Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG40 Chapter 40
"I swear to tell the truth and nothing but the truth, so help me God," diretso kong sabi habang naka-patong ang kamay ko sa bibliya. Panay ang paghinga ko nang malalim.
Walang makukulong.
"State your name for record."
Huminga ako nang malalim. "Assia dela Serna," sagot ko kay Tali. Tumango siya sa akin na para bang pinapaalala niya na kumalma ako... dahil ang tanging gagawin ko lang naman ay ang magsabi ng katotohanan.
"You were a student from Brent, yes?"
"Tama po."
"And Arthur Villamontes was your professor?"
"Tama po."
"Was that the first time you met him?"
"Hindi po."
"Can you walk us through your first meeting with Atty. Villamontes?"
Muli akong huminga nang malalim at tumingin lamang kay Tali. Hindi ako tumingin sa Prosecutor. Kailangan kong kumalma at magsabi ng totoo. Hindi ako pwedeng tumingin sa iba at pagdudahan ang sarili ko.
"Nakilala ko po siya nang ilipat ako sa kanya sa trabaho ko. Naging assistant po ako ni Atty. Villamontes hanggang sa kailanganin kong magresign dahil masyado ng mabigat iyong inaaral ko sa eskwelahan," diretsong sagot ko.
"And there was no contact after that?"
"Wala na po."
"But during your time there, did you two eat out or—"
"Objection. Relevance," biglang singit ng prosecutor.
Hindi nagsalita si Tali at nanatiling naka-tingin sa Judge.
"Overruled. Proceed."
Bahagyang ngumiti si Tali. "Thank you," sabi niya sa judge bago muling nagbaling ng tingin sa akin. "Where was I?" muli niyang sabi. "Kayo ni Arthur Villamontes—was your relationship with him strictly professional o lumabas ba kayong dalawa?"
Tumango ako. "May isang beses po."
"So do you mean to say that aside from being colleagues, you have a relationship with Arthur Villamontes?"
Mariin akong umiling. "May isang beses lang po na hinatid niya ako sa dorm galing sa school."
"So, there's a relationship?"
"Tumanggi po ako, pero pinilit niya—"
"Objection. Relevance, Your Honor," muling sabi ni prosecutor.
Tumingin si Tali kay Judge Paras. "Your Honor, I'm cross examining my client. All my questions are pertinent to our defense."
"Overruled," muling sagot niya. Tumingin si Tali kay Prosecutor Zaldivar na matalim ang tingin sa akin. Sa tingin niya ay nagsisinungaling pa rin ako...
Gusto kong isipin na naiintindihan ko siya...
Pero ano'ng pinagkaiba niya kay Trini?
Isang hindi nagbingi-bingihan.
At isang nagbulag-bulagan.
"Pinilit ka? Can you elaborate for the record kung paano kang pinilit ni Arthur Villamontes, Ms. dela Serna?" muling tanong sa akin ni Tali.
Hinawakan ko ang mga kamay ko habang humi-hinga nang malalim. Katotohanan. Iyon lang ang kailangan kong sabihin.
"Enrolment po bago iyong 4th year nang pumunta ako sa Brent para magtanong tungkol sa section. Nakita po ako ni Atty. Villamontes doon. Nakikiusap ako sa Dean's Office kung pwede akong magpalipat ng section, pero hindi ako pinayagan... pero nung nakita ako ni Atty. Villamontes, kinausap niya po iyong Dean's Office para payagan akong mapalipat ng section tapos ay hinatid niya ako kahit sinabi ko na kaya kong umuwing mag-isa," diretso kong sagot habang hawak pa rin ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...