Wait! Pag-ibig na kaya: Isang pambungad

501 8 4
                                    

Wouldn't it be painful to my part to be reminded of my past... present... future every time I looked at them?

Hindi ko maintindihan sa aking sarili kong tinatanong ko ba ang inner self ko o sadyang tinanong ko lang para may maitanong ako? Alin man doon sa dalawa, lumalabas na makapangyahiran ang ating utak pagdating sa ganoong bagay. Dahil sa kabilang ang utak natin sa Nervous System masasabi natin na importante iyon sa ating katawan. At ang Nervous system naman ay  nagiging "owner of an evolutionary treasure". Bakit kamo? Aba! Siyempre naman, ito ay nagsisilbing foundation for our memory and reasoning kaya! [konek nga ninyo].

Kung walang Nervous system, hindi natin alam kung saan natin pwedeng ilagay ang ating brain. Ala na sa puso? E laging nagtatalo iyon pagdating sa mga bagay na hindi natin minsan mapaliwanag.

Tagpuan: Sa isang imaginary game show.

Utak: Tanong: Ano ang lagi namin pinagtatalunan ni puso?

J: Pagpaparamdaman ng mga multo?

U: Mas malala pa kaya roon.

J: Examination?

U: Higit pa roon.

J: Sermon ng mga parents?

U: Mababaw naman iyon.

J: Utang ng bansa?

U: Wala akong pakialam doon.

J: Siret!

U: Hindi mo alam?

J: Kaya nga siret kasi hindi ko mahulaan.

U: I'll give you another chance.

J: Clue kailangan ko. Hindi chance.

U: hmmm... prone ka lagi rito.

J: Aksidente?

U: Maaari pero ang mga aksidente mo ay sanhi ng iyong katimangan.

J: Sama mo naman! Sakit?

U: Sanhi naman iyon ng iyong kapabayaan.

J: Aba! Bakit parang negative ang mga sinasabi mo tungkol sa akin?

U: Nagsasabi lang ako ng totoo. Pero kung mag-iingat ka, maiiwasan mo iyon. Pero hindi tulad doon sa pinapahula ko.

J: Suko na ako! No more chance! Siret na talaga! Sabihin mo na. I insist.

U: Ay sayang naman. E di pag-ibig!

J: What! No kidding!

Napatameme ako bigla ha!

Kung tutuusin, kailan ba sinunod ng puso ang sinasabi ng utak?

May mga taong sinusunod ang kanilang utak tapos sa huling banda, sisingsisi.

May mga tao naman na sinunod ang kanilang puso at sa huling banda, naghihinayang. Parang friction, opposes force ang drama.

Sa neuroscience naman, Serotonin ang isang importanteng kemikal sa ating katawan na maaring magpaliwanag o nagiging sanhi kung bakit nahuhulog ang loob natin, umiibig tayo at higit sa lahat hindi mawaglit ang isang tao. It keeps popping into your thoughts, ika nga.

Parang pulis lang din at mga ralihista sa Mendiola na pilit sinisira ang barekada makapasok lang papuntang Malacañang.

Ang pagtaas ng gasolina na kahit anong gawin ay di talaga maiiwasan.

Parang see-saw, taas at baba lang puwedeng gawin.

Ang paghanap ng kasagutan sa mga out-of-this-world phenomenon na kahit siyentia ay pilit na inaalaman ang katotohanan.

Ano nga ba talaga?

Pag-ibig? Sino ba talaga sa kanila ang lagi mong sinusunod? Si puso o si utak?

Kung sa bagay kapag umiibig tayo puso ang unang dumidikta sa atin. At kapag nasaktan saka natin sasabihin na gamitin ang utak din.

Magulo ba?

Medyo ( sa aking parte).

Sa ngayon, tutukan natin ang pag-ibig ni Jessica Sandoval, ang babaeng madaling umibig, maniwala sa pag-ibig at sa huling banda, ang utak naman ang didikta sa mga magiging desisyon niya at kung anu-ano pang puwedeng mangyari sa kanyang buhay. At yung mga darating pa lamang.

Di rin mawawala ang mga lalake na nagpapaikot sa kanyang mundo at kanyang pinapantasyahan.

Andiyan si Chris Mendoza, ang heartthrob ng buong campus. Ngiti palang, ulam na. Anak ng isang basketball player na nakapaglaro na sa PBA.

Lahat na ata ng katangiang hinahanap ni Jessica ay napunta na sa kanya. Sa kasamaang palad, hanggang crush na lang siya kasi member siya ng faculty.

Nasa kwento rin natin ang kanyang naging nakaraan, si Xavier Reyes. Ka-edad lang ni Jessica pero hindi sila magkasundo dahil sa kanilang mga ugali, belief at kung anu-ano pang pwede nilang pagtalunan.

Mapa bayad sa kuryente, malawakang brownout, sin tax at kung anu-ano pang pwedeng pagdebatihan, pinagtatalunan nila kaya di nagtagal, break-up ang abot ng dalawa. Payat at mahilig sa fliptop. Super idol niya si Looney pero super fan niya ni Abra. Di ko mawari kung may pagkakaiba ba iyon.

Opposite do attract talaga. Pero di applicable iyon sa dalawa, ika ni Jessica. Ngunit pilit pa rin iniintindi ni Jessica kung mahal pa rin ba niya ito o hindi.

Sumunod naman ang bagong nagpapasaya sa ating bida, si Yael Tenioso dahil sa mga korny jokes na kung minsan, maiinis ka kaysa sa matawa. Senior student at tampulan lagi ng mga teachers pati na ang principal dahil tamad na nga mag-aral mahilig pa sa pagbubulakbol. Ngunit gentleman at inuuna parati ang kaibigan at mga ka-close nito.

At ang huli naman sa pila si Zack Atienza. Ang half American at half Filipino na may lihim na pagtingin sa ating bida. Panay patama lagi kay Jessica pero di pa rin nito ma-gets ang gusto nitong sabihin.

Hindi rin mawawala ang kontra at eepal sa kanyang love life at sa mga balak din ni Jessica.

Andiyan si Abigail, mapagmataas at patay na patay kay Zack. Pilit lagi ang ingles kahit na nakakaintindi naman ng tagalog si Zack.

Si Jackie, ang half na kaibigan ni Jessica. Walang lahing manananangal, badinger lang kaya nasabi kong half siya. Jack ang tunay niyang pangalan. At hanggang ngayon secret pa rin ang kanyang kabadingan sa kanyang magulang.

Tulad ni Abigail patay na patay din siya pero hindi kay Zack kundi kay Yael. Boys hunter ang tawag sa kanya. Mas mabilis pa sa kidlat kung magturo ng lalake.

Magkababata sina Jessica at Jackie kaya lamang mahilig silang magtalo lalong-lalo na pagdating sa gusto at ayaw nila. Lumalala lamang pagdating sa mga lalake.

.

.

.

.

.

Kung tunay na pag-ibig na ang lumapit sa kanya, sa utak pa rin ba siya aasa?

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon