Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG14 Chapter 14
"Niko."
"Hmm?"
"Galit ba sa 'kin si Vito?"
"I don't think so. Why'd you ask?"
Nasa libro lang iyong libro ni Niko. May klase kami sa Crim II mamaya. Maaga akong dumating kaya naman tumabi muna ako sa kanila. Medyo naninibago ako kay Niko dahil nag-aaral siya. Na-trauma siguro dahil muntik na siyang bumagsak sa Crim I. Na-realize niya na na may mga prof na hindi niya madadaan sa pagngiti niya.
"Pagdating ko kasi lumabas siya," sagot ko.
Akala ko babalik din siya tapos may kukunin, pero ilang minuto na ang naka-lipas, 'di ko pa rin siya nakikita.
"He's not mad, trust me."
"Seryoso ba? Kasi parang ayoko ng sumabay sa kanya pauwi..."
Isang linggo na na sobrang tahimik kapag nasa loob kami ng sasakyan niya. Nung una, sinusubukan ko pa na mag-open ng topic para may pag-uusapan kami kaya lang ay sobrang igsi naman ng sagot niya hanggang sa ayoko na ring magsalita...
"He's not mad," sabi niya. "But if you don't wanna ride with him, I'll drive you home, okay?"
"Hindi na. Kay Mauro na lang ako sasabay," sabi ko kaya lang ay natigilan ako nang matawa siya. "Bakit ka natawa?" tanong ko.
Umiling siya habang naka-tingin pa rin sa libro niya. "Nothing."
"Ano nga kasi?"
"You know the answer, you're just refusing to acknowledge it."
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Ha?"
"I'd help you, but also, I don't want to," magulong sabi niya. "Besides, it's fun to—" sabi niya at saka napa-tingin sa pintuan nang bumukas iyon. "Damn it, Assia, I wasn't able to finish reading!" pagpapatuloy niya habang mabilis na iniscan iyong pahina na binabasa niya.
Nakita ko na kasunod ni Vitong pumasok si Atty. Tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin. Grabe. Ano ba'ng problema niya? Parang okay naman kami tapos bigla na lang siyang sobrang tahimik...
Bumalik na ako sa pwesto ko.
Nag-aayos pa si Atty ng gamit niya. Wala pa si Mauro. Naka-tingin ako sa pinto habang hinihintay siya. Grabe. Ang hirap talagang maging working student... Baka may pinagawa pa sa kanya o kaya naipit siya sa traffic. 'Wag sana siyang matawag ngayon...
"What was the last topic?" tanong ni Atty sa beadle namin. Sinabi ng beadle na nasa Crimes Against Public Interest na kami. Habang inaayos ni Atty iyong sa class card, sa wakas ay dumating na si Mauro. Lahat kami ay napa-tingin sa kanya. Alanganin lang siyang ngumiti at nag-good evening kay Atty bago dumiretso sa pwesto.
"Muntik na ko," bulong niya sa 'kin.
"Crimes Against Public Interest na tayo," sagot ko sa kanya.
Nagsimula na iyong klase. Sobrang nakaka-kaba. Iba iyong approach ni Atty kumpara sa klase namin nung Crim I. Dati, maraming cases... Dito naman, sa sobrang dami ng concept, halos wala ng cases. Ang problema lang ay dapat kabisado namin lahat ng elements sa bawat crime. Paano kaya nito sa finals? Halos 300 ata na crimes ang kailangang kabisaduhin. Isama pa iyong Obli. Baka mabaliw ako nito.
Sobrang nagpapasalamat ako na hindi ako natawag ngayon dahil aminado ako na nalilito ako sa topic. Ayoko kasi talaga na magkaroon ng pangit na recitation. Kailangan kong maka-graduate on time. Kailangan kong maka-pasa ng unang take. Marami pa akong kailangang gawin sa Isabela.
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...