Ow-key?" ang alangan niyang patanong na sagot kay Isabella, na malapad ang pagkakangiti sa kanya. Marahan itong natawa, at nagawi ang mga mata niya sa dibdib nito, na bahagyang umalog ng tumawa ito.
"So ano Mr. Fancy Pants? Are you up for the taste of farm life?" ang hamon sa kanya ni Isabella na kinuha ang nakasabit na lumang native na sumbrero na gawa sa banig, na nakasabit sa may dingding sa labas.
"Uh, yes" ang sagot niya with less enthusiasm kaya natawa sa kanya si Isabella, kinuha nito ang isa pang lumang sumbrero at tumayo ito sa kanyang harapan, tumikayad ito para maabot ang kanyang ulo para maisuot sa kanya ang sumbrero.
"Mukha ka ng bisayang hilaw" ang biro sa kanya ni Isabella, at iniabot nito sa kanya ang basket para siya ang magdala at hinawakan naman nito ang isa niyang kamay at hinila siya nito, papalakad para sumunod siya.
Hindi siya outdoor person, mas gusto pa niya ang mag stay sa loob ng opisina o sa kanyang bahay or kung lalabas siya ay sa mga hotels at restaurants siya pumupunta at hindi sa bundok o sa bukid. So this is something new for him.
Sumunod siyang maglakad kay Isabella, dumaan sila sa maraming halaman na halatang tanim ng mga magulang ni Isabella. Iba't ibang klase ng gulay ang nakita niya at kahit pa hindi siya sanay, ay na excite siya sa mga nakita.
"Anong halaman yan?" ang tanong niya ng makita niya ang isang bed ng lupa at may mga tubong nakausli na may malalapad na dahon.
"Mustasa yan, masarap iyan sa sinigang, gusto mo ba ng sinigang?" ang agad na tanong ni Isabella sa kanya.
"Ah, oo" ang matipid niyang sagot.
"Ano ba kasi ang alam ng dila mo na pagkain?" ang natatawang tanong sa kanya ni Isabella.
Kumunot ang kanyang noo habang patuloy sila sa paglalakad, "ah, steak, seafoods, and Japanese food" ang sagot niya.
"Naku, mamamatay ka pala sa gutom rito, paano yan, ang lulutuin ni nanay ay inihaw na liempo at ensaladang talong?" ang tanong sa kanya ni Isabella, "gusto mo bang bilhan kita ng ibang pagkain?" ang tanong nito sa kanya.
"No, no" ang mabilis niyang sagot at umiling siya, "nakakahiya sa nanay mo kung hindi ko kakainin ang inihanda niya" ang mabilis niyang tanggi.
"Maintindihan ng nanay, kaysa naman sa magutom ka rito" ang giit nito sa kanya, huminto ito sa paglalakad at humarap sa kanya, "ibalik na kaya kita sa bayan?" ang sabi nito sa kanya na kunot ang noo.
Mabilis siyang umiling, "ayoko, sabi ko na, I will stay here at sabay tayo na babalik sa Manila" ang giit niya kay Isabella, "halika na, gusto ko ng mamitas ng mga gulay" ang excited na sabi niya kay Isabella at siya ang naunang naglakad at hinila niya si Isabella, kaya ito naman ang nakasunod sa kanya.
"Anong mga gulay ang pipitasin natin?" ang tanong niya, habang naglalakad sila na magkahawak ang mga kamay.
"Enseladang talong, siyempre, talong at saka, kamatis at sibuyas, lagyan din natin ng sili" ang sagot ni Isabella.
Narating na nila ang taniman ng mga talong, inilapag ni Lyndon ang basket sa may lupa at hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti ng mga sandaling iyun. Ang ganda kasi tingnan ng paligid. Ang mga talong na matitingkad ang pagkakulay aubergine ng mga ito at makikintab ang mga balat.
Itinuro sa kanya, no Isabella kung paano pitasin ang mga bunga na hindi masisira ang halaman. Agad naman na natutunan ni Lyndon ang tamang pagpitas at masyado yata siyang nag enjoy sa kanyang ginagawa dahil, halos nakalahati na niya ang basket, kaya tinawanan siya ni Isabella.
"Mauubos ba nating lahat iyan?" ang natatawang tanong ni Isabella sa kanya habang nakatingin sa laman ng basket.
"Oo nga, naku, baka magalit sa akin ang magulang mo?" ang alalang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...