Nakaupo si Isabella sa mahabang sofa sa kanilang salas, nakaupo siya habang nagtutupi ng mga damit na bagong laba niya. Kinuha niya ang isang shirt ni Lyndon mula sa hamper na nasa sahig sa kanyang paanan. Maayos niya iyun na tinupi at inilatag niya sa sofa.
Ang bilis ng panahon ang tatlong buwan lang na tiyan niya noon ay siyam na buwan na ngayon, any moment ay pwede siyang manganak.
Muling nanumbalik ang mga pangyayari sa buhay niya mula ng bumalik siya kay Lyndon. Agad silang nagplano ng kasal ni Lyndon at nagkasundo sila na simple lamang ang kasal dahil sa ayaw niya ng magarbo na kasal. At naganap nga ang kanilang kasal sa dalampasigan ng Chez Corazon. Dumalaw din sila sa puntod nina tatay Rene at Corazon.
At naalala niya ng palihim na nagplano si lola Olivia ng bridal shower para sa kanya, kung bakit ba, patago na nga ang usapan nila ng mga pinsan ni Lyndon na mga babae, si lola Olivia at tita Minerva at ang nanay niya.
Palihim man ang kanilang usapan sa isang group chat na ginawa ng mama ni Ace, ay nalaman pa rin ng mga ito na may magaganap na bridal shower sa isang private resort. Samantalang ang paalam nila ay magpajama party sila sa isang hotel sa Manila. Isinabay siya ni Autumn sa sasakyan nito at ang nanay niya.
Pagkarating sa resort ay nandoon na ang mga kamag-anak na babae ni Lyndon kasama sina lola Olivia at tita Minerva. Pumasok na sila ng private villa ng isang resort sa Batangas at nagsimula na ang party. May malakas na tugtog at maraming wine at champagne.
Hindi man pwede na uminom ay sparkling fruit juice ang ibinigay sa kanya. Nagsimula na ang masayang kwentuhan at tawanan at nag click agad ang nanay niya at si lola Olivia.
Nang bigla silang nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng villa at pumasok sa loob sina Lyndon at Ace, ang mga mukha nito ay hindi maipinta at magkasalubong ang mga kilay ng mga ito at tikom ng bibig.
Para bang nga pulis ang mga ito at nahuli sila na may illegal na ginagawa.
“What the hell!” ang galit na sigaw ng lola ni Lyndon, “anong ginagawa nyo rito? Paano ninyo nalaman na nandito kami?” ang galit at di makapaniwala na tanong ng lola ni Lyndon.
“Trace” ang sambit ni Autumn at napailing na lang ito at napangiti.
“Wag naman kayong KJ na dalawa, aba, minsan lang ito na mangyari sa buhay ni Bella” ang giit ni lola Olivia.
Lyndon sighed out of frustration, “lola, your party is so wild!” ang giit ni Lyndon “I can’t let another man dance and”-
Biglang natigilan si Lyndon sa pagsasalita ng may biglang bumukas ng pinto at pumasok ang isang lalaking na malaki ang katawan at ang hinaharap na halata sa suot nitong thongs.
“Let’s!.. Get… the.. Party.. Starting?” ang pahina na pahina na sabi ng lalaking sexy dancer na pumasok sa loob, bigla itong tumiklop lalo pa at hinarap ito ng dalawang malaking tao na sina Lyndon at Ace. Nakahalukipkip ang mga braso nito at tiningnan ng masama ang lalaking, tali lang ang takip sa kahabaan nito. Angry blue and gray eyes, looked at the surprised dancer.
Tumayo si Isabella at sinilip ang lalaki na natatakpan nina Lyndon at Ace at nang makita siya ni Lyndon na nakasilip siya, he turned and looked at Isabella, his face was scowling.
“Isabella!” he warned her.
“What? Ngayon lang ako nakakita ng”-
“Umupo ka!” ang sabi nito sa kanya, “you!” sabay harap sa lalaking nakathongs, you’re not needed here!” ang singhal niya sa lalaki.
“Oh cmon!” ang angal ng lola nito.
At ng dahil sa mahabang usapan at pilitan ay napilitan sina Lyndon at Ace na pumayag, pero, nandun sila sa loob at nag private show na lang sina lola Olivia at nanay niya.
“Hmph, kj” ang bulong ni Isabella.
“I heard that” ang sagot ni Lyndon na uminom na rin ng wine.
“Ano ito? Bookclub?” ang angal niya, pero nanatili na matigas ang desisyon ng dalawang mag pinsan. Na akala mo ba ay mga nazi na nakabantay sa kanila.Hindi niya mapigilan ni Isabella ang ngumiti, sa tuwing maalala ito. At pagdating naman sa kanyang kumpanya, muli niyang sinuyo si Kit at humingi siya ng dispensa rito, nakipag-ayos naman ito sa kanya at tinanggap ang kanyang paghingi ng dispensa. At si kit na ngayon ang namamahala ng kumpanya sa Cebu bilang satellite office niya at naging main office, niya ang isang floor sa Roces building na kliyente ni Lyndon.
Noong hindi pa malaki ang tiyan niya ay every week ay nasa Cebu sila ni Lyndon at naisama na rin nila ang daddy ni Lyndon sa farm ng mga magulang niya. Sobrang saya ng daddy nito ng maranasan ang magsaka at mag-ani ng mga gulay.
Si Ylmas naman, ay naging malapit sa pinsan na babae ni Lyndon nang nagkakilala ang dalawa sa kasal nila.
Ang mga magulang niya ay kasalukuyan na nasa Cebu ngayon, pupunta na lang sila kapag nakapanganak na siya.
Natigil ang pag-iisip niya ng marinig niya na bumukas ang automatic garage. Tumayo siya at sumilip sa bintana at nakita niya ang sasakyan ni Lyndon na pumasok sa loob. Binuksan, niya ang pinto at sinalubong niya ang nakangiting si Lyndon na may dalang basket ng prutas.
“Good evening” ang bati ni Lyndon na CEO na ng kumpanya nito. At pinasinayaan na nito ang pagdevelop sa likuran na bahagi ng isla na balak nila na iyun lang ang gagawin na resort at mananatili ang harapan ng isla para sa kanilang pamilya. Sina kuya Tino rin at pamilya nito ang kukunin nila na mamahala sa isla at kukuha na lang sila ng mga tauhan, at makapagbibigay sila ng trabaho sa mga nasa mainland na walang trabaho.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...