#DTG00 Chapter 00
"Leave," sabi ni Vito habang naka-tingin sa akin. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok niya. Pakiramdam ko ay hindi ako maka-hinga habang naka-tingin sa katawan ni Professor Villamontes...
Puro dugo...
Naka-dilat ang mata niya...
Naka-tingin siya sa akin...
"Vito..." pagtawag ko sa kanya habang mabilis na tumutulo ang luha ko. Ni hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya... Pinatay ko talaga siya... Nagawa ko... Hindi ko alam na kaya ko pala...
"Vito... Vito, pinatay ko siya..." paulit-ulit kong sabi.
Naramdaman ko ang kamay ni Vito na naka-hawak sa mukha ko. Pilit niya akong pina-tingin sa kanya. Naka-tingin siya sa mga mata ko. Naramdaman ko iyong paghaplos niya sa pisngi ko.
"Assia, listen to me," sabi niya sa akin.
"Pinatay ko talaga siya, Vito..."
"I know," sagot niya.
"Ayokong makulong..."
Napa-tingin siya sa walang buhay na katawan ni Sir sa amin. Mabilis siyang lumapit roon at kumuha ng pantakip.
"You won't, okay?" sabi niya sa 'kin.
"Pero pinatay ko siya..."
"I'm sure there's a reason," sagot niya at saka hinila ako patayo. "Did you tell anyone that you went here?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Wala akong sinabihan..." mahina kong sagot.
"Good," sabi niya. "You still know how to drive?"
Tumango ako. Inabot niya sa akin iyong susi ng sasakyan niya. "You still know where Niko lives?" Tumango ako. "You go there, okay? I'll tell him that you're going there."
Naka-tingin ako sa kanya. "Okay..."
Tumingin siya sa paligid. "Did you touch anything?"
Muling sumikip iyong dibdib ko bago ako tumango. "Ayokong makulong, Vito... Ako lang inaasahan ng pamilya namin... Gusto ko lang naman magtrabaho... Hindi ko naman gusto 'to..."
Wala na akong makita.
Ramdam ko lang 'yung pagtulo ng luha ko.
"You remember what I promised you before?" he asked and I nodded. "I always got your back... Remember that?"
Hindi ko alam kung bakit... pero sobrang bait niya sa akin...
"I got your back then—I still got your back now," he said. "You understand me?" tanong niya at tumango ako. "Now, you drive to Niko's place... Burn all your clothes then take a shower in the tub. Then pour bleach on the tub. You hear me?" he asked.
"Paano ka?" tanong ko.
He gave me a small smile. "I can handle myself."
"Vito—"
"Just go, okay? I'll take care of this," sabi niya bago ako mabilis na pinalabas sa apartment ni Sir... Pilit akong huminga nang maayos habang nagda-drive ako paalis doon... Sinunod ko iyong daan na sinabi sa akin ni Vito...
"Let's go," Niko said nang makita niya ako. Agad niya akong sinuotan ng baseball cap at itinaas iyong hoodie sa ulo ko. "You stay behind me, okay?" sabi niya bago kami pumasok sa emergency exit. Tahimik lang ako habang naglalakad kami sa hagdan. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na umaakyat bago kami lumabas sa isang floor.
Sinabihan ako ni Niko na hubarin ko lahat ng suot ko. Binigay ko sa kanya lahat ng hawak ko. Nilagay niya iyon sa isang metal trashcan. Lumabas siya sa terrace at doon sinunog iyon. Pina-punta niya ako sa CR at pina-ligo. Binigyan niya rin ako ng bleach. Sinunod ko lahat ng utos niya sa akin.
Paglabas ko, nakita kong naghihintay siya sa akin.
"You done?"
"Salamat..."
"Vito called."
"Ano'ng sabi niya?"
"He told me to tell you to sleep," sabi ni Nikolai. "I have a vacant room."
Wala akong lakas para makipagtalo kaya naman pumasok ako roon... pero kahit na ganoon, hindi ko magawang matulog... parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig lahat ng nangyari kanina...
At iyong tunog ng baril...
Paulit-ulit kong maririnig...
Hindi ko magawang matulog. Sinubukan kong buksan iyong TV... Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Vito. Nanginginig ang mga kamay ko habang inabot ko ang remote. Mabilis na nilakasan ko ang TV... Kasabay ng pagtulo ng luha ko nang makita ko si Vito sa TV... Naka-takip ang kamay niya pero alam ko na naka-posas iyon.
"Atty. Vito Sartori was arrested last night while he was caught attempting to cover up the scene of a suspected homicide," sabi ng reporter habang pinapa-kita si Vito na hatak-hatak ng mga pulis. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang naka-tingin ako sa bawat galaw niya. I could still see the blood on his white long sleeves... the blood that I caused to spill. "We reached out to his lawyers, but for now, no comment has been made by both camps."
Agad akong lumabas para hanapin si Niko. Agad kong nakita siyang naglalakad pabalik-balik, ang mga daliri niya panay suklay sa buhok niya.
"Obviously, I know that!" sigaw niya sa kausap niya. "Fuck you, Sancho! Now's not the time to be a smart ass!"
Niyakap ko palapit sa dibdib ko iyong mga binti ko.
"We don't have much choice, do we?!" sigaw na naman niya. "I'm shouting because this is so fucked up! We don't have a choice!"
Naka-tingin ako sa kanya, naghihintay na sabihin niya sa akin kung ano ang nangyayari... Natatakot ako... Natatakot ako para kay Vito... Alam ko na hindi niya ako ilalaglag... Pero paano siya? Ayokong may masamang mangyari sa kanya...
Nang matapos ang tawag, nakita ko siyang naka-tingin sa akin.
"Ano'ng... nangyari?" tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin. "Assia," pagtawag niya sa pangalan ko. "Vito's in deep shit."
Tumulo ang luha ko. "Pupunta ako sa presinto—"
"No," sabi niya. "He insisted that you stay here."
"Pero—"
"You stay here," he said.
"Si Vito..."
"He'll be fine."
"Bakit ka sumisigaw kanina?"
Tumingin sa akin si Niko. "You know the Villamontes clan," pagsisimula niya. Tumango ako. Laman sila ng bangungot ko... "They retain almost all the biggest firms in the country... So, that means all those firms can't represent Vito... Then I heard earlier that they're starting to consult with the private lawyers."
Agad na umawang ang labi ko.
Ibig sabihin... walang pwedeng magrepresent kay Vito na magaling na abogado? Dahil nagcoconsult na sila? Dahil conflict of interest iyon...
"So... you see, that's the reason why I was shouting," sabi ni Niko.
Agad akong tumayo. "Pupunta na lang ako sa presinto, Niko."
"Assia, don't be stupid," sabi niya. "You stay in the—ah, shit! Just come with me."
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"We'll make the gun disappear," he said, grabbing his car keys and putting the gun inside his jacket.
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...