Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG18 Chapter 18
Hindi ko alam kung blessing in disguise ba na matatawag iyong nangyari na nag-announce na walang pasok ng isang linggo pagkatapos iyong foundation week. Isang linggo ko nang hindi nakikita sina Vito. Pero tapos na iyong isang linggo ko. May pasok na ulit mamaya.
"Absent ka na lang," sabi ni Mauro sa akin.
"Puro ka absent."
Humalakhak siya. "Itsura mo kasi parang mamamatay ka kapag pumasok ka, e."
Napa-buntung-hininga na naman ako. Paano kaya ako papasok mamaya? Hindi rin kasi ako nakapagreply kay Vito nang magtext siya sa akin na nagsosorry kung anuman daw ang nasabi o nagawa niya nung lasing siya kasi wala raw talaga siyang maalala.
Wala naman siyang kasalanan.
Tama rin naman si Niko.
"Salamat po, Atty. Marroquin."
"No problem," sabi sa akin ng boyfriend ni Mauro bago kami bumaba sa sasakyan niya. Ang layo pa ng lalakarin namin. Ayaw kasi ni Mauro na magpa-hatid sa mismong harap ng school dahil baka raw nandun iyong tatay niya. Okay lang din naman sa akin. Ayoko pa rin namang pumunta sa school.
"Achilles kasi itawag mo. Ang weird kapag Atty. Marroquin."
"E iyon naman talaga siya..." sagot ko.
"I know. Weird lang. Ang pormal."
"E lawyer naman na talaga siya."
"Oo nga."
"E ano'ng problema sa pagtawag ko—"
"Aba, nagiging pilosopo ka na," sabi ni Mauro.
"Nagtatanong lang," sagot ko. "Hindi naman kami close para tawagin ko siya—"
Pero natigilan ako nang makita ko iyong sasakyan ni Vito na papasok ng school. Napa-tingin sa akin si Mauro.
"Ano? Absent ka na?"
Napa-buntung-hininga ako. "Hindi ako aabsent," sagot ko. Pumunta ako sa Maynila para mag-aral, para makapagtapos, para maging abogado. Kailangan kong magfocus. May pamilya ako sa probinsya na nagpapaka-hirap magtrabaho para lang mapadalhan ako ng pera dito sa Maynila. Sila Nanay at Tatay na naniniwala sa akin na magiging abogado ako.
Nang naka-tayo kami sa harap ng elevator, bigla akong napa-tingin kay Mauro.
"Ano'ng sasabihin ko sa kanya mamaya?"
"Hi? Hello?" Napa-buntung-hininga ako. "Wag mo nang isipin masyado, Assia," sabi ni Mauro habang ginugulo iyong buhok ko. "Mag-aral ka na lang."
Iyon naman talaga ang plano ko...
"Paano ba iyong sinabi sa akin ni Niko na limit? Tama ba iyong hindi ko siya nireplyan nung nagtext siya?" tanong ko. Hindi naman sa may gusto sa akin si Vito... Hindi ko lang din kasi alam kung ano iyong sinasabi ni Niko... Baka naguguluhan nga si Vito. Hindi ko alam. Ayoko ring magtanong.
"Kung paano mo tratuhin si Niko, si Sancho, ako, ganon lang."
"Bakit? Iba ba kay Vito?"
"Yeah."
"Paanong iba?" Nagkibit-balikat siya. Sabay kaming pumasok sa loob ng elevator. Humarap ako sa kanya. "Paanong iba?" ulit ko.
"I don't know. Mas close lang kayo talaga. Pati iyong kapag suma-sagot iyong isa sa inyo sa recit, pagkatapos nun, nagtha-thumbs up kayo sa isa't-isa habang naka-ngiti."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...