Chapter 43

2.8K 137 13
                                    

Lyndon wanted to ripped the papers he's holding in his hands. Hindi kasi siya makapag focus sa kanyang mga ginagawa, halos paulit-ulit niyang binabasa ang mga papel na hawak niya for reading and signing, na kailangan niyang matapos ng araw na iyun. Kung dati ay thirty minutes ay kaya niyang tapusin ang mga ganitong gawain, ngayon? Sa isang folder lang na may limang piraso na papel ay inabot siya ng halos isang oras sa pagbabasa, and looking at the stack of folders on top of his desk, mukhang aabutin siya ng hatinggabi.
     Hindi na kasi niya pwedeng ipagpaliban pa ang pagreview ng mga ito, these were contracts sa kanilang mga clients, and they have to seal the deal this week para masimulan na ang mga projects. Which was crucial for him para may pumasok na naman na income sa company, which will give him another good points para sa kanyang daddy.
    And gusto na rin niyang matapos ang mga ito, para makapag focus na siya sa paggawa ng proposal niya for Chez Corazon.
    Pero dahil sa pagtatalo nila kanina ni Isabella, bago siya umalis, nagulo na ang kanyang isipan. He didn’t mean to offend her, he’s just offering his help! Bakit naman napaka sensitive niya?! Ang galit na tanong ni Lyndon sa kanyang sarili.
    Shit! Ito na naman siya, ang mga letra sa printed paper na kanyang binabasa ay nagdodoble-doble na naman. Dahil, hindi niya maituon ang buo niyang atensyon sa kanyang binabasa.
    “This is useless” ang bulong niya sa sarili, inis na inilapag niya ang papel at halos hampasin niya ang kanyang lamesa.
    Tumayo siya at tumanaw sa view sa abala na siyudad, tapos na kaya ang dalawang iyun? Ang tanong niya sa sarili.
     Naalala niya ang sinabi ni Isabella tungkol sa Chez Corazon, about them giving up on the island. Why would she asked him to give up the islan? Hindi ba ito ang pinapangarap nila? Then, why back down now? She was so eager to get it, kung anu-ano pa ang ginawa nito, to the point na pumayag ito na magkunwari silang engaged.
     Somethings odd, ang sabi niya sa sarili. There’s something missing, mayron siyang nakaligtaan? O hindi napansin. Pero, lahat ito ay nangyari, when Ylmas came out of the picture, and turned out to be the only heir, for the Chez Corazon.
    He put his hands inside the front pocket of his slacks, and still his gaze was locked outside the busy street of the city. Naalala niya ang sinabi ni Isabella, wala silang kasiguraduhan sa Chez Corazon na makukuha nila ito, dahil mas may laban si Ylmas, ang naalala niyang sinabi ni Isabella.
    Hindi naman niya siguro kailangan na maghinala, siguro, napanghinaan na lang ng loob si Isabella ng makita nito si Ylmas. Or, maybe Ylmas offered her something, noong nag-usap ang dalawa? Or maybe he told her straight to her face to back off?
     Umiling si Lyndon, mula ng masilayan niya ang Chez Corazon ay tumatak na ito sa kanyang puso at isipan. At, ang Chez Corazon, ay ang leverage niya sa para sa lahat, dahil sa Chez Corazon, he could reach everything, that he wanted.
    He had a beautiful fiancée and mother of his child and also, Chez Corazon will secure him the CEO seat, na matagal na niyang inaasam at hinahangad.
    “God I need some coffee” ang bulong niya sa sarili, saka niya dinampot ang receiver ng kanyang phone, pero, mabilis din niya iyun na ibinalik. He decided to not call his secretary but instead, he’ll go down, and buy some coffee for himself, and drink the coffee, inside the shop. He needed to shake things up, at para bumalik siya sa dati niyang disposisyon.
   
     “Hindi ko alam ang sinasabi mo” ang sagot ni Isabella at nakakunot ang kanyang noo na tiningnan ni Isabella si Lyndon na nakaupo sa kabilang side ng lamesa.
     “You know what I’m talking about Bella, noong umagang iyon, na isinama ka ni tito Rene sa puntod ni tita Corazon, did he talk to you?” ang usisa ni Ylmas sa kanya.
     “Oo, tatay Rene did talk to me, about the island, about their life in the island, when her Corazon still lives, hindi ba sa iyo ikinuwento ng tito mo ang tungkol sa iyong tita?” ang balik tanong ni Isabella.
    “It just didn’t fit, tito Rene just called me, and said that he wanted to talk to me, regarding Chez Corazon” ang sabi ni Ylmas sa kanya.
    Nagkibit balikat si Isabella, “so?”
    “Did, Lyndon also received a call from tito?” ang usisa nito sa kanya.
    Isabella was getting impatient, bakit ba kailangan na tanung-tanungin siya ni Ylmas?
    “Honestly Ylmas I don’t know, and” she sighed, “why are you being so paranoid?” ang inis na niyang tanong dito, at mukhang napansin ni Ylmas na she’s getting impatient, at humingi ito ng paumanhin.
    “I’m sorry Bella, its just that, marami akong pinagsisihan, simula noong nalaman ko ang tungkol kay tita Corazon, kung paano nito, matapang na iniwan ang maalwan na buhay at tinalikuran ang lahat para piliin ang pinakamamahal niya” ang paglalahad ni Ylmas.
    Hindi sumagot si Bella at nanatili siyang tahimik, hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Ylmas.
    “I should have done the same thing as what she did, she’s a brave woman, I wish I’m juat like her, but, I guess, huli na ang lahat. Huli na ang lahat para sa akin” ang sabi ni Ylmas at ang mga mata nila ay nagtama at napako ng ilang sandali.
    “Bakit mo, gustong makuha ang Chez Corazon Ylmas?” ang interisadong tanong niya rito, at diretso niyang tiningnan ito sa mga mata.
    “I just wanted her legacy Isabella, please, huwag mong isipin na gutom along makuha ang isla dahil sa gusto kong pagkakitaan ito, gusto ko na, kahit papaano ay, nakilala o nakasama ko ang tita Corazon ko na itinakwil ng buong angkan ng mga Garcia, dahil sa pag-ibig nito” ang paliwanag ni Ylmas.
    “H-handa ka ba na, isuko ang isla Ylmas?” ang hamon niya kay Ylmas.
    Umiling si Ylmas, “NO, alam ko na, pare-pareho natin na gustong makuha ang isla, pero, hindi ko agad isusuko ito” ang matigas na sagot ni Ylmas.
    Napabuntong-hininga si Isabella, at tumangu-tango siya, “kailangan ko ng umalis Ylmas, hihintayin ako ni Lyndon sa opisina nito” ang sabi niya kay Ylmas, tatayo na sana siya pero hinawakan ni Ylmas ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
    Natigilan siya at tiningnan niya ang kanilang mga kamay, at saka niya tiningnan ang gwapong mukha ni Ylmas na minahal niya noon.
    “Bella, alam kong kalabisan ang hinihiling ko sa iyo, pero, hindi mo na ba ako kayang, mahalin muli? Hindi na ba pwedeng, maibalik ang nakaraan?” ang pagsusumamo ni Ylmas.
    Isang malungkot na ngiti ang isinagot niya kay Ylmas, “Ylmas, kung natuturuan lang ang puso, bakit hindi, alam ko na parehong naging biktima tayo ng mapaglaro na tadhana o tao sa nakapaligid sa atin, oo, nakapanghihinayang ang kung anong meron tayo noon, pero hindi na pupwede” ang sagot niya.
   “Mahal pa rin kita, ang pagsasama namin ng dati kong asawa ay parang impyerno, dahil sa, hindi namin mahal ang isa’t isa, Isabella, mahal pa rin kifa” ang pag-amin ni Ylmas sa kanya.
   “Ylmas, si Lyndon na ang laman ng puso ko” ang giit niya kay Ylmas.
   “Kaya kong igive up ang lahat, kung dati ay naging tanga ako, ngayon, bibitawan ko ang lahat, kahit ang isla, para lang sa iyo” ang sabi nito na ikinagulat niya, handa nitong iwan ang isla?
   “Gagawin mo iyun?” ang gulat na tanong niya.
   “Oo, gusto mo bang maibigay kay Ylmas ang isla? Handa akong iwan ang isla kapalit ng puso mo” ang giit nito sa kanya.
    Umiling siya, “Ylmas, kung kakausapin ka ni tatay Rene, ibig sabihin importante iyun, please, huwag mo na sanang ipilit pa ang mga ganyan na usapin sa akin, aalis na ako” ang muling pagmamaalam niya.
   Ylmas sighed sounding exhausted, hindi pa rin siya titigil ang sabi niya sa sarili, susuyuin pa rin niya si Isabella at kung papalarin ay sana aayon sa kanya ang desiyun ng kanyang tito tungkol sa isla.
   “Ihahatid na kita Isabella, nangako ako sa kasama mong si Autumn na ihahatid kita, kung hindi man bilang kabiyak ang turing mo sa akin ngayon, kahit isang kaibigan na lang” ang hiling ni Ylmas sa kanya.
   Tumangu-tango si Isabella, “okey, thank you Ylmas” ang matipid na sabi niya rito.
   Nagulat man dahil sa hindi niya inaasahan, the atmosphere between them, while they were inside his car was light. It was more than bearable, napakagaan ng trato nila sa isa’t isa, na tila ba walang namagitan na mabigat na pangyayari sa kanilang dalawa.
    Nagpalitan sila ng mga kwento, tungkol sa kanilang mga trabaho at negosyo. Labis na nagpakita ng paghanga si Ylmas sa success na naabot niya at labis na natuwa siya rito.
   Tumaba ang kanyang puso sa mga papuri na ibinigay sa kanya ni Ylmas. Things that she didn’t heard from Lyndon’s lips. At naalala na naman niya ang naging palitan nila ng mga salita kanina sa bahay. And it hurts, dahil sa tingin pa rin ni Lyndon ay isang maliit lang siya sa industriya na pinaghaharian na ng pamilya nito.
    Inihinto na ni Ylmas ang kanyang sasakyan sa harapan ng building ng Build Bridges Corporation.
    “Wait I’ll open the door for you” ang sabi ni Ylmas at bubuksan na sana nito ang pinto ng driver’s side pero pinigilan niya ito.
    Umiling siya, “no Ylmas, wag ka ng mag-abala, please, sanay ako na magbukas ng pinto ng kotse para sa sarili ko” ang giit niya kay Ylmas.
    Tumangu-tango si Ylmas at ngumiti, “oo nga pala, you’re a strong woman, muntik ko na makalimutan” ang natatawang sagot ni Ylmas.
    Binuksan na niya ang pinto para bumaba ng kotse ngunit muli na namang hinawakan ni Ylmas ang kamay niya, kaya tumigil siya sa pagbaba at nilingon niya si Ylmas.
   “Bella, thank you, kahit, sandali lang, I’m so happy spending time with you, sana, maulit pa muli” ang sabi nito sa kanya.
    “I did enjoy talking to you again Ylmas, parang noong dati lang, noong, mga bata pa tayo, sige, thank you sa paghatid” ang pagmamahaalam niya at humakbang na siya pababa at mabilis ang kanyang bawat hakbang patungo sa main entrance ng building, kung saan binati siya ng security pagpasok niya sa loob.

    Lyndon drank his remaining coffee, nakadalawang tasa siya ng kape bago niya naisipan na muling bumalik sa itaas sa kanyang opisina. His mind was still preoccupied, of Isabella. Hindi pa kasi siya nakatanggap ng tawag o text mula rito. Masyado yatang naexcite ang dalawa, ang sabi niya sa sarili. He sighed, siguro dapat sa susunod sumama siya sa pamimili, kaso, tambak ang gawain niya ngayon at may tinatapos pa siya na proposal niya. Pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng Chez Corazon. Kapag nakuha na niya ito, iyun na ang magiging starting point ng buhay nila, ang sabi niya sa sarili.
    Tatayo na sana siya ng makita niya ang pamilyar na sasakyan. Sasakyan iyun ni Ylmas, nakita na niya ito dahil sa nakasama na niya ito ng magkita sila sa location ng project sana nila. Kumunot ang noo niya, maya-maya ay bumukas ang passenger door, hindi pa agad lumabas ang nagbukas ng pinto. Hindi niya alam kung bakit, hindi siya nakagalaw, dapat ay tatayo na siya para lumabas, pero may kung anong pwersa ang pumigil sa kanya at nanatili siyang nakaupo para pagmasdan ang susunod na mangyayari.
    At natigilan siya sa nakita, ng lumabas sa sasakyan si Isabella, mabilis itong naglakad papasok ng kanilang building. Hindi siya napansin nito dahil sa mabilis ang bawat hakbang nito at diretso lang ang mga mata.
    Tumikom ang kanyang mga labi, bakit kasama ni Isabella si Ylmas? Nagkataon lang ba ang lahat? Aksidente lang ba na nagkita ang mga ito at nagmagandang loob lang si Ylmas na ihatid si Isabella?
   Hindi siya dapat makaramdam ng pagseselos kay Ylmas at pagdududa kay Isabella, lalo pa at nagsabi na ito ng pag-ibig sa kanya. He shouldn’t be threatened, this was just a coincidence, ang sabi niya sa sarili. Tumayo siya at mabilis na naglakad palabas ng coffee shop na nasa baba ng kanilang building.
   Mabilis siyang naglakad para abutan niya si Isabella, at naabutan nga niya ito na nakatayo sa harap ng elevator.
   “Isabella!” ang malakas na pagtawag niya sa pangalan nito at mabilis ito na lumingon sa kanya at ngumiti ito.
    “Lyndon, saan ka galing?” ang tanong ni Isabella sa kanya ng makalapit na siya rito. He quickly wrapped her in his arms, wala siyang pakialam kung pagtinginan sila ng mga empleyado ng kumpanya nila. He was feeling possessive, that moment.
    He kissed her lips at ngumiti siya ng matamis kay Isabella na nakangiti rin sa kanya. Tila ba hindi sila nagtalo kanina at nalusaw na ang mga salitang namagitan sa kanilang dalawa.
    “Nagkape ako, I saw you” ang sabi niya kay Isabella at nakita niya na nagulat ito, and he knew by the look in her eyes, that, she knew that he saw them.
    “Nagkita kami ni Ylmas while me and Autumn were having coffee then, sabi niya dito rin ang way niya, sumabay na lang ako, ayoko naman na mapalayo pa si Autumn, halos ilang oras na kami sa labas at ayoko naman na maghintay ng husto ang mga anak nito sa kanya” ang paliwanag ni Isabella sa kanya.
    Tumangu-tango siya, “gusto mo bang kumain muna?” ang tanong niya kay Isabella.
    “Oo, medyo nagugutom na nga ako”
    “Kasi naman, dalawa na kayong kumakain” ang paalala niya rito,hinawakan niya ang kamay ni Isabella ng mahigpit. Tila ba kasi kapag binitiwan niya ito ay mawawala ito sa kanya.
    For now, paniniwalaan niya ang sasabihin ni Isabella, wala naman siguro itong dahilan, para magsinungaling sa kanya hindi ba? Ang tanong niya sa sarili habang naglalakad sila palabas ng building.

   

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon