Chapter 04

233K 11.2K 8.7K
                                    

#DTG04 Chapter 04

Tulala ako habang nag-iisip kung saan ako kukuha ng pambayad doon sa libro na ni-require sa amin na bilhin. Late na kasi natapos iyong klase kahapon at sarado na iyong library... Tapos nung pagdating ko naman kanina sa school, sobrang na-late ako dahil may banggaan kaya sobrang traffic. Pagdating ko sa library, wala na iyong libro... Dalawa lang pala kasing kopya iyong meron tapos nahiram na.

"Haaay..."

"Why?"

Agad akong napa-tingin kay Vito na nasa tabi ko. Maaga pa rin siyang pumapasok at pagdating ko sa library, may naka-save na na upuan para sa akin. Bilang kapalit, pinapa-hiram ko siya ng notes ko... Pakiramdam ko naman hindi niya na kailangan kasi nag-aaral naman siyang mabuti. Si Nikolai talaga ang mas may kailangan ng notes ko.

"Wala," sabi ko tapos ngumiti.

Makiki-usap na lang siguro ako kina Nanay na padalhan nila ako ng extra na pera. Kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho. Ayokong mamroblema ng ganito tuwing may kailangan sa school.

Bahagyang kumunot ang noo ni Vito. Ngumiti lang ako tapos bumalik na ako sa pag-aaral. Tahimik lang akong nag-aral hanggang sa oras na para kumain ng tanghalian.

"Salamat," sabi ko nang maglagay siya ng platito na may lamang cake sa lamesa. Hati kami sa bayad. Pero halos hindi naman siya kumakain kaya ako rin talaga iyong umuubos ng cake. Ayaw niya naman kasing kumain kahit pilitin ko.

"Hello, dear friends," sabi ni Niko nang dumating siya. Tuwing lunch na siya nagpapa-kita. Late daw kasi siyang natutulog kaya kaka-gising niya lang. Si Sancho naman, dadating lang kapag magsisimula na iyong klase.

"Nag-aral ka ba? May quiz daw tayo mamaya," paalala ko sa kanya dahil nung isang beses na nagquiz kami, nagpanic siya dahil hindi niya alam na meron. Hindi kasi siya nagbabasa ng message sa groupchat.

"Yes, my dear Assia," sagot niya sabay tingin sa cake ko. "Is that ube cake?"

Tumango ako at nilapit sa kanya iyong platito para maka-kuha siya. Pero bago pa man maka-lapit kay Niko iyong platito, inurong pabalik sa akin iyon ni Vito.

"Buy your own."

"Asshole," sabi ni Niko. Natawa ako. Ngumisi siya sa akin. "I'll just get food. I'll be back," sabi niya pagkatapos ay tumayo at umikot sa cafeteria para maghanap ng kakainin niya.

Habang kumakain kami, naramdaman ko iyong pagba-vibrate ng cellphone ko. Agad kong tinignan iyon. Importante kasi iyong mga message sa group chat kasi doon nilalagay iyong mga pinapa-sabi ng professor.

"Hala..." sabi ko nang makita ko na required pala kami na dalhin mamaya iyong mismong libro. Si Atty kasi iyong author nung libro kaya pinapa-bili niya talaga kami.

"What?" tanong ni Vito.

Hindi agad ako naka-sagot. Kinuha niya iyong cellphone niya at tinignan niya rin iyong sa groupchat.

"What's the problem?" tanong niya ulit.

"Sa tingin mo ba magagalit si Atty kung ipapa-photocopy—" tanong ko tapos natigilan ako. Malamang magagalit siya... Intellectual property niya iyon, e... Tapos ipapa-photocopy ko? E 'di parang ninakaw ko na rin...

"The book?" tanong ni Vito.

"Magkano nga ulit?" tanong ko sa kanya. May extra pa naman akong pera... pero nirereserve ko kasi iyon sa mga sobrang emergency talaga... Pero siguro ito na iyong 'emergency.' Ayoko naman masigawan mamaya para rito... Mukha pa namang nakaka-takot si Atty...

"Do you need the book?" tanong niya.

"Oo, e. Bibili na lang ako pagkatapos kumain," sabi ko. Buti na lang may sariling bookstore dito sa loob ng Brent. Hindi ko na problema na lalabas pa ako para bumili ng libro. "Magkano nga 'yung libro?"

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon