#DTG09 Chapter 09
"Thanks, Ms. dela Serna," sabi ni Atty. Villamontes sa akin nang iabot ko sa kanya iyong file na pinapa-hanap niya.
"May ipapagawa pa po ba kayo?"
"Okay na," sagot niya. "Midterms niyo ngayon, right? Sa Brent ka nag-aaral, 'di ba?"
"Yes po, Sir."
"Sige, aral ka na. I'll just call you kapag may ipapagawa ako," sabi niya na ngumiti sa akin. Ngumiti din ako sa kanya. Sobrang blessing talaga na napunta ako kay Atty. Villamontes kasi ang bait niya sa akin. Minsan marami siyang pinapagawa, pero sobrang minsan lang... Tapos madalas pa umaalis siya kaya wala rin akong ginagawa.
"Salamat po, Sir," sabi ko bago ako bumalik sa pwesto ko. Kinuha ko lang iyong notebook at reviewer ko tapos pumunta ako roon sa may fire exit. Nung isang beses kasi na nag-aral ako sa loob, sinabihan ako na hindi ako binabayaran para mag-aral... Pero exam kasi ngayon kaya kailangan kong galingan...
Crim iyong unang exam ko. Kinakabahan ako kasi ang balita raw, walang pumapasa sa midterm exam ni Prosec... Tapos wala pa raw kalahati ang papasa sa mismong course... Kapag pa naman hindi ka pumasa sa Criminal Law I, hindi ka makakaproceed sa Criminal Law II... E 'di delayed na agad ako?
Paulit-ulit kong binabasa iyong mga concept lalo na iyong sa pinagkaiba ng frustrated, attempted, at consumated. Nung una kong nabasa sila akala ko madali... pero nung nagbigay na si Prosec ng mga example, bigla akong nalito. Pati iyong proximate cause na medyo nalilito pa rin ako ngayon.
"Conspiracy exists when two or more persons come to an agreement concerning the commission of a felony and decide to commit it," pagrerecite ko. "Proposal to commit a felony exists when the person who has decided to commit a felony proposes its execution to some other person or persons."
Nagrecite pa ulit ako nung definition ng stages of crime kasi sabi nila mas mataas daw ang grade kapag verbatim iyong sagot. Kailangan mataas ang grade ko ngayong midterm kasi mas mahirap na kapag sa finals pa ako maghahabol.
"Oh, sorry," sabi ni Atty. Villamontes nang buksan niya iyong pinto. Agad akong napa-tayo. "Nag-aaral ka ba? Akala ko kasi walang tao."
"Dito po ba kayo, Sir? Lipat na lang po ako," sabi ko sa kanya. Ayoko na mainis sa akin si Sir kasi baka malipat na naman ako. Kahit sandali lang ako kay Atty. Narciso, parang bangungot iyon sa dami ng pinagawa sa akin.
"It's fine. D'yan ka lang. Alis din ako. Nagpapa-lamig lang ako."
Hindi na ako sumagot. Ang init nga dito, e. Ang lamig kaya sa opisina niya akala mo may snow.
Nag-aral na lang ulit ako. Binasa ko iyong digest ko sa mga kaso kasi baka may lumabas doon. Kinakabahan talaga ako sa exam... Pinaka-unang exam ko 'to sa law school... Puro essay daw kasi tapos puro situation... Magbibigay daw ng situation tapos sasabihin mo kung ano iyong crime tapos syempre kailangan may legal basis.
Grabe.
Ang hirap maging abogado.
Kaya siguro ang tatapang ng mga abogado... isipin mo ganito ang dinadanas nila araw-araw sa law school pa lang? Ako nga nasa unang semester pa lang pero pagod na ako, e.
"Sino'ng prof mo?" tanong bigla ni Sir.
"Prosec Galicia po."
"Same pala tayo. Prof ko rin siya dati."
"Ang hirap nga po sa kanya."
Tumawa si Sir. "Ganon talaga, pero matututo ka d'yan," sabi niya. "Baka may nagsabi na sa 'yo, pero si Atty. Galicia, naghahanap 'yan ng key words sa mga sagot niyo. Kapag hindi niya nakita kahit tama sagot niyo, 'di mo pa rin makukuha iyong perfect score... Actually, wala pa akong kilala na naka-perfect 10 sa kanya."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...