Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG22 Chapter 22
"Finally," sabi ni Niko nang maka-labas kami ng City Hall. Mabuti na lang at nasabihan ako ni Atty. Villamontes ng mga tips kay Prosecutor Ocampo. Napigilan ko agad si Niko bago pa man siya makapagtanong nung mga tanong na pwede naman naming makita online. Mabilis lang natapos iyong interview. Mukhang nagmamadali rin kasi si Prosecutor. Hindi ko alam kung dahil ba iyon hinihintay siya ni Atty. Villamontes sa labas.
"Tchau!" sabi ni Niko nang ibaba niya kami sa harap ng school. Nandito kasi iyong mga sasakyan nina Vito at Sancho. Nagpaalam na rin agad si Sancho na aalis na siya. Gusto ko na ring umuwi para makapagreview na ako.
"Wala kang nilagay na kalokohan sa digest ni Niko, ha," sabi ko kay Vito habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Nagkibit-balikat lang siya. "Kapag bumagsak si Niko, sa akin magagalit 'yun."
"If," sabi niya. "If he fails, that'll teach him to do his own thing."
Sumimangot ako pero tinawanan lang ako ni Vito. Pagpasok namin sa sasakyan niya, agad kong inayos iyong seatbelt ko para maka-alis na kami. Hindi kasi siya magda-drive hanggang hindi ako naka-seatbelt. Nung una, sinasabihan niya pa ako. Nung lumaon, napansin ko na lang na 'di siya magda-drive habang hindi ako naka-seatbelt. Ayaw niya na lang siguro akong kulitin.
"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko dahil kanina pa ako naka-seatbelt.
"You worked with Atty. Villamontes, right?" tanong niya kaya naman tumango ako. "You two are close?"
Umiling ako. "Hindi naman. Pero mabait siya saka hindi niya ako pinapagalitan kapag nagbabasa ako nun," sagot ko. "Mabait naman siya. Tinulungan nga niya tayo kanina."
Tahimik na tumango si Vito, pero parang hindi siya kuntento sa sagot ko. "You know his family?"
Tumango ako. Sino ba ang hindi nakaka-kilala sa mga Villamontes? Laman sila ng balita palagi. Kung anu-anong balita—kadalasan ay hindi maganda.
"Bakit?"
Binuksan niya na ang sasakyan niya. "Nothing. Just... be careful."
"Mabait naman siya."
"Maybe," sabi niya. "But still, be careful."
Tumingin ako sa kanya. Naka-tingin lang sa daan si Vito. Hindi niya talaga gusto si Atty. Villamontes... Kahit sa classroom, parang masama ang tingin niya palagi kapag Taxation na ang klase namin. Pati kanina. Napansin ko na ni hindi man lang siya nagpasalamat nung tinulungan kami ni Atty.
"Okay, pero—"
"I'm not gonna argue about him, Assia. All I ask is that you be careful," sabi niya. Ni hindi siya naka-tingin sa akin habang sinasabi niya iyon. "He's nice to you, I get it. But still."
Hindi na rin ako nagsalita. Ayoko ring makipagtalo sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung bakit parang galit siya sa akin. Mabuti nga at natulungan kami kanina. Kung hindi, baka kailanganin pa naming bumalik bukas para maghanap ng ibang pwedeng interview-hin. Alam ko naman na hindi niya gusto si Atty. Ang hindi ko maintindihan ay bakit parang sa akin pa siya nagagalit.
"Salamat sa paghatid. Ingat ka," sabi ko bago ako bumaba sa sasakyan niya. Narinig kong tinawag niya pa ang pangalan ko, pero nagpanggap akong walang narinig. Kailangan ko ng mag-aral. Ayoko ng mag-isip ng kung anuman.
* * *
Manhid na yata ako nang matapos ko iyong huling exam. Hindi ko alam kung saan kinukuha ng mga professor namin iyong tanong. Kaya kaya nilang sagutan iyong mga tina-tanong nila? May naka-sagot kaya? May makaka-rating pa kaya sa amin sa fourth year?
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...