Chapter 28

191K 9.9K 6.2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG28 Chapter 28

"Assia."

Halos hindi ko makita iyong mukha ni Vito nang buksan ko iyong pinto.

"Where the fuck is that asshole?" galit na sabi niya bago naglakad papasok sa apartment ni Atty. Hindi ako naka-sunod sa kanya. Ni hindi ko magawang maka-galaw sa kinatatayuan ko. Basta nakita ko na lang siya na natigilan nang makita niya ang katawan ni Atty. Villamontes na nasa sahig at walang buhay.

Hindi ko alam kung gaano siya katagal na naka-tingin doon.

Nang humarap sa akin si Vito, nakita ko ang pagka-bigla sa mga mata niya.

"I'm sorry," sambit niya habang naka-tingin sa akin. "God, I'm sorry, Assia."

Hindi ako maka-galaw.

"Patay... na ba siya?" tanong ko sa kanya. "Hindi siya guma-galaw... Natatakot akong lumapit sa kanya..."

Humakbang siya palapit sa akin.

Napa-hakbang ako palayo.

"God, I'm so sorry this happened..." sabi niya nang matigilan siya sa ginawa ko. "Assia, I'm sorry... I should've been there for you."

Pinunasan ko iyong luha ko.

Nandito pa rin naman siya...

Nandun siya dati, pero tapos na...

Nandito na siya, pero tapos na...

"Hindi ko sina-sadya," sabi ko. "Hinatak niya ako. Sabi ko naman sa kanya 'wag na siyang lumapit sa 'kin..."

Tumango siya. "It's not your fault."

Tumingin ako sa kanya. "Alam ko mali... pero hindi na ako nakapag-isip kanina... Gusto ko lang siyang tumigil..."

Hindi siya sumagot.

Naka-tingin lang din siya sa akin.

"Leave," sabi ni Vito habang naka-tingin sa akin. Hindi pa rin ako maka-galaw. "Assia, we have to go."

Gusto kong umalis.

Gusto ko lang namang umalis.

Pero ngayon ay hindi ako maka-galaw.

Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok niya. Pakiramdam ko ay hindi ako maka-hinga habang naka-tingin sa katawan ni Atty. Villamontes...

Puro dugo...

Naka-dilat ang mata niya...

Naka-tingin siya sa akin...

"Vito..." pagtawag ko sa kanya habang mabilis na tumutulo ang luha ko. Ni hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya... Pinatay ko talaga siya... Nagawa ko... Hindi ko alam na kaya ko pala...

"Vito... Vito, pinatay ko siya..." paulit-ulit kong sabi.

Agad na lumapit siya sa akin. Naramdaman ko ang kamay ni Vito na naka-hawak sa mukha ko. Pilit niya akong pina-tingin sa kanya. Naka-tingin siya sa mga mata ko. Naramdaman ko iyong paghaplos niya sa pisngi ko.

"Assia, listen to me," sabi niya sa akin.

"Pinatay ko talaga siya, Vito..."

"I know," sagot niya.

"Ayokong makulong..."

Napa-tingin siya sa walang buhay na katawan ni Sir sa amin. Mabilis siyang lumapit roon at kumuha ng pantakip.

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon