Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG15 Chapter 15
"Sa tingin mo ba may attendance?"
Tumawa si Mauro. "Pumasok ka na kasi. Sigurado naman na walang recit."
Napa-buntung-hininga ako. "Kaya nga, e. Mas gusto ko sana na umuwi na at matulog," sagot ko sa kanya habang sinasandal iyong ulo ko para pumikit sana sandali. Sobrang daming ginagawa... Sobrang dami... Akala ko sanay na ako, pero may mga araw pala talaga na sobrang dami ng ginagawa na minsan, pakiramdam ko ay nalulunod na ako.
Pagdating namin ni Mauro sa school, nanibago ako dahil ang dami pa ring tao. Kadalasan kasi kapag dumadating ako, wala na halos tao dahil tapos na iyong uwian ng mga college students... Kung meron man ay kakaunti na lang.
"Wow. Parang park lang, ah," kumento ni Mauro nang mapaligiran kami bigla ng mga college students na magka-holding hands. "Damn. Na-miss ko bigla si Achi."
Napa-ngiti ako. "Papuntahin mo dito."
Alangan na natawa si Mauro. "Ayoko nga. Bigla pa namang pumupunta si Papa dito," sabi niya na umakto na parang kinilabutan siya sa takot. Ngumiti na lang ako kahit medyo nalungkot ako. Ang hirap naman ng sitwasyon niya. Sinabi niya sa 'kin na hindi pa alam ng pamilya niya. Mukhang hindi rin alam ng iba niyang kaibigan. Masaya ako na nakakapagsabi siya sa akin para kahit papaano, hindi maipon sa loob niya.
"Bakit naman pumupunta ang Papa mo rito?" tanong ko na lang dahil medyo nawi-weirduhan ako sa dami ng nakaka-salubong namin na tao. Ang ingay din. At halos lahat yata sila ay may hawak na cotton candy.
"I don't know... Maybe chine-check niya kung puma-pasok pa ba ako."
"Bakit naman hindi ka papasok?"
"Ewan ko nga, e," sagot niya. "Interesado naman talaga akong maging abogado..." pagpapa-tuloy niya bago huminto nang saglit. "Di lang ako interesado siguro pumasok sa NBI pagka-graduate ko."
"Sa NBI?"
Tumango siya. "Yeah... Usually kasi 'dun mga accountant graduates at mga lawyer," sagot niya at saka kinwentuhan ako sa mga ginagawang trabaho ng tatay niya. Ang galing. Hindi ko alam na pwede pala roon.
Pagdating namin sa classroom, tama nga ang hinala namin. Walang klase. Puno ng dekorasyon iyong classroom. Nakaka-bilib iyong determinasyon ng mga kaklase ko. Hindi talaga makakapagklase si Atty kahit gustuhin niya dahil pinuno nila ng bulaklak iyong lamesa at may naka-palibot pa na Christmas lights ba 'yun?
Sabagay. Dapat na rin siguro akong magpasalamat. Hindi ko na rin kayang sumagot sa recitation ngayon. Pagod na ako.
"Hey, Asia," bati ni Niko sa akin. Tumango si Sancho. Tinanggal ni Niko iyong bag niya—
"May bag ka na?" nagulat na tanong ko.
Umirap si Niko. "Why do you have to be so surprised?"
"Wala ka kasing bag dati..." seryosong sagot ko sa kanya. "Ballpen lang ang dala mo at saka 'yung clip na tinatawag mong wallet."
"It's called money clip and it's a thing, okay?" paliwanag niya sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naka-clip ang pera niya. Sa Pasko, bibilhan ko ng coin purse si Niko para may lalagyan siya ng pera niya.
Tumango na lang ako. Naupo ako at saka tumabi sa akin si Mauro. Tatanungin ko sana siya kung okay lang na dito kami maupo dahil nabanggit niya sa akin noon na medyo naiilang siya kina Vito...
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...