Ibinaba ni Lyndon ang kanyang telepono sa ibabaw ng kanyang office table, nanlambot at nanginig ang kanyang katawan. Mabuti na lang at nakaupo si Lyndon sa kanyang swivel chair kundi baka nag collapse na siya sa sahig.
Huminga siya ng malalim at sinubukan niya na pakalmahin ang sarili at ang hindi magpanic kahit pa lumalagabog na ang dibdib niya.
Iniikot niya ang kanyang upuan at humarap siya sa glass windows ng kanyang opisina, at tumanaw siya sa labas. Kahapon pa siya gulong-gulo, at halos mabaliw sa kahahanap kay Isabella. Kung hindi lang siya tinawagan ni George ang kanyang step brother na may kailangan siyang kaharapin sa araw na ito ay wala pa siyang balak na bumalik dito sa Maynila, para hanapin si Isabella, gusto niya sanang hingin ang tulong ni Trace, pero, hanggat kaya pa niya na maghanap, ay gagawin niya muna mag-isa. Tinawagan niya ang isang kaibigan sa foreign affairs at pina check niya kung lumabas ng bansa si Isabella. Kahit pa alam niya na hindi iiwan basta-basta ni Isabella ang mga magulang nito at ang kumpanya nito. May isang importante na bagay na naging dahilan kung bakit bigla na lang ito nawala. Please, sana lang ay, walang masama na nangyari kay Isabella, ang panalangin niya. He even tried her number pero, hindi na ito active.
Naalala niya ang naging usapan nila ng magulang ni Isabella, nasaksihan niya ang lubos na tuwa ng mga ito ng malaman na ng mga ito na buntis si Isabella. Hindi pa pala, sinabi ni Isabella ang kalagayan nito, marahil, dahil sa biglaan ang pag-alis nito at ayaw ni Isabella na pigilan siya na umalis sa kalagayan nito ngayon. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng mga ni Isabella kaya, agad niyang pinawi ito, sinabihan niya ang mga magulang ni Isabella na huwag na mag-alala at hindi siya titigil na hindi makita si Isabella. Pinanatag niya ang mga loob nito na baka, nagbakasyon lang ito at hindi na nagsabi kung saan ito pupunta.
At ngayon mas lalo siyang nakaramdam ng takot ng tumawag siya sa Chez Corazon, kay kuya Tino at umaasa siya na naroon si Isabella, pero, wala roon si Isabella, kaya nanlambot ang katawan niya, dahil sa wala rin ito sa lugar na umaasa siyang pupuntahan ni Isabella. Mas makakampante siguro siya kung malaman niya na naroon at nagkukubli si Isabella sa isla at hindi sa kung saan pa man.
"Nasaan ka Isabella?" ang malakas na sabi niya sa sarili, maya-maya pa ay tumunog ang telepono sa kanyang opisina.
Napabuntong-hininga siya at iniharap ang upuan sa kanyang lamesa, at iniangat niya ang receiver at inilagay sa kanyang tenga.
"Yes?" ang bungad na tanong niya.
"Sir, Mr. Roces wanted to confirm kung magkikita daw po kayo sa opisina nito ngayo?" ang tanong ng secretary niya.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya, "yes, I'm going, I'm leaving right now" ang sagot niya. Ibinalik niya ang receiver at mabilis siyang tumayo. Gustuhin man niya na ituloy ang paghahanap kay Isabella ay kailangan niya muna na tapusin ang mga commitments niya.Isang oras lang ang itinagal ni Lyndon sa opisina ng kanilang kliyente. Laking pasalamat nga niya ng mabilis silang nakapag close ng deal at nagkasundo. Dahil na rin siguro sa madaling kausap si Mr. Roces, at alam nito agad ang mga gusto nitong kalalabasan ng proyekto, kaya mabilis silang natapos.
Lumabas na siya ng building at naglakad na siya patungo sa nakapark niyang kotse na nasa harapan mismo ng building ng mga Roces. Madaming sasakyan ang nakaparada, dahil na rin kilala ang building ng mga ito kung saan iba't ibang kumpanya ang umuupa para mag-opisina roon. Sumakay na siya sa driver's side and he was about to start his car nang makita niya ang babaeng lumabas sa isang restaurant sa kabilang kalsada. Tumalon ang puso niya ng makita niya si Isabella na lumabas sa kilalang restaurant.
"Isabella" ang sambit niya, lalabas na sana siya pero natigilan siya ng makita niya ang kasama nito na nagbukas ng pinto para kay Isabella. It was Ylmas.
Bakit sila magkasama? May, may relasyon na ba silang dalawa? Nagkabalikan na ba silang dalawa? Naibigay ba ni Ylmas ang pinapangarap nito na hindi niya kayang maibigay? O dahil sa Chez Corazon ay naging malapit ang dalawa? Did Isabella played the game already at mas pinili nito na mapalapit kay Ylmas na mas may chance na makuha ang isla? Ang mga sunud-sunod na tanong nito at bumagabag sa kanyang kalooban.
Parang pinipiga ang puso niya, si Ylmas na ba ang katabi nito sa gabi? Ang naluluha na tanong ni Lyndon sa sarili, habang pinagmamasdan ang dalawa, ipinagbukas ni Ylmas si Isabella ng pinto ng kotse at nakita pa niya na inilapat pa ni Ylmas ang palad nito sa likod ni Isabella. At mas lalong bumigat ant kalooban niya.
He snorted and let out a humourless laugh, and he shook his head. Isabella played the both of them, ang sabi ni Lyndon sa sarili. Halos mabaliw siya sa kahahanap kay Isabella at halos babaligtarin na niya ang buong Pilipinas para lang hanapin ito, yun pala, kaya hindi niya ito makita ay nasa dulo lang ito ng kanyang ilong. He was looking at the wrong places when all this time nasa Maynila lang pala ito at kasama pa ang karibal niya.
He was deeply hurt, and he gripped the steering wheel so tight, until his knuckles and palms hurts habang pinagmamasdan niya ang sasakyan ni Ylmas na patungo sa kabilang direksyon.
Sumikip ang kanilang dibdib at lalamunan dahil sa namumuong masidhi na emosyon, at isang hiyaw ang pinakawalan niya sa kanyang bibig.
"Aghhhh" at pinagsususuntok niya ang manibela ng kanyang sasakyan, hanggang sa kumawala na ang pinipigilan niyang luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...