Chapter 48

3.1K 142 13
                                    

Halos ipinagtapunan ni Lyndon ang lahat ng kanyang gamit sa loob ng bahay. He was so angry and frustrated, at wala siyang ibang mapaglabasan ng kanyang galit kundi ang ipaghagisan ang mga gamit niya sa loob ng bahay.
     Hindi niya matanggap, hindi niya matanggap na gagawin iyun ni Isabella. Na kakayanin nitong talikuran ang pag-ibig o pagmamahal na sinabi nito sa kanya. Sobrang sakit ng nadarama niya. Ang babaeng pinakamamahal at pinakahahangad niya ay nasa piling na ng iba, ng dahil sa ano? Ng dahil sa isang maliit na isla.
     Mas mahalaga ba kay Isabella ang pinapangarap nito na isla kaysa sa pag-ibig na nadarama nila sa isa’t isa? Ang tanong niya sa sarili. Hindi ba mahalaga kay Isabella ang pagmamahalan nila? Ang magiging anak nila? Ang maging ama sa anak nila at maging asawa nito? Binulag na ba ng pangarap si Isabella kaya nagawa niya ang paglaruan silang dalawa ni Ylmas? Ang mga gumugulo na katanungan sa isipan niya.
    Pero, bigla siyang natauhan. Hindi si Isabella ang dapat niyang tanungin kundi siya. Ang sarili niya ang dapat niyang tanungin. He was ready to point fingers to find fault at her, when all this time, it was him who has shortcomings and it was him who made a mistake, and not Isabella.
    Siya ang hindi nagpakita ng pagpapahalaga sa pangarap na isla at hindi si Isabella. Siya ang nagpakita ng hindi pagpapahalaga sa relasyon nila, dahil sa pagpapaliban niya ng kasal na hinihiling ni Isabella, at dahil doon ay hindi siya nagpalitan lubos na interest na gusto niya na maging asawa si Isabella. Siya ang nagkulang at hindi si Isabella. Siya ang binulag ng kanyang mga pangarap kaya hindi niya nakita na ang pinapangarap niya ay nasa kanya na palang harapan, at hindi niya nakita dahil sa malayo ang kanyang tingin. Siya ang naglaro para sa pangarap at hindi si Isabella. Hindi niya naipadama rito ang kanyang lubos na pagmamahal at paghanga.
    At ng makita niya sina Isabella at Ylmas, sobrang sakit ang kanyang nadama, dahil sa ipinakita nito sa kanya, ipinagtanto sa kanya, at parang inihampas sa kanyang mukha para matauhan siya, na, hindi pala ang isla, hindi pala ang proyekto, at hindi pala ang posisyon ang matagal na niyang pinapangarap. Kundi ang mahanap ang babaeng mamahalin, makakasama at magiging ina ng kanyang mga anak. At ibinigay ito sa kanya, lahat-lahat ay ibinigay sa kanya at hawak na pala niya, ngunit, hindi niya ito hinawakan ng mahigpit at ng may pag-iingat, bagkus ay hinayaan niyang dumulas sa kanyang mga kamay ang pangarap niya.
    At si Isabella at ang anak nila, ang mga pinapangarap niya ay nasa piling na ng iba, at mukhang malayo na niyang makuha pa.
    He was too late, he knew he was too late to say he’s sorry, to apologise, and to beg for her forgiveness. Ngayon ay alam na niya ang sinasabi ni Isabella na, he has to set his priority straight.
    At, nitong mga nakaraan na araw? Isabella’s absence made him realised na hindi na niya kakayanin ang mabuhay ng wala ito.
    But, it was too late, it was too late for him at wala ng iba pang dapat na sisihin kundi ang kanyang sarili.
     “I’m fool! I’m stupid!” ang mga sigaw niya habang unti-unti siyang naupo sa sofa, itinukod niya ang kanyang mga siko sa kanyang magkabilang tuhod at sinapo ng kanyang mga kamay ang kanyang ulo. Habang patuloy na bumubuhos ang luha mula sa kanyang mga mata.
     He wanted this for himself, this is the life that he had always wanted right? Rich, famous, successful, and LONELY and BROKEN.
    He let out a humourless laugh, hindi niya inakala, na ang pinagdaanan ng kanyang pinsan noon ay kanya rin na mararanasan. Mukhang ang mga katangahan na mga pagdedesisyun ay nasa kanilang mag pinsan. Pero, mabuti pa si Ace at dalawang beses na nakabangon, dahil na rin sa tulong niya at ni Autumn. Pero, siya? Kahit pa tulungan siya ng kahit sino ay, hindi na mababago ang kapalaran niya.
     Trace can’t help him, dahil sa wala naman siyang dapat na ipakalkal na mga impormasyon patungkol kay Isabella dahil sa, si Isabella mismo ang nagbukas sa kanya ng libro ng buhay nito.
     He didn’t also needed the help of Ace, dahil sa, wala namang rescue or kidnapping attempt na dapat niyang gawin, dahil, obviously, Isabella, chose to be with Ylmas. At kapag ginawa niya iyun, baka mas lalo pang lumayo si Isabella sa kanya. Knowing that Isabella is strong willed and very determined, yes, that’s Isabella, she’ll do anything. Just like Autumn, at nang mapagtanto niya ang lahat ay napailing siya, tiningnan niya ang oras, it was only four in the afternoon, pagkagaling niya sa building ng mga Roces kung saan niya nakita sina Isabella at Ylmas ay, hindi na siya bumalik sa opisina at dumiretso na siya sa kanyang bahay, dahil sa alam niya na hindi naman na siya makakapag trabaho pa.
   He got his phone and dialled her number, hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya, pero, that time, he needed someone to talk to and hear a woman’s point of view, maybe the boys can’t help him but maybe, a woman can.
    “Lyndon?” ang bungad na tanong ni Autumn sa kanya.
    Suminghot siya at pinahid ang luha sa mga mata, “hi, is it not too much to ask for you to come here?” ang tanong niya sa babaeng, naging matalik niyang kaibigan.
   “What’s wrong Lyndon are you crying, did something happen to Isabella?”
    “Can we talk? Here, in my house” ang matipid niyang sagot.
    “Of course, I’ll be there in a few minutes” ang mabilis na sagot nito.
    “Thanks” ang sagot niya.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon