“Chez Corazon?” ang tanong niya kay Lyndon, “pero, hindi ba ang sabi mo next week pa tayo aalis?”
“Oo, pero, hindi ba mas maganda kung, mas maaga tayong makapunta roon? Parang vacation na rin for a while, and besides, kailangan natin na kumbinsihin si tatay Rene na, we’re really in a relationship, kaya we should be there and spend a week or two, para makita talaga niya at mapaniwala natin siya na engaged na talaga tayo” ang pangungumbinsi ni Lyndon.
“Hindi ba na plano naman talaga nating magpunta roon? So bakit pa natin patatagalin?, I’ve booked our flight pa Bicol already, we’ll be living, first thing in the morning” ang giit ni Lyndon.
“O-OK” ang tanging naisagot niya kay Lyndon.
Umakyat na sila sa taas pagkatapos maghapunan at makapagligpit sa kusina. Si Lyndon ay dumiretso na sa kwarto nito habang siya naman ay sa kabilang kwarto, dahil sa naroon ang mga damit niya, matamlay niyang inilalagay ang kakaunting damit na mayron siya, naisipan pa naman niya na mamili ng extrang damit, sa pag-aakala niya na magtatagal pa siya rito, pero… napabuntong-hininga na lang siya.
Nakaramdam siya ng panlulumo ng mga sandaling iyun. Reality hits her that moment, they were doing this, dahil sa isla. Ang Chez Corazon na pareho nilang gustong makuha. But, this pretending made her forget, it made her believe that everything is real. Na ang ipinapakita ni Lyndon sa kanya ay tunay at hindi arte lang. But, it felt so real, he made it felt so real, that he made her forget about everything, about her goal and dream. Lyndon made her that young Isabella again, na ang tanging pangarap lang ay ang maikasal sa lalaking pinakamamahal at magkaroon ng pamilya. Well, he gave her a family, pero ang una? Mukhang hindi nito maibibigay sa kanya.
Talaga bang nagmamadali na si Lyndon na makuha ang Chez Corazon? Gusto na siguro nito na matapos na ang lahat, at bumalik na sa normal ang buhay nito, ang mawala na siya sa litrato ng buhay nito, ang malungkot na sabi ni Isabella sa sarili.
Nakaramdam tuloy siya ng lungkot ng mga sandaling iyun, pero hindi niya iyun ipinakita kay Lyndon. She was a strong woman, before, pero bakit parang nagiging emosyonal siya nitong mga nakaraan na araw, dahil ba sa buntis siya? O sadyang nasasaktan lang siya sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Lyndon.
Hindi naman kasi dapat siya umasa hindi ba? Ito naman kasi talaga ang usapan nila noong una pa lang. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam ng magmahal na muli kaya, nakalimutan niya na, hindi pala totoo ang sa kanila ni Lyndon.
Hinawakan ni Isabella ang kanyang puson at di niya napigilan ang ngumiti.
“Hayaan nyo mga babies ko, kapit lang kayo, mahal na mahal naman kayo ni mommy, at mahal ko rin ang daddy ninyo” ang mahinang sabi niya sa mga ito habang hinihimas ang puson niya.
She was getting tired, nagiging antukin at laging pagod ang pakiramdam niya. She zipped her bag close at tumayo muna siya para himasin ang nananakit niyang balakang. Nahiga lamang siya sandali sa kama, hanggang sa dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata at siya ay nakatulog.
This is the only way, ang paulit-ulit na sabi ni Lyndon sa sarili, kinukumbinsi niya ang sarili na tama lang ang desisyun niya. Kaduwagan man na maitatawag ay wala na siyang pakialam, basta mailayo niya muna si Isabella. Katulad ng kay tatay Rene, inilayo niya si Corazon, at itinago sa isla. Ganun ang gagawin niya, ang sabi niya sa sarili.
Kahit kailan ay hindi siya umaatras sa laban, hindi siya natatakot na harapin ang problema, but this time? Kailangan niyang umiwas.
Isa itong laban na wala siyang kasiguraduhan na mananalo siya, at sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot.
Ilalayo niya muna si Isabella kay Ylmas, kahit ilang araw lang, sa tingin niya ay makatutulong ito. Ang pagpunta nila sa Chez Corazon ay maglalayo may Isabella kay Ylmas, physically, mentally, and emotionally. At, gagawin niya ang lahat para magkalapit sila ng husto ni Isabella. Para… para… sana… ay maging totoo na ang lahat, sa kanila ni Isabella.
He put his last shirt sa loob ng kanyang bag, he zipped it close. Tiningnan niya ang oras, kanina pa si Isabella sa kabilang kwarto.
Hmm, hindi pa kaya ito tapos mag-impake? Ang tanong niya, he stood up from his bed at naglakad siya papalabas ng kwarto para silipin si Bella.
Pinihit niya ang knob ng pinto at itinulak iyun, saka siya sumilip. Isang matipid na ngiti ang rumehistro sa kanyang mukha at napailing siya, nang makita niya si Bella na nakahiga sa kama, she’s in a slanting position, her head was on the corner of the headboard while her feet was on the the opposite corner, sa paanan ng kama.
Napakalikot talagang matulog nito, ang sabi niya sa sarili. Pumasok siya at humakbang papalapit sa kama, saka siya naupo sa gilid nito. Inabot niya ang ulo ni Isabella, sinalo niya ang kanyang kamay sa ilalim ng ulo nito, at ang isang kamay naman niya ay nasa likod nito, saka niya marahan na hinila si Isabella papalapit sa kanya sa gitna ng kama.
“Ughh” ang mahinang ungol ni Isabella na parang nagalit sa pagkakaistorbo ng pagtulog nito.
Mahina siyang natawa, itinukod niya ang kanyang kanang siko sa unan habang nakatagilid na nakalatag ang kanyang katawan sa kutson ng kama, saka niya pinagmasdan ang natutulog na si Bella.
Kumunot ang kanyang noo, there’s something about her, ang sabi niya sa sarili. She looks the same yes, maybe she looks prettier, but, meron iba kay Isabella na hindi niya mawari, hindi niya mapangalanan.
Bumaba ang kanyang mga asul na mata sa dibdib nito. She’s not wearing bra anymore, at dahil sa nakahiga na ito ay nahikit na ang suot nitong t-shirt, and he can see her nipples. He remembered those large nipples of hers, it was of pink color.
His body started to react, he could feel the heat starting to flow in his body and in his loins. Pero, parang may iba sa dibdib ni Bella, ang sabi niya, parang lumaki pa ito? He could remember her pert breasts, but now, it’s not sogging, but they were obviously bigger than before.
“Shit” ang bulong niya sa sarili, iniiwas na lang niya ang kanyang mga mata at hinalikan niya si Isabella sa noo, bago siya nahiga at niyakap si Isabella, saka niya ipinikit ang kanyang mga mata.
Isabella caught her breath, the moment her eyes saw the raw beauty of the island. Sakay sila ng bangka ni Lyndon at mula sa kalayuan ay namataan na nila ang maliit na isla ng Chez Corazon. Mula sa tubig sa laot na kulay na asul na asul, ay unti-unti nagbabago ito, habang papalapit na sila sa isla. Mas nagiging parang crsytal blue ang tubig at sobrang linaw nito kaya kita na ang mga bato at buhangin sa ilalim ng tubig.
Kakaiba talaga ang pakiramdam na naidudulot ng isla sa iyong kalooban. At para bang napakalaki ng koneksyon ng isla sa kanya. Tila ba parte siya nito, kaya naman pala, minahal ito ng husto ni tatay Rene at Corazon.
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga pisngi ni Isabella nang mamataan na niya si tatay Rene, na nasa dalampasigan. She could envision him, smiling widely, dahil sa pagiging likas na magiliw nito at dahil na rin sa pananabik nito na magkaroon ng bisita sa isla.
Habang papalapit ang bangka ay pinatay na ang makina nito, para hindi sumadsad ng tuluyan sa buhanginan. Naunang bumaba si Lyndon, para alalayan niya si Isabella.
“Wait hon” ang sabi ni Lyndon at niyakap niya ang kanyang mga braso sa hita ni Isabella at binuhat niya ito pababa ng bangka at binitbit hanggang sa tuyong bahagi ng dalampasigan.
“Tatay Rene!” ang masayang bati ni Isabella sa matandang lalaki na kitang-kita ang pananabik at tuwa ng makita silang dalawa. Pasimple rin siyang kinindatan nito, nang makita siyang binuhat ni Lyndon pababa ng bangka hanggang sa dalamsigan.
Namula naman ang pisngi ni Isabella at isang matipid na ngiti ang isinagot niya rito. Pero, biglang kumunot ang kanyang noo, may kakaiba kasi kay tatay Rene, medyo namayat na ito. Dala, siguro ng kalungkutan dahil sa nag-iisa na lang ito sa isla.
“It’s good to see you Bella!” ang masayang bati ni tatay Rene sa kaniya, humakbang ito papalapit at niyakap siya nito ng mahigpit.
“Kayo rin po tatay Rene” ang sagot niya habang yakap siya nito. Marahan siyang itinulak nito papalayo para tingnan siyang mabuti, sabay lipat ng mga mata nito kay Lyndon.
“Lyndon” ang matipid ngunit masaya na bati ng matanda sabay abot ng kamay nito.
“Tatay, kamusta kayo?” ang masayang bati ni Lyndon habang nakikipagakamay rito.
“Mabuti, mabuti, mas lalo na ngayon at nandito na kayo” ang masayang sagot nito, “o nasaan ang nga gamit ninyo? Nakuha na bang lahat ni Tino?”
“Opo, ipinasok na po ni kuya sa loob, ihahatid na lang daw po niya sa kwarto” ang sagot ni Lyndon.
“Halika, doon tayo sa may harap ng pool maupo, mag papalabas ako ng meryenda” ang masayang sabi nito at naglakad sila patungo sa may poolside habang nakasunod sila rito.
Hinawakan ni Lyndon ang kanyang mga kamay, at nagdaop ang kanilang mga palad. Oo nga pala, umpisa na ng pagpapanggap nila, ang malungkot na sabi ni Isabella sa sarili.
Tinulungan siya ni Lyndon na maupo, habang sinabihan naman ni tatay Rene ang asawa ni kuya Tino na maglabas ng meryenda.
“Feeling comfortable?” ang malambing na tanong ni Lyndon sa kanya.
“Ah, oo” ang mahinang sagot niya, at pinagmasdan niya si Lyndon habang naupo naman ito sa kanyang tabi at ang mga kamay nila ay magkahawak pa rin.
Naupo na rin si tatay Rene sa isang upuan na nakaharap sa kanila, isang lamesa ang nakapagitan sa kanila. At doon ay abala naman sa paglagay ang asawa ni kuya Tino, ng mga baso at pitsel na may malamig na iced tea at sandwiches.
“Talagang ginulat ninyo akong dalawa ha!” ang masaya at natatawang sabi ni tatay Rene, habang nagsasalin ng iced tea sa mga baso, “hindi nga ako halos nakatulog kagabi sa excitement, nang malaman ko kay Lyndon na papunta kayong dalawa at fiancée ka na nito”
“Sabagay, alam ko naman na sa umpisa pa lang, nang makita ko kayong dalawa, alam ko na, sa madaling panahon at magkakagustuhan kayong dalawa, hindi ko lang talaga inaasahan na, napakadali na panahon ito” ang natatawang sabi ni tatay Rene.
“Hindi ko na po, pinatagal tatay, kaya nagpropose ako agad, mahirap na baka masilat pa, kaya, itinago.. I mean, nagbakasyon lang muna kami rito, dahil sa espesyal ang lugar na ito dahil, dito kami nagkakilala” ang paliwanag ni Lyndon.
“Ang isla talaga na ito at para sa mga nagmamahalan” ang mariin na sagot ni tatay Rene.
“Inireserba ko ang dating kwarto na tinuluyan ni Bella, maganda roon at malaki – laki ang kama” ang pabirong sabi ni tatay Rene at kinindatan nito si Lyndon, na nagtaas ng dalawang kilay nito.
“May, mga guest po ba kayo?” ang tanong ni Isabella habang umiinom ng malamig na tsaa.
“Mayron, tatlo sila, yung dalawa, mag-asawa, tatlong araw na rito, at paalis na rin sa susunod na araw, yung isa naman ay parating pa lang bukas” ang sagot ni tatay Rene, “kaya, may iba akong kausap nitong mga nakaraan na araw maliban kay Tino, mabuti naman at baka magka palitan na kami ng pagmumukha aba, ay, lugi ako” ang pabirong sabi ni tatay Rene na nagpatawa sa kanila.
“Siyanga pala, nasa Cebu ako noong nakaraan na araw, sayang at hindi kita nadalaw roon” ang sabi ni tatay Rene kay Isabella.
“Talaga po? Kaya lang nasa Maynila na po ako at magkasama na kami sa bahay ni Lyndon” ang sagot ni Isabella.
“Ganun ba? Talaga ngang, pinaspasan mo ano? Lyndon?” ang natatawang tanong ni tatay Rene.
“Ginaya ko po kayo” ang pabirong sagot din ni Lyndon.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni tatay Rene, at napahawak ito sa kanyang dibdib.
“Ano pong ginawa ninyo sa Cebu?” ang interisado na tanong ni Isabella.
“May dinalaw ako, sa totoo lang, may6, kamag-anak ang mahal kong si Corazon na, kumontak sa akin, hindi ko nga inakala na may kamag-anak ang asawa ko na magsasayang ng panahon na alamin kung anong nangyari kay Corazon, pero, dahil sa maganda naman ang approach nito ay, nakipag kita ako rito” ang sagot ni tatay Rene.
Biglang kinabahan si Lyndon, mukhang mapupurnada pa yata ang pagbili nila ng lupa, kapag nagkaroon ng pwedeng tagapag-mana si tatay Rene, ang sabi ni Lyndon sa sarili. Gusto niya sanang makuha ang isla hindi lang para sa kanya, kundi para na rin kay Isabella.
“At saka, nagawi rin ako sa Maynila noong nakaraan pa na linggo kaya lang sandali lang ako, may… pinuntahan lang ako na importante kaya, hindi ko na nakontak si Lyndon, para sana makipag kape at makipag kamustahan”ang sabi ni tatay Rene, ngunit napansin ni Isabella na medyo nag-alangan itong sabihin ang dahilan ng pagpunta nito sa Maynila.
“Hindi na po bale tatay nandito naman na kami, at ilang araw din kami rito kaya6 pwede na tayong magkwentuhan hanggang sa magsawa kayo sa amin” ang sagot ni Isabella at nakita niya ang malungkot na ngiti sa mga labi ng matanda.
“That doesn’t sound good Bella” ang sabi ni Lyndon kay Isabella, habang nakahiga na sila sa kama. Pagkatapos na mag dinner at mag kape at ng isang mahabang kwentuhan kasama ang mag-asawa na guest ng villa ay nagpaalam na si tatay Rene, na babalik na ito sa kwarto para matulog.
At dahil sa pagod ay nagpaalam na rin sila sa mag-asawa na mauuna na rin silang umakyat para makapagpahinga. Naiwan naman ang mag-asawa at magna night swimming pa raw ang dalawa, kaya magiliw silang nagpaalam at umakyat na sa kanilang kwarto.
“Anong sinasabi mo?” ang tanong ni Isabella, habang nakahiga sa kama at nakatingin kay Lyndon.
“Kapag may heir si tatay Rene, baka hindi na nito ibenta ang isla sa atin” ang sagot ni Lyndon.
Napabuntong-hininga si Isabella, gusto sana muna niyang namnamin ang bakasyon nila ni Lyndon, ang mga sandaling magkasama sila, na pwedeng ito na rin ang mga huling sandali nila sa isla. But ang reyalidad ay ipinamumukha lagi ni Lyndon sa kanya.
“Hindi naman siguro, hintayin na lang muna natin Lyndon, nagsisimula pa lang naman tayo” ang inis na sagot niya.
Napansin ni Lyndon ang inis sa boses ni Isabella, alam niya na he sounds paranoid, dahil sa Ylmas na iyun parang ang lahat na lang ng bagay sa kanya ay mayron siyang karibal. At saka, hindi lang para sa kanya ang iniisip niya kundi ang para na rin may Isabella, dahil sa gusto niyang makuha rin ni Isabella ang pinapangarap nito para sa career niya.
At least, nagtagumpay siya sa isang misyon niya, ang sabi ni Lyndon sa sarili, at iyun ay ang mailayo niya kahit sandali si Isabella kay Ylmas.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...