Chapter 36

170K 8K 3.6K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG36 Chapter 36

"Don't believe what he said! I don't do magic, ha. Swerte lang talaga sa cases," sabi nung Tali. Hindi ko pa rin maialis iyong tingin ko sa kanya. Madalas ko siyang marinig na pinag-uusapan nila Niko... Sabi nila, ito raw iyong kauna-unahan na nagtop 1 sa Brent...

Kumbaga, legend daw 'to sa school.

Kaso hindi ko nabalitaan.

Dahil nung mga panahon na naging abogado siya ay iyong panahon na nasa Isabela ako at pilit na kinalimutan lahat ng mga masasamang nangyari sa akin sa Maynila.

Pero siguro ganoon talaga ang buhay... minsan may mga nangyayaring hindi maganda... pero naniniwala ako na dadating din iyong panahon para sa mga magagandang bagay.

"When did you get back?" tanong ni Niko.

"Ngayon lang!"

"Where's Lui?"

"He brought my things back to condo. He just dropped me off here. Urgent daw," sabi niya. Naupo siya. Naka-sunod pa rin ang mga mata ko sa kanya.

Siya... iyong maglalabas kay Vito sa kulungan?

Ang ganda niya masyado.

"So... what's up? What can I do to help?"

Tahimik akong nakikinig habang sinasabi ni Shanelle iyong mga importanteng kailangang malaman ni Tali tungkol sa kaso. Habang nagsasalita si Shanelle ay binasa ni Tali iyong minutes nung pre-trial conference. May hawak siyang pencil at may mga bini-bilugan at sinu-sulat doon.

"Magaling talaga siya?" tanong ko kay Sancho nang pumunta siya sa kusina para kumuha ng tubig. Nandun ako kanina pa naka-tayo at pinapa-nood sila.

Kaibigan ko sina Sancho at Niko... pero mas mukhang magkaibigan si Tali at Shanelle. Kaya lumayo na lang ako para bigyan sila ng espasyo.

"Top 1 sa BAR," sagot ni Sancho.

"Iba naman 'yung sa BAR sa mismong practice."

Tumango siya. "Sabagay... pero magaling si Tali. Wala pang talo 'yan na kaso."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?"

Muli siyang tumango. "Maarte kasi 'yan. 'Di tatanggap ng kaso kapag alam niya na 'di mananalo," sabi niya na natawa. "Madaya din, no?"

"Choice niya naman..."

"Pero puro pro-bono din kasi kaso niyan."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Nagtrabaho 'yan sandali sa prosecutor tapos biglang pumasok sa mediation," paliwanag niya. "E nung nagsettle, 1 billion iyong award. Sa kanya napunta iyong 20% nun."

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso?"

Tumango si Sancho. "Laki ng pera sa ADR," sagot niya. "Galing sa Singapore 'yan kaya ngayon lang dumating. May mediation na naman ata. Kaya siya namimili ng kaso niya kasi marami ng pera 'yan."

Ang galing niya naman.

"You two."

Sabay kaming napa-tingin nang marinig namin ang boses ni Niko. Pina-balik niya kaming dalawa roon. Hindi ko na talaga maialis iyong tingin ko kay Tali...

Girlfriend siya ni Lui? Si Lui na puro kalokohan?

"First of all... for all our sake, let's talk in hypothetical terms, okay?" sabi ni Tali. Lahat kami ay tumango. "Unfortunately, I know a lawyer who handled a very similar case, under the Judge Paras din..."

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon