Chapter 38

173K 8.2K 3.2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG38 Chapter 38

Ilang beses kong sinabi na ayokong maka-tanggap ng dalaw mula kahit kanino maliban sa abogado ko, pero natagpuan ko pa rin ang sarili ko na kaharap si Vito.

"Why?" tanong niya malipas ang ilang segundo ng katahimikan na namagitan sa gitna naming dalawa.

"Kasi ito 'yung tama."

"He tried to rape you—"

"Matagal na dapat akong sumuko," pagputol ko sa sasabihin niya. "Hindi ka na dapat nakulong. Hindi na dapat kayo nadamay. Dapat matagal ko na 'tong ginawa."

Hindi na dapat ako natakot.

Hindi ko na dapat sila hinayaan pang umabot sa ganoon.

Kung hindi sila umabot sa ganoon, mapupunta ba ako sa lugar na 'to? O magiging kagaya lang nila ako na magtatago sa pera na mayroon sila?

"Assia—" sabi niya at mabilis na napa-hinto. "I wasn't going to get convicted..."

Tumingin ako sa mga mata niya. "Alam mo ba iyong plano nila Niko?" tanong ko sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Alam mo ba na plano nilang magbayad ng tao para sumalo sa nangyari?"

Gusto kong makita iyong reaksyon sa mukha niya.

Kung alam niya ba.

Kung pumayag din ba siya sa ganoon.

Kasi kung pumayag siya... baka hindi niya talaga ako kilala.

"What are you talking about?" tanong niya pagka-lipas ng ilang sandali.

"Hindi mo alam iyong nangyari?"

Mabilis siyang umiling. "No!" agad na sagot niya. "Why in hell would I agree to that!"

Hindi ako nakapagsalita.

Umigting ang panga niya.

"God, Assia! Spending weeks in jail made me realize what a hellhole that place is! Do you seriously think that I'd willingly send an innocent person to that place?"

"Nagawa mo para sa 'kin."

Umawang ang labi niya.

Naghintay ako ng sagot.

"Kung hindi mo kayang gawin sa iba... sa tingin mo kaya ko 'yung gawin sa 'yo, Vito?" mahinang tanong ko sa kanya.

"You didn't ask for me to do it," mahinang sagot niya.

Pilit akong ngumiti. "Salamat... pero kailangan kong harapin 'to, Vito. Siguro nga may pagkaka-taon para maka-takas ako... pero mas mahirap kalaban iyong konsensya... Hindi ko alam kung paano ako magpapa-tuloy sa buhay ko kung alam ko na mayroon akong kasalanan na tinakasan..."

"Assia..." hirap na sabi niya. "He tried to rape you. That was on him."

Tumango ako. "Pinrotektahan ko iyong sarili ko, alam ko... Pero gusto ko na lang magtiwala sa batas, Vito."

Malungkot akong ngumiti nang makita ko iyong pagka-bigo sa mukha niya. Bakit ba sila nag-aral ng batas kung wala silang tiwala roon? Kasi ako kaya ko iniwan ang buhay ko sa Isabela at nag-aral sa Maynila ay dahil naniniwala ako sa batas ko maipagtatanggol iyong lupain sa Isabela... Kasi iyon rin ang ginagamit nila sa amin... Na dahil wala kaming alam, inaakala nila na mapapa-ikot nila kami... Kaya nga ako nag-aral para malaman ko lahat... para hindi na nila magamit pa sa amin iyon...

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon