Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG48 Chapter 48
"Ano po 'to?" tanong ko kay Tatay nang may iabot siya sa aking plastic. Naglilista ako ng mga ipapa-bili ko kina Alec sa bayan para sa ibabaon namin kapag lumuwas kami sa Maynila. Mahaba kasi iyong byahe kaya kailangan naming magbaon ng pagkain... Mabuti nga iyon at mauupo lang kami. Nabibilib talaga ako kay Vito tuwing pumu-punta siya rito na akala mo ay malapit lang.
"Ayos lang kahit hindi mo gamitin," sagot ni Tatay. Kumunot ang noo ko. Binitiwan ko iyong hawak ko na ballpen at saka tinignan kung ano ba iyong laman nung binigay niya sa akin. Napa-awang iyong labi ko nang makita ko na isa iyong kulay pink na dress na mayroong maliliit na strawberry na design.
Napa-tingin ako sa kanya.
"Hindi ko alam kung ano ba ang sinu-suot sa oathtaking mo. Kung hindi iyan pwede—"
"Isusuot ko po."
"Ayos lang ba na isuot mo?" nag-aalalang tanong niya. Agad akong tumango. "Kasi kung hindi, pwede pa naman akong bumalik sa bayan para ibili ka ng ibang damit."
Agad akong umiling at saka ngumiti sa kanya. "Salamat po, Tay," sabi ko. Simpleng tumango lang si Tatay. Alam ko na hindi siya sanay sa ganito... mas lalong tahimik siya nung buhay pa si Nanay... pero ramdam na ramdam ko ngayon kung gaano niya sinusubukan na maging mas malapit sa aming magkakapatid...
Nang maka-alis si Tatay ay agad kong nilabhan iyong damit. Nang matapos ako at isasampay ko na sana ay nakita ko na tuma-tawag si Vito. Ibinaba ko iyong palanggana at sinagot iyon.
"Hi," agad na sabi niya.
"Hi," sagot ko. "Kumain ka na ba?"
"Yes," sagot niya. Sa dami ng ginagawa niya ay nalilimutan niyang kumain kaya lagi ko siyang tine-text na kumain siya. "What time will you arrive? I'll pick you up from the station."
"Gabi kami aalis kaya baka mga alas-otso."
"Okay. Text me when you're in NLEX?"
"Okay."
"Does your dad want any food so that I can prepare?" tanong niya. Sabi ko kasi ay sa mismong araw na kami ng oathtaking pupunta, pero sabi ni Vito ay mapapagod ako sa byahe. Sabi niya ay dumating kami sa Maynila sa araw bago ang oathtaking at doon na lang kami sa condo niya matulog. Ayoko sana dahil nakaka-hiya kaya lang ay naisip ko na tama rin siya... Sobrang haba ng byahe... At saka gusto ko rin sana ng oras para mapuntahan ko sila Niko at Sancho.
"Hindi na. May baon kami."
"You sure?"
"Sure."
Narinig ko iyong pagtawa niya. "How about you? Do you want any food?" tanong niya. Kahit sa boses niya lang ay ramdam kong naka-ngiti siya kaya naman napa-ngiti rin ako.
"Wala naman... pero kumain ka na nga?"
"Yes. I sent you a picture of my food."
"Hindi pa ako nakakapagbukas ng messenger," sabi ko sa kanya. Ang tagal ko nang walang kahit anong account online dahil ayoko na makita ako ng mga tao... pero naisip ko na kailangan ko rin iyon para maka-usap ko iyong ibang mga kaibigan ko. Kaya naman gumawa ako ng bago pero kaunti lang ang nakaka-alam.
"When you get your first salary, can you buy my phone for like a thousand so we can FaceTime?"
"Ibibigay ko kay Tatay iyong unang sahod ko."
"Then buy my phone for a hundred."
"May cellphone naman ako."
"Yeah, but we can't FaceTime."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...