Chapter 23

177K 8.9K 7.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG23 Chapter 23

"Assia," pagtawag sa akin ni Atty. Villamontes.

"Sige, una na kayo," sabi ko kay Niko.

"Okay," sabi niya habang inaayos iyong gamit niya. "I still have to go somewhere. Just ride with Vito or Sancho," sabi niya pa bago umalis.

Huminga ako nang malalim bago ko sinara iyong bag ko. Kakabigay lang ng exam namin sa midterms. 68 lang ang nakuha ko sa Tax. Hindi ko pa alam kung ano ang recit grades ko. Kailangan kong ayusin. Hindi ako pwedeng bumagsak. Ayokong ma-delay ng isang taon.

"Bakit po, Attorney?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya. Naka-tayo siya habang inaayos nag gamit niya. Ramdam ko iyong bigat ng buong klase dahil walang pumasa kahit isa sa amin. Highest na raw na nakuha ay 73.

"53 lang ang midterms recit mo," sabi niyang bigla.

Napa-kurap ako nang maraming beses. "Po?"

"I can't really do anything about it dahil si Atty. D iyong gumawa ng midterms recit niyo," sabi niya at saka tumingin sa akin. "I know you're a hard worker, Assia, but you have to work harder. Kailangan mong galingan sa finals recit. And there's a talk na departmental na iyong finals exam."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga sinasabi niya. Parang hindi maalis sa isip ko iyong 53... Wala man lang ba akong tamang naisagot kahit isa kay Atty. D? Sobra naman iyong 53...

"If you have any clarification about the topics, you can always consult with me..." sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko. Alangan akong ngumiti at nagpasalamat.

"Assia."

Sabay kaming napa-tingin nang tawagin ako ni Vito. Muli akong ngumiti kay Atty. Villamontes bago mabilis na umalis at lumapit kay Vito.

"Are you okay?" tanong niya sa akin.

Tahimik akong tumango. "Nakita mo si Sancho?" tanong ko.

"Why?"

Hindi ako naka-sagot. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Shanelle. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit bigla na lang siyang nawala nung party. Hindi siya nagpaalam na aalis siya. Basta nawala na lang siya. Hindi ko magawang magtanong kung bakit at kung saan siya pumunta.

At dahil hindi ako naka-sagot kung bakit ko hina-hanap si Sancho ay sumabay na lang ako kay Vito papunta sa birthday party ni Niko.

* * *

Mas tahimik iyong birthday ni Niko kumpara nung pinaka-unang birthday niya na napuntahan ko. Konti lang ang tao—karamihan ay puro lalaki na classmate nila nung high school. Ang konti lang ng babae. Karamihan puro girlfriend lang ng kaibigan ni Niko.

Naka-upo ako sa lounge chair sa may malapit sa pool. Sa 3 taon na kaibigan ko si Niko, parang 5 bahay na niya ata iyong napupuntahan ko. Meron ata silang bahay sa bawat sulok ng Maynila. Iyong condo niya na lang ang hindi ko pa napupuntahan. Hanggang sa lobby lang ako naka-rating dahil ayaw magpa-akyat ni Niko.

"Malapit na kayong maging kambal ni Niko," sabi ni Sancho sa tabi ko. Mag-isa lang siya. Kanina ay kasama niya sina Vito, Yago, at Rory.

"Ha? Bakit naman?"

"Lagi niyong inaaral 'yang Tax," sabi niya habang naka-turo sa hawak ko na libro ni Ingles. Napa-buntung-hininga ako. "Ang baba ng recit grades na binigay ni Atty. D..."

Bahagyang umawang iyong labi ni Sancho. "Siya nagbigay?"

Tumango ako. "Sobrang baba," sagot ko. "Parang wala man lang pa-konswelo na complete attendance ako sa kanya," dugtong ko pa. Kahit nga parang aatakihin na ako sa puso tuwing bago magklase sa subject niya, pumapasok pa rin ako. Kasi alam ko na kahit ang hirap niyang professor, marami akong matututunan sa kanya pati sa mga recit ng mga kaklase ko.

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon