Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG42 Chapter 42
"Nababaliw ka na ba?"
"Maybe. I don't know."
"Bakit mo 'yun ginawa?"
Hindi siya agad sumagot. Sumandal siya at saka huminga nang malalim. Saglit na ipinikit niya ang mga mata niya bago idilat iyon at direktang tumingin sa akin.
"There are lots of claims, but we're verifying them to make sure that they're telling the truth."
"Ilan?"
"I don't know—hundreds."
"Hundreds?"
"Yeah... apparently, money's a really great motivator."
Kung makapagsalita siya, akala mo hindi 10 milyon ang sinabi niyang ibibigay niya sa sinuman ang lalapit at magsasabi na inabuso sila ni Atty. Villamontes.
"Nababaliw ka na nga yata talaga kagaya ng sinabi ni Shanelle."
Agad na kumunot ang noo niya. "Shanelle?"
Tumango ako. Hindi ko sinabi sa kanya na sinabi sa akin ni Shanelle na wala na sila. Siguro nga matagal ko nang alam, pero mas pinili kong 'wag pansinin. Kasi dati, iba ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.
Pero ngayon, siya na ang nasa harapan ko.
Pero paano kung makulong ako?
Paano kung nandito ako at nasa labas siya?
Hindi patas—para sa kanya, para sa akin.
Makaka-hanap din siya ng iba.
Hindi siguro talaga.
"What did she say?"
"Wala."
"Assia."
"Vito."
Bahagya siyang natawa. "You're in a good mood, huh?"
Umiling ako. "Nababaliw na rin yata ako," sabi ko ng naka-ngiti.
Tumitig siya sa akin.
Tapos ay sa kamay ko.
Parang gusto niyang abutin.
Kinuha ko iyon at ipinatong sa mga binti ko. Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko. Masama ba ako? Pero mas ayoko na umasa siya... kasi paano kung makulong ako? Hihintayin niya lang ako? Ng 12 taon? Masyadong matagal para hintayin niya ako. Ayoko na itigil niya iyong buhay niya para sa akin.
"There are hundreds of people calling every day, Assia. At least one of them will pan out. You just have to trust."
Huminga ako nang malalim at saka tumango. "Pero kapag wala..." Huminto ako at tumingin sa kanya. "Pwede ka bang mangako?"
"It depends," seryosong sagot niya.
"Please?"
Umiling siya. "I know where this is heading and the answer is no."
Inabot ko iyong kamay niya na naka-patong sa lamesa. "Sasabihin ko lang naman na kapag wala kayong nakuha na witness... Vito, bitiw na. Tama na. Baka ganito talaga iyong katapusan."
Ramdam ko na babawiin niya iyong kamay niya, pero hinigpitan ko iyong hawak. Sana makinig siya. Kasi pinapa-hirapan niya lang iyong sarili niya sa ginagawa niya. Alam ko kahit walang nagsasabi sa akin na naiipit na rin si Vito sa pamilya niya—kasi sino ba naman ang matutuwa na makita mo ang anak mo na tinatapon lahat ng pinaghirapan niya para sa isang babae na hindi masuklian lahat ng ginagawa para sa kanya?
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...