Napabalikwas si Lyndon ng marinig ang malalakas na katok sa labas ng kanyang pintuan. Hindi niya namalayan na ang simpleng paghiga niya kanina ay tuluyan na pala siyang nakatulog.
Muli niyang narinig ang malalakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto, kumunot ang kanyang noo.
“What the”- ang galit na sabi ni Lyndon, ganito ba manggising ang mga staff ng villa na ito? Inis siyang tumayo at nanggigigil siya ng hilahin niya ang pinto para buksan at bumungad sa kanya ang isang babae na nakadalawang hakbang na papalayo.
“What?!” ang galit na tanong ni Lyndon sa babae na biglang lumingon at naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito at biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
“Oh, I’m sorry, naistorbo ba kita?” ang nakangiting tanong nito sa kanya, pero mukhang sa ilong naman lumabas ang sinabi nito.
“Yes, you did, why?” ang inis na sagot ni Lyndon sa babae na hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi, sa kabila ng sinabi niya. Kung sa ibang babae niya sinabi iyun, siguradong masasaktan na ito at maglalakad palayo.
“Can we exchange rooms?” ang biglang sagot nito sa kanya. He was taken a back by what she said. Exchange rooms? What?
“What?” ang patanong na sagot niya and he realised he sound stupid, at first time na nangyari ito sa kanya, that he was taken off guard by a woman, who has a face of a doll. Was that the reason why, he was taken off guard? Her sweet innocent face?
“Exchange rooms, magpalit ng kwarto, I’m sorry, are you foreign? Pero naintindihan mo yung tanong ko kanina” ang takang sabi nito, “can you understand me?” ang tanong nito sa kanya.
“Filipino ako, at oo naintindihan kita” ang mariing sagot ni Lyndon, yes he looked foreign dahil sa blue eyes at brown hair niya na nakuha niya sa kanyang ama.
“Oh, mabuti naman, so again, pwede ba tayong”-
“Oo naintindihan ko, hindi mo kailangan na ulit-ulitin” ang gigil na sagot ni Lyndon, he’s not liking her, at all. Pero bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya kanina ng masilayan niya ito? Kabaligtaran ba ito? Was she a a bad omen?
“Good, so?” ang sagot nito na sa tono ng pananalita nito ay nakukuha nito ang gusto.
Naalala niya kung paano nito malakas na kinatok ang pinto ng kanyang kwarto, and that made furious. Ang lakas ng loob ng babae na ito na istorbohin siya, and for what? Dahil lang sa gusto nitong makipagpalit ng kwarto? The nerve of this woman!
“No!” ang mariin niyang sagot at kitang-kita niya kung papaano nabura ang ngiti sa mga labi nito.
Isabella didn’t expect his answer, nawalang bigla ang ngiti sa mga labi niya at tiningnan niya ng diretso ang mga kulay asul nitong mata. Mata na kakulay ng tubig sa dagat na kapag tumalon ka ay maaari kang malunod. Ganun din ang mga mata nito, tila ba kay lalim at unti-unti ka nitong hihilahin pailalim. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“Why?” ang tanging naisagot niya, at sa tunog ng kanyang boses? Para siyang palaka na kumokak.
“At bakit ko naman gagawin iyun? Nauna na ako sa kwarto na ito, kung may problema ka sa kwarto mo, dun ka kay kuya Tino magreklamo” ang galit na sagot nito sa kanya sabay sara ng malakas ng pinto sa kanyang pagmumukha.
Nagitla si Isabella sa pagbalibag ng pinto sa kanyang mukha.
“Piste”, ang bulong nito sa sarili, at padabog na naglakad siya pabalik sa kanyang kwarto.
Lyndon slammed shut his door, the nerve of that woman! Ang lakas naman ng loob nito na katukin siya sa loob ng kwarto niya at walang pasintabi kung makakatok, akala mo wala ng bukas, dahil katapusan na ng mundo, yun pala, para lang sa kwarto!
“Annoying guest alert” ang bulong niya sa sarili, habang nakapamewang at nakatayo sa siya sa harapan ng bintana.
Napansin niya na papalubog na ang araw, alas sais nga pala ang sinabi ni kuya Tino na oras ng hapunan. He grimaced ng maalala ang sinabi ni kuya Tino na hapunan, kapag hindi niya kayang kainin, he would end up eating bread or crackers kung meron, or coffee na lang.
Muli na namang sumagi sa isipan niya ang mukha ng babaeng kumatok sa kanyang pintuan. Ang maamong mukha nito, ni hindi niya inakala ang ugali nito, he expected that she would meek down, every woman did, kapag nagpakita na siya ng temper. But her? At biglang bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso.
“Damn, I need a shower” ang bulong niya sa sarili, sabay pasok sa loob ng banyo.
For so many years hindi inakala ni Isabella na may lalaking makagagawa sa kanya ng ganun. She was fuming with anger. For years she practiced no! Trained herself into getting what she wanted.
Tumingin siya sa bintana, she’s a bitch, yeah, some might say, and maybe they were right. But, she learned a hard way in her past. She has to be a cold hearted bitch, para hindi ka masaktan sa huli.
Hindi na niya maalala kung kailan pa siya nagpakita ng tunay na pagkatao sa iba. Tila ba may isinuot siyang isang costume na naging parte na ng katauhan niya at hindi na niya nagawa pang hubarin.
“Piste! Bakla tingali (bakla siguro)”, ang sabi niya sa sarili habang nakahalukip-kip ang mga braso nito at nanulis ang kanyang nguso.
“Hmph, makababa na nga” ang inis na sabi niya sa sarili, at saka niya kinuha ang kanyang susi at mabilis siyang lumabas ng kwarto.
“Ako nga pala si Lea, this is my fiancé, Mico” ang pagpapakilala kay Isabella ng magkasintahan na guest rin ng villa. Kasalukuyan silang nakaupo na sa mahabang dining table at hinihintay nila na maluto ang mga ulam. Kasama nila sa lamesa ang isa pang backpacker na si Pia.
At dahil nga sa seven na ng gabi ay hindi pa rin naluto ang pagkain ay katakut-takot na paghingi ng paumanhin ang lumabas sa mga bibig ng mag-asawang kuya Tino at ate Nemy.
Kaya naman ipinagtimpla muna sila nito ng kape, habang nagkukuwentuhan sila sa harap ng lamesa.
“Taga saan ka Isabella?” ang tanong ni Pia na nagsosolo rin kagaya niya.
“Cebu, ikaw?” ang balik tanong niya bago niya hinigop ang nilagang kape.
“Davao” ang nakangiting sagot sa kanya nito.
Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan, na paminsan-minsan pa ay may kasamang malakas na tawanan, lalo na at bumabangka si kuya Tino sa pagkukwento.
Noon lang ulit naranasan ni Isabella ang makihalubilo sa ibang tao. Oo, sanay siya humarap sa ibang tao, pero, bihira siya makipag socialise. She always, guard herself. Ang nga sasabihin niya ay limitado lang kung anong itinanong sa kanya, and she only answers questions if necessary, but she never divulge anything personal about her. She neither laugh nor chat, with strangers most especially a group of strangers.
Kaya nga, parang nanibago siya ngayon sa kanyang sarili, nakikipagkwentuhan at nakikipagtawanan siya sa mga taong isang oras pa lang niya na nakakasama. And she made them realised na minsan, mas masarap pa yata kasama at kausap ang mga taong estranghero sa iyo.
Isang malakas na tawanan na naman ang namayani sa may dining area, dahil sa isang kwento ni kuya Tino, nang biglang pumasok ang lalaking suplado.
“Good evening” ang pormal na bati nito sa kanila, well, hindi niya alam kung kasama siya sa mga binati nito dahil, ni hindi man lang siya nito sinulyapan o tinapunan ng, ika nga ni Sharon “kahit konting pagtingin” ang sabi ni Isabella sa sarili.
Mukhang, galit na galit pa rin sa kanya ang, bayot na ito, ang sabi ni Isabella sa sarili. Huh, well, the feeling is definitely mutual!
May bakanteng silya pa sa kanyang tabi, pero mas pinili nito na maupo sa dulo sa kabilang side ng lamesa, huh mabuti naman at lumayo sa kanya ito, ang sabi niya sa sarili.
“Sir Lyndon, sakto po ang dating ninyo at luto na ang ulam, sandali lang po at maghahain na ako” ang magiliw na sabi ni Tino at nagmamadali ito na umalis ng dining area para magpunta sa kusina.
“Lyndon pala ang pangalan mo, I’m Pia, from Davao” ang pagpapakilala nito at mula sa kabilang side ng lamesa ay iniabot nito ang kamay sa lalaking nagngangalang Lyndon.
“Mico, fiance ko si Lea, from Dumaguete” ang pagpapakilala naman ng dalawang magkasintahan.
At doon na tumigil ang pagpapakilala, at ramdam ni Isabella ang tatlong pares ng mga mata ang nakatuon sa kanya. Tila ba hinihintay ng mga ito na magsalita siya para magpakilala sa lalaking nagngangalang Lyndon.
Pero sa halip na magsalita, ay dinampot ng kanyang kanang kamay ang mug ng kape at ininom niya iyun ng dahan-dahan.
Lyndon dreaded going downstairs sa dining area para kumain, pero hindi niya ginawa, ayaw naman niya na mabastos ang mga mababait na katiwala ng villa, at ayaw niya na malaman ng antipatikang babae na iyun na napektuhan siya nito.
Naapektuhan nga ba siya nito? In a bad way I guess, ang sabi niya sa sarili. Kahit pa kakaiba ang lagabog ng kanyang dibdib kanina, nang pagsarhan niya ito ng pinto, kahit pa habang nasa ilalim siya ng shower at malakas ang wisik ng tubig sa kanyang balat na parang tumutusok na sa kanyang balat, ay ang maamong mukha pa rin nito ang gumugulo sa kanyang isipan.
“Damn” ang bulong niya sa sarili, bago siya lumabas ng pinto ng kanyang kwarto, para magpunta na sa ibaba ng malaking bahay at kumain ng hapunan na hindi niya alam kung makakain ba niya. Dapat pala ay nagtungo na muna siya sa isang convenient store or tindahan, para nakabili siya ng stock niya na pagkain, just in case na hindi niya kinakain ang ihahanda sa kanilang dinner table.
Naglakad na siya patungo sa dining area at bigla siyang natigilan ng marinig ang malakas na tawanan, he suddenly felt awkward. Hindi pa niya naranasan na makihalubilo sa maliit na grupo ng mga estranghero. Sanay siya makipag socialise sa malalaking gatherings, social events kung saan mga prominente at kilalang tao ang mga bisita. A small group of friends yes, but not a small group of strangers.
Pero yun ba talaga ang problema? Ang tanong niya sa sarili? O ang problema niya ay ang makakaharap at makakasama na naman niya ang babaeng iyun? Ang sabi niya sa sarili. At kung bakit nagtayuan ang mga balahibo niya ng marinig ang boses nito at ang malakas na tawa. It was so hearty and genuine.
Lyndon sighed at humakbang na siya papasok sa loob ng dining area, his steps were heavy na tila ba kailangan pa niyang hilahin ang kanyang mga paa, sa bawat paghakbang niya.
Natigilan ang lahat ng pumasok siya, at panandalian na nagtama ang mga mata nila ng babae, na nakaupo sa may bukana ng dining table.
Agad niyang iniiwas ang mga asul na mata sa mga mapupungay na mga mata nito.
“Good evening” ang bati niya sa mga ito.
Magiliw naman siyang binati ni kuya Tino, at naupo na rin siya sa harapan ng dining table. Naupo siya sa pinakadulong bahagi ng lamesa, far away from the doll faced witch, ang sabi niya sa sarili.
Agad naman na nagpakilala sa kanila ang iba pang kasama niya sa lamesa na guest ng villa.
At nang ang babaeng, na ang dapat na magpapakilala ay nanatili lang itong tahimik. Lahat ng mga mata ng kasama nila sa lamesa ay nabaling lahat sa babae, at tila hinihintay ng mga ito na magsalita rin ito para magpakilala.
Pero, sa halip na magsalita ay dinampot nito ang mug na nasa lamesa at inilapit ito sa natural na kulay rosas na mga labi nito para higupin ang laman ng mug.
He gritted his teeth, at nabigla siya sa naging reaksyon niya. Dahil sa kabila ng nararamdaman nito na pagkainis sa babae, ay narealised niya na hinihintay niya na malaman ang pangalan nito.
Damn! Ano bang nangyayari sa kanya?! Ang galit na sabi niya sa sarili.
The atmosphere became so awkward at laking pasalamat niya dahil biglang pumasok si kuya Tino at asawa nito dala ang mga bowl ng ulam.
“Tulungan ko na po kayo” ang biglang sabi ng babae at bigla itong tumayo, para abutin ang dalawang bowl ng pagkain na hawak ni kuya Tino sa magkabilang kamay nito.
“Salamat Bella” ang magiliw na sagot ni kuya Tino.
So it’s Bella, ang sabi ni Lyndon sa sarili, bella or belle is beautiful in French, hmm, pasado naman sa mukha at sa katawan, na pasimpleng pinasadahan ng tingin ni Lyndon habang nakatayo ito.
34 b na dibdib, 25 waist line, hips? 35, ang mabilis na pagestima niya sa katawan nito. At sa height nito na mga 5’5, well proportioned ang katawan nito.
At muling nagawi ang mga mata niya sa dibdib nito, na kahit maluwag ang shirt na suot nito ay kitang-kita ang hugis nito.
Damn, hindi niya nagugustuhan ang reaksyon ng katawan niya. Ang sabi ni Lyndon sa sarili. Sa dinami-dami ng willing at submissive girls na tinaggihan niya sa Maynila, bakit sa babaeng ito pa siya nakaramdam ng ganito? Ang inis na sabi ni Lyndon sa sarili.
Mawawala rin ito, ang giit niya. Parang hangin lang ito na dadaan, at bukas na bukas din ay wala na ang kakaibang pakiramdam na ibinibigay sa kanya ng Bella na ito.
At inilatag na nga ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa. At pinagmasdan ito Lyndon.
Chicken with sauce, white sauce, fried fish, looks good and a salad, of something, kulay green na may maliliit na bilog-bilog, anong gulay ito? Ang mga katanungan sa isipan ni Lyndon.
“Saluhan nyo na po kami kuya Tino saka po si ate” ang alok ni Isabella.
“Naku hindi na po doon na po kami sa kusina kakain” ang magalang at nahihiyang tanggi ni kuya Tino sa kanila.
“Sige na kuya, mas lively ang lamesa kapag narito kayo, saluhan nyo na po kami” ang sabat naman ni Pia.
“Hindi po kami kakain hangga’t hindi nyo kami sasaluhan dito” ang sabi ni Isabella at binitawan nito ang hawak na mga kubyertos at naghalukipkip ng mga braso sa dibdib.
Maypagka manipulative ang babaeng ito, ang sabi ni Lyndon sa sarili, at ayaw niya iyun sa isang babae. Ayaw pala eh, eh bakit nakatingin ka sa dibdib nito? Ang inis na tanong niya sa sarili, nang matuon ang kanyang mga mata sa dibdib nito na umangat, when she crossed her arms under her breasts.
Lyndon cleared his throat, but it was loud enough to drew others attention, na kasama niya sa lamesa, even the annoying Bella looked at him.
They all looked at him and he again cleared his throat, before speaking.
“Oo nga po kuya Tino, saluhan ninyo kami” ang tanging nasabi niya.
“See, even Lyndon, approved” ang sabat ni Bella, na nagpatayo ng balahibo ni Lyndon.
For some reason, bakit parang personal ang pagkakasabi nito ng kanyang pangalan. He’s not liking what he was feeling, right now.
“Ah, sige po, tatawagin ko lang po si misis” ang nahihiyang sabi nito bago ito lumabas ng dining area.
Nagpatuloy ang kwentuhan habang hinihintay nila si kuya Tino. Maya-maya ay bumalik na ito.
“So misis po ay sinasabayan na kumain ang mga anak ko, ako na lang po ang sasabay na kumain sa inyo” ang nahihiyang sabi nito, na mukhang hindi sanay na sumabay na kumain sa mga naging guests ng Chez Corazon.
Naupo na ito sa tabi ni Isabella at nagsimula na silang kumain.
“Uy, sarap nito kuya” ang masayang sabi ni Isabella habang sumasandok ng ensalada at pritong isda sa kanyang plato.
Mukhang lahat naman ng kasama nila sa lamesa ay nagustuhan ang luto, pwera lang si Lyndon na nag-aalangan na kumain.
Pero para hindi naman mabastos ang ibang kasama sa lamesa ay kumuha ito ng isda at inilagay sa plato nito.
Bago nito dinampot ang tinidor, walang knife, fork and spoon ang nasa harapan niya. Sanay siya sa fork and knife. Hindi niya napansin na tinitingnan siya ni Bella na nagsimula ng kumain ng nakakamay.
“Oooh, looks like we have a picky eater” ang malakas na sabi nito kaya mula sa kanyang plato ay napaangat ang kanyang mga paningin sa pinanggalingan ng boses, at walang iba kundi si annoying Bella.
He almost grimaced ng makita niya itong kumakain ng nakakamay, pero napatingin siya sa kanyang mga kasama sa lamesa at napansin niya na lahat ay kumakain ng nakakamay.
Lyndon gritted his teeth dahil natuon ang atensyon ng lahat ng kasama sa niya sa lamesa, sa kanya.
“Ayaw nyo po ba ng pagkain sir Lyndon?” ang alalang tanong ni kuya Tino sa kanya.
“Hindi po, ahm, hindi lang po kasi sa akin pamilyar ang pagkain” ang nahihiyang sagot ni Lyndon at gigil na tiningnan si Bella.
“Gusto ninyo po ba na ipagluto namin kayo ng ibang ulam?” ang tanong sa kanya ni kuya Tino.
“Hindi po, kumakain po ako ng isda” ang mariing sagot ni Lyndon at tiningnan niya ng masama si Bella, pero hindi na ito nakatingin sa kanya at abala na sa pagkain.
He glanced at her, habang nakakamay ito at ganadong kumakain, and his breath was caught in his throat, when he saw her, licked her fingers.
It was an innocent act of course, dahil mukhang sarap na sarap ito sa pagkain. Pero bakit napaka erotic ng dating nito sa kanya? And he had a hard on, underneath his cargo shorts.
“Ano nga po pala ang itinerary bukas kuya Tino?” ang tanong ni Mico, habang nakakamay din na kumakain.
“Island hopping po” ang sagot ni kuya Tino habang magana na sumusubo ng sinabawan na kanin.
“Oh, exciting, dun na rin po ba tayo kakain?” ang interisadong tanong ni Isabella.
“Opo, magbabaon na lang tayo ng pagkain, maaga pa lang po ay alis na tayo, para masulit ninyo ang paglangoy sa mga isla” ang sagot ni Tino.
“Tapos inuman tayo bukas pagbalik natin dito” ang sabat ni Pia.
“Oo nga, last na gabi nating magkakasama bukas, celebration” ang sabat ni Lea.
“May mabibilhan ba dito ng beer kuya?” ang tanong ni Mico.
“Mayron po magpapautos na lang tayo” ang sagot naman nito.
“Gamitin natin yung pool bukas, party! Party!” ang masayang sabi ni Pia.
“Is it okey for you Lyndon?” ang tanong ni Isabella sa kanya. At bigla siyang natigilan sa pagkurot sa isda.
“Ahm, yeah, wala namang problema sa akin”ang sagot niya na hindi man lang tinapunan ng tingin ang babaeng nagsalita.
“Hmmm” ang tanging sagot nito.
Pagkatapos nilang kumain ay naupo pa ang ibang mga bisita sa poolside para mag kape si Lyndon naman ay magalang na nagpaalam sa lahat at umakyat na siya sa itaas sa kanyang kwarto.
Pero sa halip na pumasok ay tumayo muna siya sa may veranda, sakop nito ang parehong silid nila ni Bella.
Maliwanag ang langit at ang ilaw mula sa buwan ay nagbibigay ng kakaibang liwanag sa dalampasigan. Maya-maya ay may naaninag siyang naglalakad sa may dalampasigan.
Nakashorts ito at maluwag na shirt, at nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok. At nang tamaan ng liwanag ng buwan ang mukha nito, nakita niya na, hindi ito ang babaeng, may attitude kanina. Kahit pa malayo mula sa itaas ay nabanaag niya na may lungkot sa mukha nito.
Bigla na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tila ba mga paa ng kabayo na mabilis na tumatakbo.
Napailing siya, “no please don’t” ang bulong niya sa sarili. Ayaw niyang magkagusto sa babaeng katulad ni Bella.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...