Pinakiramdaman ni Isabella si Lyndon na nakahiga sa kanyang tabi at nakayakap sa kanya. She looked at him and studied the steady movement of his chest. Tulog na tulog na ito, pinagmasdan niya ang mukha nito.
Gustong – gusto niyang tingnan ang mukha nito. Naramdaman niya na pumitik ang kanyang puson, at napahawak siya sa kanyang puson. Kung nitong mga nakaraan na araw ay antukin siya ngayon naman ay hindi siya agad makatulog. Hindi kaya dahil sa naging usapan nila ni Ylmas kanina?
Sa tingin niya ay oo, iyun nga ang gumugulo sa kanyang isipan. Muli niyang tiningnan si Lyndon, she bit her lower lip at dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Lyndon. Na nakayakap sa kanyang dibdib.
“Uhhh” ang angal nito at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kanya. He pulled her even closer and nuzzled her cheek, at kumuskos ang magaspang na panga nito sa kanyang pisngi.
Napabuntong-hininga siya, hinayaan na muna niya ito na muling makatulog. Maya-maya ay muli niyang dahan-dahan na inalis ang braso nito sa kanyang dibdib. At nang bahagya lang itong umangal ay tumigil siya sandali at nakiramdam. Ayaw niya na magising ito, gusto niyang mapag-isa na muna at makapag – isip. Dahan-dahan na siyang bumangon at kinuha ang kanyang t-shirt at underwear na nasa paanan ng kama.
Naka-paa siya na tumayo at naglakad papalapit sa may full sized windows ng kwarto. Hinawi niya ang kurtina na nakatabing roon at pinagmasdan niya ang tahimik na tanawin ng subdivision sa labas, may mangilan – ngilan na mga sasakyan na dumaraan, pero sa ganun na oras ay kakaunti na lamang ito.
Muling sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Ylmas, bakit kaya pinapatawag ito ni tatay Rene? Sasabihin na kaya nito ang tulad din ng sinabi nito sa kanya? Bigla siyang kinabahan. At, sumagi na naman ang mga sinabi ni Ylmas, na handa nitong bitiwan ang paghahabol sa isla, kapalit ng puso niya.
She knew that Lyndon’s strong determination to acquire the island, at gusto niyang maibigay kay Lyndon ang isla, pero, gusto rin niya na siya ang iprioritize ni Lyndon. Kung sabihin kaya niya kay Lyndon na magpakasal na sila, kahit hindi pa lumalabas ang desisyon tungkol sa Chez Corazon.
Kalabisan ba sa kanya ang humiling rito? Ang hilingin na magpakasal na sila? She has to try, she’s going to be the one to ask him na magpakasal na sila. Ang determinadong sabi ni Isabella sa sarili. Lyndon has to know, his priority.
Muling isinara ni Isabella ang kurtina, at humakbang na siya pabalik sa kama, ng makuha ng pansin niya ang isang blue print na nakapatong sa lamesa ni Lyndon na nagsisilbing office table niya sa kwarto.
Even if she didn’t want to snoop, she walked towards the table. Sinulyapan niya si Lyndon at tulog pa rin ito. Maingat niya na inilapat ang ang blueprint sa ibabaw ng lamesa.
Nakita niya na isang plano ito, a resort maybe, dahil may nakalagay na beachfront ito. Biglang kumunot ang noo niya, then she expelled her breath, she covered her mouth with one hand, when she realised kung anong plano iyun.
Iyun ang plano ni Lyndon para sa isla ng Chez Corazon. Tumikom ang kanyang mga labi at tiningnan niya ng maigi ang blueprint na nakalatag sa ibabaw ng lamesa.
Bakit gagawa si Lyndon ng plano ng Chez Corazon, na tila ba, inako o inangkin na nito ang buong isla, samantalang ang orihinal na napagkasunduan nila ay hahatiin nila ang isla sa patas na hatian. Kaya laking gulat niya ng makita niya ang plano na iyun.
Did he made a mistake? O sinadya niyang gumawa ng plano sa pangkalahatan na isla? Ang di makapaniwala na tanong niya sa sarili. She glanced at Lyndon, who’s lying on his stomach and is now deep in sleep.
She’s going to asked him tomorrow about this blueprint. Handa siyang pakinggan ang mga paliwanag nito kahit pa lubos siya na nasaktan. Dahil, kahit pa, ideny niya, lumalabas na niloko siya ni Lyndon. Ginamit lang ba talaga siya nito? Pinaniwala at pinasakay sa isang relasyon, pinaniwala rin ba siya na mahal siya nito? Ginamit ba siya nito ng husto, lalo pa at may matindi itong karibal sa isla? Kung totoo man ito ay labis siyang masasaktan.
Napalunok siya, kaya ba hindi siya mapakasalan nito agad? Kaya ba kailangan pa muna na, makuha ni Lyndon ang isla na Chez Corazon, bago siya pakasalan nito? Ang mga tanong na sunud-sunod na gumulo sa isipan niya.
Masakit, pero kung totoo man ang mga gumugulo sa isipan niya, lubos siyang masasaktan at hindi na niya kaya na pagkatiwalaan pa si Lyndon.
Ganoon na lang ba ang kasidhian ng pagkakagusto nito na makuha ang isla na gagawin nito ang lahat kahit pa lokohin siya nito?
Mahal na mahal niya si Lyndon, at alam niya na handa niyang gawin ang lahat para maibigay ang Chez Corazon dito, pero, tali ang mga kamay niya. Isang mahirap na desisyon ang kailangan na mangyari.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...