Chapter 30

2.8K 148 24
                                    

Natulala si Isabella sa bungad na tanong sa kanya ni Autumn, halos ilang segundo siya na hindi nagsalita, nanatiling nakatayo, at mulat ang mata na nakatingin kay Autumn, habang ito naman ay nakaupo  sa kama.
     “I’m sorry, I didn’t mean to pry, it’s just that, habang nagkukwento kasi kanina si Lyndon tungkol sa mga nararamdaman mo, parang pareho kayo na walang idea tungkol sa nangyayari sa iyo?” ang giit ni Autumn sa kanya.
     Isabella gave her a sheepish grin, “ahm, no, hindi, ako.. Hindi ako buntis” ang sagot niya kay Autumn at isinuksok niya ang mga kamay niya sa likod na bulsa ng suot niyang maong na pantalon, habang nagtaas lang ng kilay si Autumn sa kanya.
    “Hindi?” ang pahabol at hindi sigurado niyang sagot.
    “Are you sure?” ang giit ni Autumn, na naghalukipkip ng mga braso.
    “Yes, I’m into injectable kasi” ang sagot niya kay Autumn. Napansin niya na ngumiti at tumangu-tango ito.
     “Did you test yourself already? I mean home pregnancy test, yung kit na nabibili sa drugstores”
     “No, but, I know I’m not pregnant” she answered and now she felt doubtful of herself.
     “Kailan ka huling nagpa-inject?” ang usisa pa rin sa kanya ni Autumn.
     “Ahm, two months ago” ang sagot niya at parehong kilay na ang tumaas lay Autumn.
     “Yung totoo” ang giit nito sa kanya pero may ngiti ito sa mga labi. Hindi siya makapaniwala na she’s being interrogated, dahil sa gustong malaman ng mga ito na buntis siya.
     “Last month” ang pahina nang pahina niyang sabi, at umiwas na siya ng tingin kay Autumn.
     Marahan na natawa si Autumn, “yung TOTOO, Bella, tell me” ang malumanay na sabi nito sa kanya.
    Napabuntong-hininga na siya, “truthfully, I don’t know” ang sagot niya, at napabuntong-hininga na siya, she felt defeated that time.
    "I won't judge I'm not good with contraceptives also" ang sagot ni Autumn na marahang natawa.
    “Do you think you’re pregnant?” ang usisa ni Autumn sa kanya.
    “I don’t know” ang mahinang sagot niya.
    “Halika rito sa tabi ko” ang yaya ni Autumn sa kanya and she patted the spot on the bed next to her. Humakbang naman siya papalapit rito, “treat me as your ate, may mga kapatid ka pa ba?” ang dugtong na tanong nito sa kanya.
    Naupo siya sa tabi nito at umiling siya, “nag-iisang anak lang ako” ang malumanay na sagot niya.
    “Hmm, pareho pala tayo” ang nakangiting sagot ni Autumn sa kanya. And that moment she feel connected to her, instantly, Autumn became a sister and a friend that she never had and always wanted. Wala siyang naging malapit na kaibigan noon, dahil sa mas abala at focus siya sa pagkayod.
    “So tell me, ano bang mga nararamdaman mo?” ang usisa no Autumn sa kanya.
    Sandaling nag-isip si Isabella, at ilang sandali pa ay nagsimula na siyang magkwento tungkol sa mga nararamdaman niya at kung kailan nagsimula ito. Matiyaga naman na nakinig sa kanya si Autumn at minsan ay nagtatanong ito, at pagkatapos ay tatango lang, palatandaan na nakikinig at naintindihan nito ang mga sinasabi niya.
     “You’re pregnant Bella” ang masaya at nakangiting sabi sa kanya ni Autumn, at pinisil pa nito ang kanyang kamay sa tuwa. Halata sa mukha nito ang labis na tuwa at excitement.
    Pero siya? Hindi niya alam, parang nagkarambol-rambol ang mga emosyon na nasa dibdib niya. At muli na naman naramdaman niya ang paghalukay sa kanyang sikmura at mabilis siyang tumayo at tumakbo sa loob ng toilet, para muling ilabas ang mga kinain lang niya kanina.
    Sinundan siya ni Autumn at hinagod nito ang kanyang likod, nang mahimasmasan na siya ay inalalayan siya nito pabalik sa kama para maupo.
    “Are you sure?” ang tanong ni Isabella.
    “Isabella, I have seven kids, you saw them, at sunud-sunod ang mga edad nito, kaya, I know what I’m talking about, trust me” ang giit ni Autumn sa kanya.
    Napabuntong-hininga si Isabella, hindi niya alam kung maniniwala ba siya, pero, ngayon niya na napagtanto na, maaaring tama nga ito.
    “Don’t you want a baby?” ang mahinang tanong ni Autumn sa kanya nang makita nito na parang naguguluhan siya.
    “Of course I do” ang totong sagot ni Isabella, siya oo gusto niyang magka baby, kahit pa wala sa plano niya ang lahat, pero, kung totoo man na buntis siya? She would love her baby so much.
    Pero, paano si Lyndon? Naalala niya ang sinabi nito sa kanya sa bahay sa Manila, na kung sakaling buntis man siya, ay sa kanya raw ang batang dinadala niya.
    But she’s not ready to tell him, pagkatapos ng deal nila ay magkakalayo rin silang dalawa, back to their normal lives, and back to being strangers, siya sa Cebu si Lyndon sa Manila.
    “Magpunta ka sa OB, just to make sure, gusto mo ba na samahan kita? I’ll refer you to my OB, para macheck ka na agad at mabigyan ng vitamins, kung bibilangin, halos dalawang buwan na ang baby mo” ang sabi ni Autumn sa kanya.
    “Sige, isasabay ko na rin sa ipinangako ko na pagbisita kay Brooke” ang sagot ni Isabella.
    “Don’t worry, my lips are sealed, I won’t even tell my husband at baka madulas yun, alam mo naman yung dalawang yun kapag magkasama” ang sabi ni Autumn sa kanya. At tanging matipid na ngiti lang ang naisagot niya.
    At kasalukuyan silang nagpapalitan ng numero ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at mabilis na pumasok si Lyndon kita ang pag-aalala sa mukha nito. At tila ba nabunutan ito ng tinik ng makita silang dalawa ni Autumn.
    “Is everything OK?” ang alalang tanong nito sa kanila.
    “We’ll get in touch” ang sabi ni Autumn sa kanya bago ito tumayo at naglakad papalabas ng pinto, pero huminto ito sandali sa tabi ni Lyndon at hinalikan nito si Lyndon sa pisngi, bago ito lumabas ng kwarto.
    Isinara ni Lyndon ang pinto at humakbang papalapit sa kama at naupo ito sa kanyang tabi. He brushed off her bangs, to look in her eyes.
    “I made a promise right? That I will never leave your side?” ang nakangiting paalala sa kanya ni Lyndon.
    Ngumiti siya bilang sagot at tumangu-tango, pero, pero sa kalooban niya ay nakaramdam siya ng lungkot. Dahil, alam niya na, iiwan din siya nito, dahil sa kailangan nilang magkahiwalay kapag tapos na ang deal nila ni Lyndon.
    “So, ano bang, conspiracy ninyong dalawa ng sister in law ko?” ang nakakunot noong usisa ni Lyndon sa kanya.
    Namula ang mukha ni Isabella, “ahm, it was girl talk Lyndon, it was not meant for your ears” ang sagot ni Isabella.
     “Oh c’mon! I’m your fiance!” ang giit ni Lyndon.
     Tumayo si Isabella at naglakad papalapit sa pinto.
    “Please?” ang pakiusap ni Lyndon.
     “No.. hou” ang pakantang sagot ni Isabella.
     “Don’t you want to lie down for a while? And… talk?” ang dugtong pa ni Lyndon sa kanya habang siya naman ay nakahawak na sa doorknob, at hinila na nito pabukas ang pinto, pero isang matamis na ngiti muna ang isinagot niya kay Lyndon.
    “NO” ang mariin na sagot niya bago siya tuluyan na lumabas ng pinto, at narinig pa niya ang angal na ungol ni Lyndon, na naiwan sa loob.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon