Chapter 32

2.7K 142 24
                                    

“Sir?” ang tanong ng secretary ni Lyndon nang pumasok ito sa loob ng kanyang opisina. He was reading some papers na kailangan niyang ireview.
     “Yes?” ang sagot niya without looking up to her.
     “I cancelled all your appointments for today sir, tulad po ng utos ninyo”
     “Good, thank you” ang sagot niya, without glancing.
     “And sir?” ang sabi nito na medyo nag-aalangan dahil sa alam nito na ayaw niya ng mga biglaan na bisita, pwera na lang kung family niya ang mga ito. But kapag ibang tao, kahit pa, client or busy partner, gusto niya ay may abiso muna bago ito pumunta sa kanyang opisina.
      He’s really not in the mood for suspense right now, hindi na nga maganda ang atmosphere kanina sa bahay, nang lisanin niya ito, kaya, maikli ang pasensiya niya ngayong araw na iyun.
     He sighed loudly, he sounded exasperated, “what?” ang sagot niya na hindi man lang niya ibinuka ang kanyang bibig. And this time, he stopped reading and looked at her, his face was scowling.
    “Sir, nandiyan po sa labas si Mr. Ylmas Garcia, wala po siyang appointment sir, but he insisted on seeing you” ang sabi ng secretary niya, “he even told me, that he is willing to wait, hanggang sa matapos na po ang office hours at maging free kayo” ang dugtong na paliwanag ng secretary niya.
    His jaw twitched, nang marinig niya ang pangalan ng lalaking naging malaking parte ng buhay ni Isabella. Ang lalaking minahal nito. Bakit ba kasi bigla na naman itong sumulpot sa buhay ni Bella at guguluhin na naman nito si Bella, na unti-unti na nga niyang natutulungan ito na makalimutan ang sakit ng nakaraan nito, bigla na naman itong lilitaw para guluhin sila.
    Oo SILA, dahil guguluhin nito ang pagsasama nila ni Bella kahit pa kunwari lang ito. Kahit pa gusto niyang maging parte si Isabella ng kanyang pamilya, kahit pa panandalian lang ang kunwaring relasyon nila. Ipadarama niya kay Isabella kung gaano niya ito kamahal.
   Oo, mahal na niya si Isabella, hindi na niya iyun, itatanggi pa. Kaya kahit panandalian lang, kahit walang kasiguraduhan kung susuklian ni Isabella ang pagmamahal niya, ay mamahalin niya si Isabella.
    “Let him in” ang sagot ni Lyndon at ibinalik niya ang papel na kanyang binabasa sa loob ng folder at maayos niya itong itinabi.
    Tahimik na lumabas ang secretary niya at kasunod naman nito ang pagpasok sa loob ni Ylmas, at nakaramdam na naman siya ng matinding selos, sa lalaking, unang minahal ni Isabella.
    “Bridge” ang matipid na bati nito sa kanya, at nanatili itong nakatayo sa may pintuan. He tried to look stern but he was not intimidated. He was never intimidated.
     “Garcia, have seat” ang alok niya rito at itinuro niya ang upuan sa tabi ng kanyang lamesa.
     “I’d rather stand” ang sagot nito sa kanya, at nanatili itong nakatayo at isinuksok nito ang dalawang kamay nito sa loob ng harapan na bulsa ng suot nitong slacks.
     “Suit yourself” ang sagot niya, tumayo rin siya, and he looked squarely at the man in front of him
    “If you came here to ask me for an apology, you’re not getting anything from me” ang mariin niyang sabi.
     “NO, I’m not going to ask an apology from you, alam ko naman na suntok sa buwan na hihingi ka ng apology sa akin” ang matigas na pagkakasabi nito.
     “You’re damn right I am, so, kung wala ka ng kailangan, pwede ka ng umalis”-
     “I want to talk to Bella” ang putol nito sa kanya.
     Parang nagpantig ang mga tenga niya ng marinig niya ang pangalan na Bella sa bibig ni Ylmas, para kasing personal na masyado ito.
     Umiling siya at ngumisi kay Ylmas, “kung sa tingin mo na suntok sa buwan ang paghingi ko ng apology sa iyo, isang himala naman, kung papayagan ko na makipag-usap sa iyo si Bella” ang seryosong sagot ni Lyndon.
     No, hindi siya papayag na makapag-usap pa ang dalawa, ang sabi niya sa sarili.
    “Gusto ko lang siya na makausap Bridge, wala naman sigurong masama doon?” ang giit nito sa kanya at nagtaas pa ito ng balikat.
    “Wala naman na kayo na dapat pag-usapan Garcia” ang sagot niya.
     “Marami kaming dapat na pag-usapan Bridge, maraming nangyari sa nakaraan na dapat naming linawin” ang giit ni Ylmas sa kanya.
     “Ang alin? Ang lame excuse mo kung bakit ka nagpakasal sa ibang babae habang si Bella na pinangakuan mo ng kasal ay naghihintay sa bukid, sa pagbabalik mo sa kanya?” ang galit na sabi ni Lyndon kay Ylmas.
     “Oo nagkamali rin ako, dahil sa hindi ko nilinaw ang lahat kay Bella at napaikot ako ng aking mama” ang sagot ni Ylmas.
     “Don’t call her Bella, hindi na kayo malapit sa isa’t isa” ang paalala ni Lyndon.
     “We will, kung makakausap ko siyang muli” ang giit ni Ylmas.
     “I won’t allow it” ang matigas na sagot ni Lyndon, “bakit ba nanggugulo ka pa? Nakaraan ka na Ylmas, you’re an EX, huwag mo ng ipagpilitan ang sarili mo na kausapin pa si Bella, wala ka bang respeto sa asawa mo?” ang sarkastikong tanong niya.
    “Wala na akong asawa, hiwalay na kami, my marriage was annulled a long time ago” ang sagot ni Ylmas na nagpakaba kay Lyndon.
    Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kaba, pero hindi niya iyun ipinahalata kay Ylmas.
    “But Bella is already engaged” ang mariin na sagot ni Lyndon.
     “So? Anong ikinatatakot mo? Bakit ayaw mo na makausap ko si Bella?” ang hamon ni Ylmas sa kanya at naghalukipkip pa ito ng mga braso.
     Lyndon snorted, “Oh please, don’t over estimate yourself, I’m NOT scared of YOU” ang mariin niyang sagot dito, pero nagsimula ng kumabog ang puso niya sa kanyang dibdib.
    “Yun naman pala eh, if you’re not threatened by me, papayagan mo kaming makapag-usap ni Bella”
     “Isabella to you” ang giit ni Lyndon, at nagpipigil na siya ng galit dahil malapit na naman siyang mapikon sa lalaking kaharap.
    “Isabella” ang sagot nito, “kung hindi ka takot hahayaan mo kaming makapag-usap ni Isabella” ang pag-ulit na sinabi nito.
    “Ayoko lang na guluhin mo pa siya, hindi mo alam ang trauma na pinagdaanan niya, at ngayon ay unti-unti na siyang nakababangon at nakalilimot sa nakaraan, guguluhin mo na naman siya?!” ang galit na tugon ni Lyndon.
     “Hindi ko siya guguluhin Lyndon, itatama ko ang lahat ng mga mali sa nakaraan!” ang matigas na sagot din ni Ylmas sa kanya.
    “Wala ka ng itatama Ylmas, naitama ko na ang lahat ng maling ginawa at dinanas niya sa iyo” ang giit ni Lyndon.
    Ylmas snorted, “then hayaan mong makahingi ako ng tawad sa kanya, hayaan mo kaming mag-usap” ang pagpupumilit nito.
    “Hindi”
    “Hindi ka ba sigurado Lyndon? Takot ka ba na kapag nagkalinawan kami ni Isabella ay iiwan ka niya? Sa tingin mo ba ay may pagmamahal pa rin siya sa akin, kaya ayaw mo na makapag-usap kami?” ang hamon ni Ylmas.
     Hindi niya iyun sinagot, hindi niya sinagot ang hamon nito sa kanya.
    “Tantanan mo na si Bella, don’t you ever get in touch with her” ang banta ni Lyndon.
    “Hindi mo ako pwedeng pagbawalan Lyndon, kung ayaw akong kausapin ni Bella, si Bella mismo ang magsasabi sa akin” ang giit ni Ylmas.
    “I’m not doing business with you anymore, ibabalik namin ang lahat ng pera na naibayad mo na sa kumpanya” ang sagot ni Lyndon.
    Tumangu-tango si Ylmas, pero hindi ito nakitaan na naapektuhan ito sa ginawa niya.
    “You can do that if you want, but it won’t stop me to pursue her again Bridge, hindi ngayon na muli kaming nagkatagpo” ang huling sinabi ni Ylmas sa kanya bago ito lumabas ng kanyang opisina.
     Sinuntok ni Lyndon ang ibabaw ng kanyang lamesa. He was so angry and frustrated, and SCARED. Tama si Ylmas, takot siya, takot siya na baka kapag nagkausap ang dalawa ay bumalik si Isabella kay Ylmas dahil sa mahal pa rin ito ni Bella.
    At ang isa pang ikinatatakot niya, ay ang katotohanan na wala siyang karapatan na kontrolin ang mga galaw ni Bella, dahil sa, simula pa lamang ay hindi naman talaga totoo ang lahat sa kanilang dalawa.
  

     Gumising si Isabella nang umaga na iyun na wala na sa kanyang tabi si Lyndon. Nakaramdam ng lungkot si Bella, dahil sa dati ay, nilalambing pa siya nito bago ito umalis. Kahit ang mga pilyong biro nito sa kanya ay na miss niya.
    Bakit ba nagalit ito sa kanya? Dahil ba kay Ylmas? Pero bakit? Ang tanong niya sa sarili.
     Napabuntong-hininga siya, habang nagluluto siya ng kanilang hapunan ni Lyndon.
    Pero, aaminin niya na, nagulo ng husto ni Ylmas ang isipan niya. Lalo na ng sabihin nito kagabi na napilitan din lang ito na magpakasal sa asawa nito dahil sa inakala nito na tinanggap niya ang pera na alok ng mama nito, ibig sabihin ay hindi siya nito pinagtaksilan at ang masalimuot nilang nakaraan ay dahil sa pinaikot sila ng mama nito.
     Pero, huli na ang lahat para sa kanila ni Ylmas, oo nga at nalinawan ang lahat sa kanila, pero, hindi na pupwede, kahit pa may nararamdaman pa sila sa isa’t isa, dahil sa una, may asawa na ito, pangalawa, buntis na siya, at pangatlo, mahal na niya ang ama ng mga anak niya.
    Isang malalim na hininga na naman ang pinakawalan niya. Oo, mahal niya si Lyndon, pero, ito ba? Mahal ba siya nito? Ang tanong niya sa sarili na may pagdududa. Alam naman niya, na, inalok siya nito ng isang pekeng relasyon, para lang sa isla. At iyun lang iyun.
     Naputol ang pag-iisip niya ng marinig niya ang tunog ng pagbukas ng automatic gate.
    Iniwan niyang sandali ang kanyang niluluto para maglakad papuntang salas at para silipin sa bintana si Lyndon.
    Ano kayang pakiramdam kung, malaki na ang tiyan niya, at excited na sasalubong siya kay Lyndon? Maisip pa lang niya ang ganun na eksena ay parang langit na, ang sabi niya sa sarili.
   Sinilip niya sa bintana si Lyndon, at nakita niyang ipinasok na nito ang sasakyan at ipinarada kasama ang ng iba pa niyang mga kotse.
    Binuksan na ni Isabella ang pinto naabutan niya itong nasa labas na ng sasakyan nito at may dalang bungkos ng mga pulang rosas.
    May basket din na bitbit ito sa kabila nitong kamay. At kung kagabi ay hindi man lang siya nito kibuin, nung mga sandaling iyun, ay malapad ang ngiti na isinalubong nito sa kanya.
    “Hi” ang nakangiting bati nito at ang mababang baritono ng boses nito at parang kuryente a dumaloy sa buo niyang katawan at nagpakilig sa kanya.
   “Hi, kamusta ang araw mo?” ang patanong na bati niya rito.
   “Tiring, but, nakita na kita kaya, okey na ako” ang nakangiting sagot nito sa kanya.
    “Hmph, nambola pa” ang natatawang sagot ni Isabella.
    “Oh, here” ang sabi ni Lyndon sabay abot sa kanya ng mga rosas.
    Kinuha naman iyun ni Isabella sa mga kamay ni Lyndon.
   “Anong okasyon?” ang tanong niya.
   “Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko, kagabi, kung nagalit ako?” ang paliwanag ni Lyndon sa kanya.
    “Kalimutan na natin iyun Lyndon” ang sagot niya.
    Umiling si Lyndon, “hindi ko dapat pinanghimasukan ang pribadong buhay mo”
    Umiling siya, “I know you’re only protecting me” ang sagot niya.
    “Am I forgiven?” ang tanong ni Lyndon na kagat-labi pa ito.
    “Hmm, ano muna iyang nasa isang kamay mo?” ang tanong niya at sinilip ang basket na hawak nito sa kabilang kamay.
    Itinaas ni Lyndon ang basket at nakita ni Isabella ang mga kulay green na mangga na may kasamang isang bote ng bagoong.
   Nanlaki ang mga mata ni Isabella at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa pisngi niya.
    “You’re forgiven” ang masaya niyang sabi rito.

    Habang naghahain ng kanilang hapunan ay ipinagbalat naman siya ni Lyndon ng mangga. Kaya habang kumakain ng buttered shrimp si Lyndon, siya naman ay mangga at bagoong ang ginawang ulam niya sa kanin, at kahit pa alam niya na ayaw nito ng amoy ng bagoong ay hinayaan pa rin siya nitong kumain kahit pa na katabi lang rito ang bote ng bagoong.
    “Masarap ba?” ang nakangiting tanong sa kanya ni Lyndon habang pinagmamasdan siya nito na kumakain.
    “Uh-hm” ang matipid na sagot niya bago muling isinubo ang isang slice ng mangga.
     “Oo nga pala, aalis tayo bukas, kaya mag impake ka na” ang sabi ni Lyndon sa kanya.
     “Saan tayo pupunta?” ang interisadong tanong niya.
    “Chez Corazon”
   
   

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon