Chapter 34

158K 8.3K 4.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG34 Chapter 34

Ni hindi ko magawang kausapin si Niko nang bumalik sila sa condo. Masyado siyang tahimik—ramdam na ramdam ko iyong nangyari kanina sa pre-trial kahit pa hindi nila sabihin...

Sabi ni Jersey, hindi raw talaga maganda ang nangyari...

"Why are you still awake?" tanong ni Niko.

"Nagbabasa," pagsisinungaling ko.

"Oh, okay. I'll head to bed," sabi niya.

Tumango lang ako habang pinapa-nood siyang pumasok sa kwarto niya. Nang magsara ang pinto, muli kong binuksan iyong notebook na kanina ko pa sinu-sulatan ng mga possibleng tumawag sa pulis.

Si Atty. Torres kaya? Pero bakit naman?

Kapitbahay ni Atty. Villamontes? Pero masyado silang malayo.

Si Shanelle? Pero hindi niya ipapa-hamak si Vito...

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung sino ang pwedeng tumawag sa pulis.

Buong Sabado ay pinilit ko na 'wag isipin pa iyon at itunuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral. Huling linggo naman na... Pagkatapos nito, tapos na.

Pagdating ng linggo ay inihatid ako nina Sancho at Niko sa harapan ng UST para mag-exam. Iniabot sa akin ni Niko iyong binili niya na lunch kahit na sinabi ko na ako na lang ang bibili.

"Last Sunday," sabi ni Sancho.

Tumango ako. "Huli na 'to.

"We'll wait for you later, okay?" sabi ni Niko. "If you can't find us, we'll stay at the coffee shop on the other side of the street," pagpapa-tuloy niya sabay turo doon sa coffee shop na tinatambayan nila ni Sancho kapag sinusundo nila ako nung mga naunang linggo ng BAR exam.

Muli akong tumango. "Okay."

Ginulo ni Niko iyong buhok ko. "You got this."

"Salamat," sagot ko habang may tipid na ngiti.

"In a few months, Atty. dela Serna ka na," sabi ni Sancho.

Muli lang akong tipid na ngumiti.

Diretso akong pumasok sa unibersidad. Dumaan muna ako sa simbahan at saka naupo roon ng ilang minuto. Gusto ko lang ng katahimikan. Gusto ko na lang na maging maayos na iyong lahat. Gusto ko na lang na maka-labas na ng kulungan si Vito.

Pagkatapos kong magsabi ng kaunting dasal, dumiretso na ako para hanapin iyong classroom ko. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang magsagot ng exam. Gusto kong magpasalamat dahil karamihan ng mga tanong ay tinanong din sa akin ni Jersey nung nagkita kami.

Pinilit kong ubusin iyong biniling pagkain sa akin ni Niko kahit na pakiramdam ko ay masusuka ako sa kaba. Kahit na nag-aral ako, hindi pa rin maalis iyong kaba.

Sana mabait iyong magcheck ng exam ko.

Sana mabasa niya iyong sulat ko.

Sana pumasa ako.

Sana.

Ang daming sana.

Mabilis na natapos iyong huling exam. Binasa ko pa ulit ng isang beses bago ko ipinasa. Halos ako ang pinaka-unang natapos sa classroom. Ni hindi pa ako nakaka-labas ng building ay rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga tao sa labas.

Parang ang saya-saya nila.

Pero ang hirap maging masaya kapag alam mo sa sarili mo na may ibang nahihirapan.

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon