#DTG07 Chapter 07
Para akong bata na nahuling kumukuha ng kendi. Hindi ako naka-galaw nang makita kong pareho silang dalawa ni Niko na naka-tingin sa akin. Alangan na lang akong ngumiti... kasi ano naman ang itatanong ko? Pakiramdam ko kasi ayaw namang pag-usapan ni Vito... Kasi kung gusto niyang pag-usapan, sasabihin niya naman siguro... Kahit nga nung pinuntahan ko siya kanina sa condo niya, wala naman siyang binanggit.
"Oh, thanks," sabi niya nang kinuha niya mula sa akin iyong gamit niya. "You wanna go to the room first? I'll just swing by the clinic," pagpapatuloy niya na para lang wala na kalat na iyong dugo sa benda sa kamay niya.
Marahan akong tumango. Ano naman ang sasabihin ko? Pinanood ko na lang silang dalawang maglakad palayo.
Kinuha ko iyong mga gamit ko. Dumiretso ako sa classroom. Pagdating ko roon, nagtaka ako dahil nandun si Sancho. Madalas kasi kapag malapit ng magsimula iyong klase at saka siya magpapakita, e.
Gusto ko sanang maghi kaya lang merong headphones siya na suot tapos parang seryoso siya sa binabasa niya. Nilagay ko na lang iyong gamit ko sa upuan, pero malikot ata ako kaya naman napa-tingin siya sa akin.
"Saan 'yung dalawang anino mo?" tanong niya.
"Ha?"
"Vito and Niko," sabi niya.
"Ah... Nasa clinic."
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"Di ko alam, e... Dumugo kasi 'yung benda sa palad ni Vito," sabi ko na lang. 'Di ko na sinabi iyong narinig ko kanina kasi hindi naman ako sigurado kung tama ba iyong intindi ko. Sabi nga sa Statcon namin, open for interpretation lahat ng bagay... pero kung malinaw, hindi na open for interpretation... Kaso hindi naman malinaw iyong narinig ko kanina.
Napa-iling si Sancho bigla. Parang alam niya iyong dahilan kung bakit. Hindi na kasi siya nagtanong pa.
"Okay lang naman si Vito, 'di ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ko naman kailangang malaman lahat ng detalye sa buhay niya... Okay na sa akin basta alam ko na okay siya.
"Depende."
"Depende saan?"
"Sa desisyon niya," sabi ni Sancho na nagkibit-balikat tapos biglang tumayo. "Dito ka lang ba?" tanong niya tapos tumango ako. "Pabantay naman ng gamit. Puntahan ko lang sila sa clinic," sabi niya bago naglakad palabas. Grabe... 'Di man lang ako inaya...
Gusto ko ring sumunod sa kanya kaya lang hindi ko naman maiwan iyong gamit niya. Malay ko ba kung ano ang laman ng bag niya. Si Niko lang naman iyong wala talagang kahit ano'ng dala. Cellphone na basag, susi ng sasakyan niya, saka iyong parang money clip niya na puno ng pera at saka credit card. Maswerte na kung may ballpen siya.
Kaysa isipin ko sila nang isipin, nagbasa na lang ako. Kailangan ko na rin kasing mag-advance reading... Baka kasi tawagan na ako para sa trabaho. Alam ko naman na magiging busy na ako kapag nagsimula na akong magtrabaho.
Nagsimula ng dumating iyong mga classmates namin, pero wala pa ring paramdam iyong tatlo. Itetext ko na sana sila nang bumalik na iyong dalawa.
"Nasaan si Vito?" tanong ko.
"Hospital," sagot ni Niko. "He needs stitches."
"Siya lang pumunta mag-isa?" tanong ko. "Di mo sinamahan?"
Tumawa si Niko. "Relax. We brought him to the hospital before we went here," sabi niya. "Will go there after class."
"Pwedeng sumama?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...