Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG49 Chapter 49
Pare-pareho kaming tulala ng mga kapatid ko nang maka-pasok kami sa 'kubo' ni Vito. Nung isang araw pa siya lumipat dito, pero hindi niya ako pinapa-punta hanggang hindi pa natatapos iyong 'bahay' niya. Doon lang kami lagi naka-tambay sa labas ng bahay namin. Nag-uusap lang kami mula hapon hanggang sa dumilim at tawagin na ako para kumain ng hapunan. Pero sa amin din naman kumakain si Vito ng hapunan kaya pagkatapos nun ay lalabas ulit kami para... mag-usap.
Pero ngayon na naka-tayo na ako sa loob ng bahay ni Vito, hindi ko alam kung tama ba na sabihin na kubo siya...
"Welcome to my house," masayang sabi ni Vito sa amin habang naka-tayo kami nila Aaron at Alec sa loob ng bahay niya. Tumingin ako sa paligid. Mayroong flatscreen TV, sofa, maliit na dining table, recliner, ref, at kung anu-ano pang appliance. Parang dinala niya lang dito iyong condo niya.
"Ano iyong nasa bubong?"
"Solar panel," sagot niya. Napa-awang ang labi ko. "Trying to be environmental."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pati iyong mga kapatid ko ay ginulo na si Vito tungkol sa mga gamit niya.
Grabe... kahit nga yata dalhin mo sa bukid si Vito ay madadala niya iyong pagiging city boy niya.
"So, what do you think?" tanong ni Vito nang umalis sila Aaron at Alec dahil kailangan na nilang magluto ng hapunan. Dati ay ako ang nagluluto, pero ngayon na may trabaho na ako, sila na ulit ang bahala roon.
"Ang dami mong gamit."
"Well, I need these things."
"May microwave ka pa e pwede mo namang initin sa kalan," sabi ko sa kanya. Napa-awang na naman ang labi ko nang makita ko sa malapitan na iyong kalan niya ay iyong glass-top stove na gaya nung nasa condo niya sa Maynila.
"Well, in defense of microwave, I can heat my food in a minute."
"May coffee maker ka rin."
"It's a part of my life."
"Pwede ka namang mag-init ng tubig."
"You love strawberry cake—I love my coffee. There are things we just have to accept, Assia," sabi niya kaya hindi ko napigilan na matawa dahil parang seryoso siya sa pagdepensa sa kape niya. "Besides, when we get married, I'll use that very same coffee maker to make you coffee every morning, okay?"
"Kapag kinasal tayo?"
Tumango siya. "Yeah. Next year or next, next year," sabi niya at saka lumapit sa akin at hinawakan iyong mga kamay ko. "What kind of wedding do you want us to have?" tanong niya habang pinagsasalop ang mga daliri namin.
"Simple lang. Basta nandito iyong pamilya ko, mga kaibigan natin, iyong pamilya mo..."
Nakita ko iyong mabilis na pagbabago ng itsura niya. Hindi pa rin sila maayos ng pamilya niya. Parang ang hirap magpakasal kapag ganito...
"Ayaw ba nila sa akin?" tanong ko.
"Doesn't matter what they want—it's my life."
"Vito—"
Mabilis siyang umiling. Hawak pa rin niya ang mga kamay ko. "No," sabi niya. "I already told them that I have every intention of marrying you. If they can't accept that, then it's too bad... but I really won't let what they want interfere with what I want," dugtong niya habang direktang naka-tingin sa mga mata ko. "And I want a life with you, Assia—you and I, okay? Just you and I and to hell with what other people think."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...