Chapter 11

3.1K 144 11
                                    

Parehong nabigla sina Isabella at Lyndon sa sinabi ng matanda at nagkatinginan pa silang dalawa.
"P-paano nyo po nalaman?" ang mahina at nahihiya na tanong ni Isabella kay tatay Rene. At nagdaop ang kanyang mga palad na nakapatong sa kanyang mga hita.
Isang mahina na tawa ang lumabas sa mga labi ni tatay Rene.
"Sanay na ako, hindi lang naman kayong dalawa ang nagpakita ng interest na bilhin ang property ko sa akin, marami na rin ang nag attempt, pero, kayo lang ang pinagbigyan ko" ang paliwanag nito sa kanila.
"Pinagbigyan po?" ang naguguluhan na tanong ni Lyndon. Ito naman ay ipinatong ang mga siko sa ibabaw ng lamesa at pinagpatong ang mga braso nito.
"You were the only ones that I've entertained here sa villa, others, sa phone pa lang, I turned them down already" ang matapat na sagot nito sa kanila.
"Thank you po" ang sagot ni Lyndon.
"Bakit po?" ang sabat ni Bella, "Bakit sa dinami-rami ng mga nag-alok sa inyo sa inyong property, bakit, kami lang po ang pinagbigyan ninyo?" ang usisa ni Isabella.
Napabuntong-hininga si tatay Rene at sumandal ito sa backrest ng upuan. Nagkibit-balikat pa ito bago nagsalita.
"I don't know, I sensed something different sa inyong dalawa, and, I have this gut feeling, lalo na ng makita ko na kayong dalawa ng personal, and my wife always told me to follow it, my intuition" ang nakangiting sabi ni tatay Rene, sa tuwing nababanggit nito ang namayapang asawa.
"Kaya I said to myself, why not? At tinanggap at inobserbahan ko kayo and I've given you the opportunity to see the island and my wife" ang dugtong pa nito.
"Thank you" ang sambit ni Isabella.
"So, sir, I didn't mean to be rude, I guess, both me and Bella didn't" ang sabat ni Lyndon at itinuro pa nito si Bella, "but, now that you've known our purpose, are you also willing and ready to hear our proposals?" ang tanong ni Lyndon sa matandang may-ari ng villa.
Isang malapad na ngiti ang isinagot nito sa kanila, pero bigla itong umiling.
"I'm sorry, pero hindi ko ibebenta sa inyo ang isla lalo na ang Chez Corazon" ang tanggi nito sa kanila, ngunit may malapad na ngiti sa mga labi nito.
"Maybe, if you just hear us out first sir" ang sabat ni Isabella, pero isang sunud-sunod na pag-iling ang sinagot ni tatay Rene sa kanya.
"Look, I would sell you the property if I wanted to, but first, let me tell you something about this island, kung bakit, I'm skeptical on selling this land, to a random buyer" ang sagot ni tatay Rene, at sabay sina Isabella at Lyndon na tumangu-tango.
"I named the whole island and the villa sa aking asawa, Chez Corazon, o at the home of Corazon" ang panimula nito.
"I was just a poor ordinary boy, na may malaking pangarap, nang makilala ko si Corazon na isang anak mayaman. Nagbabakasyon sila noon sa mainland, at doon ko siya nakilala noong, dahil sa kami ang taga rasyon ng mga gulay sa malaking bahay ng kanyang tiya, at nang unang beses na nagtama ang aming mga mata ay alam ko na na siya ang babaeng mamahalin ko habambuhay. Malalaman mo iyun, dahil sa ipahihiwatig iyun sa iyo, ng iyong puso, kung pakikinggan mo ang pagtibok nito" ang panimula na kwento ni tatay Rene, habang may ngiti ito sa mga labi.
Bigla naman kinabahan si Lyndon ng marinig ang sinabi ng matanda. Patungkol sa kakaibang pagtibok ng puso kapag nakita mo na ang babaeng mamahalin mo habambuhay. At pasimple siyang napasulyap sa katabi na si Isabella.
"Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap hanggang sa patago na kaming nagtatagpo, pero, dumating ang sandali na kailangan na nilang bumalik ng Cebu" ang patuloy na kwento nito.
"Ayaw man namin na magkahiwalay ay wala kaming nagawa, kundi ang mangako na lang na magsusulatan kaming dalawa at ang magiging tapat kami sa amin pagmamahalan" ang kwento pa nito habang nakatanaw sa may kalayuan, sa malawak at asul na dagat.
"Hanggang sa nakatanggap ako ng sulat, nalaman ng mga magulang ni Corazon ang tungkol sa aming relasyon, dahil sa nakita ng mga ito ang mga palitan namin ng liham, at pinagbawalan na ako na sumulat pa sa kanya at makipag komunikasyon dahil sa ipakakasal na si Corazon sa isang negosyanteng taga Cebu rin" sandaling tumigil ito sa pagkukwento tila ba bumalik ito sa mga panahon na iyun.
"Sa kaunti kong pera na naitabi, ginamit ko iyun para pumunta ng Cebu, para puntahan si Corazon, at doon ay hinarap ko ang galit at mga panlalait sa akin ng pamilya nito" ang sabi ni tatay Rene. At ang mga salitang iyun, ay tumusok sa puso ni Isabella, tila ba siya ang nasa ganun na sitwasyon, muling nanumbalik sa kanya ang lahat, at halos nahirapan siyang huminga sa pag pigil niya ng luha sa kanyang mga mata dahil sa sakit na kanyang nadama.
"Pero, handa kaming ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Corazon, sumama siya sa akin, agad kaming tumakas, at sumakay ng bangka, kung kano-kanino kami nakisakay na mga mangingisda para lang makalayo sa probinsiya, hanggang sa napadpad kami rito" ang nakangiting sabi ni tatay Rene.
"Dito kami nagtago, namuhay, alam namin na pwede kaming matunton sa mainland, muli kaming umalis rito at nagpunta sa probinsiya sa Bicol, namasukan ako habang nag-aaral siya naman ay namasukan din bilang isang secretary sa isang maliit na opisina. Hanggang sa nakapag tapos ako at nagkarun ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang bansa, kahit pa masakit sa amin ang malayo sa isa't isa ay pumayag siya, alam niya na babalik ako sa kanya, hanggang sa nakaipon ako ng sapat na pera at nabili ang maliit na isla, bilang regalo kay Corazon dito, kung saan nangako kami sa isa't isa na hindi kami maghihiwalay at mananatili na mamahalin ang isa't isa hanggang kamatayan" ang kwento ni tatay Rene.
Isabella blinked her tears and swallowed her emotions, while Lyndon cleared his throat.
"So, that means, hindi ninyo ibebenta ang property sa amin dahil sa regalo ninyo ito kay Corazon?" ang tanong ni Lyndon.
Umiling si tatay Rene at ngumiti, "matanda na ako at walang mga anak, alam ko na darating ang panahon na iiwan ko rin ang lugar na ito, ibibenta ko lang ang isla na ito, kung sa tingin ko ay karapatdapat ang bibili, na pangangalagaan nito ang lugar at mamahalin gaya ng pagmamahal namin ni Corazon" ang sagot nito.
Tumangu-tango si Lyndon, "handa na po ba kayo na marinig ang proposal namin?" ang tanong ni Lyndon.
Umiling si tatay Rene, "hindi na, aanhin ko pa ang napakalaking halaga ng pera, hindi ko iyan madadala sa hukay, ibebenta ko ito sa isa sa inyo kung mayron din kayong mga mahal sa buhay na katulad ni Corazon" ang sagot ni tatay Rene, na nagdulot ng kalituhan kina Isabella at Lyndon.
"Hindi ko po maintindihan" ang sagot ni Isabella.
"May boyfriend ka ba o asawa Isabella?" ang biglang tanong nito sa kanya.
"Ahm, wala po"-
"Ikaw Lyndon? Mayron ka bang fiancée o asawa?" ang tanong naman nito kay Lyndon.
"None sir"-
"So hindi para sa inyo ang isla, dahil ang isla ay namuhay sa pagiibigan, at ang pwedeng mag may-ari lang nito, ay mga taong, NAG-IIBIGAN" ang pinal na sagot ni tatay Rene sa kanilang dalawa.

Dalawang araw na ang nakalipas ng bumalik siya galing sa Chez Corazon, nakaupo siyang muli sa kanyang swivel chair at nakaharap sa city view ng busy street sa ibaba. Gabi na kaya kitang-kita ang maliliit na ilaw sa ibaba mula sa kanyang opisina. Nag-uwian na ang lahat ng empleyado ng kumpanya at siya na lang ang naiwan sa building at ang mga night shift guards.
Malaki ang kanyang isipin, mukhang malabo na yata niyang makuha ang property, ang problemadong sabi ni Lyndon sa sarili. Isang linggo na ang nasayang niya, kailangan na niyang gumawa ng hakbang para makuha ang isla. Pero sa mga kondisyon ni tatay Rene, mukhang mahihirapan siya.
Well, madali lang kung tutuusin, pwede siyang kumuha ng pwedeng magpanggap na fiancee niya, para makuha niya ang lupa. Ang problema na lang niya ay si Isabella, sa ginawa nito sa kanyang pagkulong sa kwarto niya sa villa, alam niya na gagawin rin nito ang lahat para lang makuha nito ang lupa. Baka nga pareho pa sila ng iniisip ng mga sandaling iyun.
Kailangan niya munang mapaatras si Isabella sa pagbili ng lupa, ang sabi niya sa sarili. He'll gave her an offer, hindi na bale na maglabas siya ng malaking pera para lang sa CEO position. He has a plan, and that's to woo Isabella Dueñas, ang sabi niya sa sarili na may ngiti sa kanyang mga labi.



Dahil sa may mga commitment siya sa mga susunod na araw ay bumalik na rin si Isabella sa Cebu. Papunta na siya ngayon sa kanyang opisina para makipag meeting sa mga local investors sa kanyang kumpanya. She needed some leverage para sa expansion ng kanyang firm, kaya kakailanganin niya ng mga investors. Kahit pa ang target niya ay ang malaking foreign investors na kanyang nakausap nitong nakaraan na linggo. But for now, ito muna ang kakaharapin niya.
She already made a plan, pabalik pa lang siya rito sa Cebu ay may nabuo na siyang plano sa kanyang isipan. Iyun ay ang magpanggap na may fiance siya, at ang pumasok sa kanyang isipan ay si Kit. Kit wouldn't suspect anything, dahil sa una, inalok na siya nito ng kasal. Kakausapin niya si Kit, at sasabihin na narealised niya na gusto niya rin ito, tatanggapin ang alok na kasal, pero sasabihin niya na huwag muna silang magpakasal hangga't hindi natatapos ang project, then, bahala na kung anong mangyayari basta ang importante makuha niya ang Chez Corazon.
Ang problema na lang niya ay ang malaking pader na humaharang sa kanya, at iyun ay si Lyndon Bridge. Alam niya na well established na ang firm nito at malaki at marami itong resources. At alam din niya, na gagawin rin nito ang lahat makuha lang ang isla. Kaya kailangan niyang maunahan si Lyndon. Kaya nga bukas din ay pupunta siya ng Manila para hanapin at puntahan si Kit, na ayon nga sa mga kaibigan at kamag-anak nito ay nasa Manila na ngayon at doon na nagtatrabaho.
Malakas ang kumpiyansa niya na mapapapayag niya si Kit na balikan siya, wala namang masama kung magpanggap siya na mahal niya ito, ang sabi niya sa sarili.
Ito ang sabi niya, pero, batid niya na mahihirapan siyang gawin iyun. Dahil simula nang maghiwalay sila nang gabing iyun, ay mas lalong naging mailap si Isabella sa mga manliligaw na lalaki at hindi na niya maisip pa na may ibang lalaki na makakasama niya sa gabi. Kaya para sa kanyang pangarap, para sa kanyang ambition ay isang sakripisyo ang gagawin niya.
Mabilis siyang sumakay sa elevator patungo sa third floor ng maliit na building na kanyang naipatayo. Maliit man, she was so proud of her achievements, sinong mag-aakala na ang isang katulad niya ay maabot ang pinapangarap niya.
Naalala niya ang kwento ni tatay Rene, na muntik ng magpaluha sa kanya. Para ba kasing bumalik din siya, noong panahon na siya ay nakatikim din ng masasakit at mapanglait na mga salita.
But now? She's only a few steps away sa pangarap niya, ang sabi niya sa sarili.
Lumabas siya ng elevator at iba sa karaniwan ang bumati sa kanya. Oo, at iwas ang iba na tumingin sa kanya, ang iba naman ay babatiin man siya ay matipid lamang.
Pero ngayon, dama niya ang mga mata nito na sinusundan siya ng tingin. Ano bang meron? May, dumi pa siya sa mukha? Ang takang tanong niya sa sarili.
Maya-maya pa ay nakita niya ang humahangos niyang secretary at nakita niya ang worry at excitement sa mukha nito, at saka niya napansin ang maraming bouquet ng bulaklak na nakalagay sa labas ng kanyang office door.
Biglang nag-init ang mga pisngi niya, sino ang lapastangan na nakaisip ng ganitong biro? Ang galit na sabi ni Isabella sa sarili.
"Ma'am" ang nininerbiyos na bati sa kanya ng kanyang secretary.
"Sinong may gawa nito" ang galit na tanong niya sa kanyang secretary na hindi bumuka ang kanyang bibig.
"Ma'am nasa conference room po siya, kausap po ng mga investors na kameeting ninyo" ang kinakabahan na sagot nito sa kanya.
Lalong nagpantig ang tenga ni Isabella, nang malaman na pumasok pa ito at nagawa pang kausapin ang mga investor na pupulungin niya.
Piste! Ang lakas ng loob! Matitikman ng pisteng iyun ang galit niya, ang galit na sabi niya sa sarili.
Galit siya na naglakad patungo sa conference room habang humahabol sa kanya ang secretary niya, hindi na niya hinintay pa na pagbuksan siya ng pinto ng secretary niya, agad niyang pinihit ang knob ng pinto at galit na itinulak ang pinto at ang sasabihin niya ay naudlot at parang na stock sa kanyang lalamunan.
Naglingunan sa kanya ang apat na mukha, isa roon ang nakangiting mukha ni Lyndon Bridge.
"Hi!" ang masayang bati nito sa kanya na may mapalapad na ngiti sa mga labi nito.


Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon