya na niya si tatay Rene sa labas, alam niya na panandalian lang niya na maikukulong si Lyndon sa loob ng kwarto nito at makakalabas at makakalabas ito ng kwarto.
“Pwede na po ba tayong, mamasyal sa paligid ng villa tatay Rene?” ang umaasang tanong niya.
“I think we should wait for Lyndon, don’t you think?” ang nakangiting tanong nito sa kanya. At napakagat-labi na lang siya sa matanda.
“Hmmm, baka po kasi tulog pa iyun” ang patay malisya niyang sagot dito at kunwari ay abala siya sa paghigop ng kanyang kape.
“Hmm, sa tingin mo ba ay hindi ito, sasama?” ang tanong muli nito sa kanya.
“Hindi ko po alam, pero, baka po kasi tanghaliin iyun ng gising, kasi, nung kasama namin siya noon dito, laging late yun kung bumaba rito sa dining area para kumain” ang paliwanag niya.
“Hmm, okey, ten minutes more and we’ll leave, that would be enough time for me to finish my coffee at kapag wala pa siya, mauuna na tayo, pwede ko naman siyang samahan na lang ulit mamaya” ang sagot nito sa kanya.
Isabella was soo thankful, pero ang sampung minuto para sa kanya ng mga sandaling iyun ay parang sampung taon na paghihintay. At halos hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan, dahil, baka bigla na lang lumitaw si Lyndon sa dining area at sakalin na lang siya nito sa galit sa kanya.
Kaya halos, ibuga niya ang isang malalim na hininga ng dumaan na ang sampung minuto at wala pa rin si Lyndon. Siguro nga ay tulog pa ito, ang sabi niya sa sarili.
Agad na tumayo si tatay Rene at sabay silang lumabas ng bahay, patungo sa likuran na bahagi ng bahay kung nasaan naroon ang isang lumang owner jeep.
“Tulog pa nga siguro si Lyndon, hindi bale, gaya nga ng sinabi ko kanina, sasamahan ko na lang siya ulit mamaya,
Agad na sumakay ito sa may driver’s side at siya naman sa passenger side ng jeep. Pero kahit nakasakay na sila sa sasakyan ay di pa rin maalis ang kaba sa kanyang dibdib. Lalo pa at hindi pa sila nakakaalis ng villa.
At nang marinig at maramdaman na niya ang buhay na makina ng sasakyan ay napabuntong-hininga siya. Pero, panandalian lamang ito, dahil halos mawala ang dugo sa kanyang katawan ng makita niya si Lyndon a tumatakbong papalapit sa kanila at galit na galit ito.
Ilang beses na hinila ni Lyndon ang pinto pero hindi pa rin ito bumubukas. Ano kayang dahilan bakit mag stock ang lock ng pinto?pero sa tingin niya ay hindi sa lock ang problema, dahil naipipihit niya ang knob. May pumipigil sa labas na mabuksan niya ang pinto.
“Shit!” ang galit na sabi niya, he tried the window, pero ang nakalock ang sliding windows. Ang tanging bukas na bintana ay ang nasa gilid, kung saan kita ang view ng cove, at hindi siya pupwedeng dumaan doon dahil sa wala siyang pwedeng tapakan at siguradong maghuhulog siya.
Ang pag-asa niya ay ang sliding window na nasa harapan, nilock siguro iyun para hindi agad mabuksan at maging safe at secure ang occupants ng kwarto. At para na rin magkaroon ng privacy sakaling may mga tao sa labas na nakatayo sa terrace.
He shook the window, kung luluwag ito at makakawala sa pagkalock nito, but to no avail. He again tried the doorknob, pero hindi pa rin ito mabuksan.
Then naalala niya ang susi, tatlong set ang susi na ibinigay sa kanya. Yes! Maybe one of the keys ay para sa bintana.
Agad niyang dinukot ang susi sa suot niyang pantalon at pinili ang susi na kakasya sa bintana. Inalis na niya sa pagpipilian ang susi ng pinto. Kaya, dalawa na lang ang natira at isa roon ay posibleng susi ng bintana.
Inilusot niya ang unang susi sa dalawang pagpipilian, at hindi ito nabuksan. Pinalitan niya ito agad at ang pangalawa naman ang isinuot niya sa keyhole at isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig niya ng bumukas ang bintana. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at inakyat niya ang bintana at tumalon siya palabas sa terrace. At tumambad sa kanya ang tali sa pintuan ng kanyang kwarto.
“Grrr, Bella” ang gigil sa sabi niya, at mabilis siyang bumaba ng bahay, alam niya na wala na ito sa kwarto at nasa baba o labas na ng bahay. For some reason alam niya rin na ayaw siyang makasama nito sa paglilibot sa isla.
Halos takbuhin niya ang hagdan pababa, dumiretso muna siya sa dining at nakita niya na nagliligpit na ang asawa ni kuya Tino.
“Sir mag-aalmusal na po ba kayo?” ang magalang na tanong nito sa kanya.
Mabilis siyang umiling, “sina tatay Rene?” ang tanong niya.
“Lumabas na po sila ni Bella, mamamasyal na daw po sila” ang sagot nito.
“Thank you” ang mabilis niyang sagot at patakbo siyang lumabas ng bahay para habulin ang dalawa. At laking pasalamat niya ng mamataan niya ang mga ito na nakasakay sa isang lumang owner type jeep.
At naningkit ang kanyang mga mata nang natuon ang mga iyun kay Bella. Mabilis at malaki ang bawat hakbang niya, and he was fuming with anger, at he was going to lashed out on her.
“Oh, Lyndon, akala namin hindi ka na bababa para sumama sa amin ni Bella” ang gulat na sabi ni tatay Rene ng makalapit na siya sa sasakyan.
“Alam naman yata ni BELLA na hindi ako makakasama, at mukhang SINIGURADO niya iyun” ang galit na sagot ni Lyndon pero ang mga mata nito ay nakatuon kay Isabella, na namutla ng makita siya.
“Huh, eh, ganun ba, oh, nariyan ka na, halika na at sumabay ka na sa amin, ayos lang ba sa iyo kung sa likod ka mauupo?” ang alalang tanong pa nito sa kanya.
“Wala pong problema” ang magalang na sagot ni Lyndon, pero bago pa siya sumampa sa likod ay binulungan muna niya si Bella.
“I’m not through with you” ang galit na banta ni Lyndon kay Isabella na tumikom lang ang mga labi nito at ang lakas pa ng loob na irapan siya. Ibang klase talaga ang sabi niya sa sarili.
Hinintay siya ni tatay Rene na makasampa siya sa likod ng owner, at dahil sa walang bubong ito ay tamang-tama ang oras na iyun na makapaglibot sila sa isla dahil sa hindi pa kainitan.
At nagsimula na ngang umandar ang sasakyan at habang nagmamaneho ay patuloy sa pagkukwento si tatay Rene tungkol sa property niya na may total land area na 10 hectares. Puro mga puno ng niyog at iba-ibang gulay ang nakatanim sa paligid. Pero mayroon na isang area na puro naman mga bulaklak ang nakatanim at doon ay sandaling huminto ang kanilang sasakyan at pinagmasdan nila si tatay Rene, habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.
Tahimik itong bumaba ng sasakyan, at kahit na hindi sila nito sinabihan ay bumaba rin sila at tahimik na sumunod sa matandang lalaki. Hanggang sa huminto ito sa harapan ng isang maliit na tomb stone. Napakaliit nito, at hindi mo ito, mapapansin. Dahil sa halos matakpan ito ng mga bulaklak na nakatanim sa paligid.
“Here, lies the love of my life, my soulmate, my forever love, my wife Corazon” ang mahinang sabi nito, na hindi man lang humarap sa kanila at nakatuon ang mga mata nito sa maliit na bato na nakatayo sa lupa.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Isabella, at may namuo na emosyon sa kanyang lalamunan, she was so moved, kung paano sinabi ni tatay Rene ang mga salitang patungkol kay Corazon na asawa nito, dama niya ang labis na emosyon ng pagmamahal sa namayapang asawa.
“Ito ang kanyang garden, before, she left me, ibinilin niya na dito ko daw siya, itanim” ang sabi ni tatay Rene, na bahagyang natawa.
Hindi rin napigilan nila Isabella at Lyndon ang mapangiti at ng sandali na iyun ay nawala ang inis at galit nila sa isa’t isa at nagkatinginan silang dalawa.
“O siya, bumalik na tayo sa villa, kailangan ko na rin na mag-almusal” ang sabi nito na muling nanumbalik ang sigla sa boses nito.
Pagkatapos kumain ng almusal ay niyaya sila ni tatay Rene na maupo sa labas, agad naman silang sumunod dito, at sinabihan sila nito na maupo sila ni Lyndon sa magkatabi na upuan.
At agad din nila itong sinunod, ilang sandali na namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo, hanggang sa si tatay Rene ang bumasag nito.
“Alam ko ang pakay ninyong dalawa, gusto ninyong bilhin ang isla at ang Chez Corazon sa akin” ang diretsang sabi nito sa kanila na parehong ikinabigla nina Isabella at Lyndon.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...