#DTG10 Chapter 10
Statcon ang pinaka-huli naming exam.
Konting gapang na lang, matatapos na rin ang midterms namin.
"Assia," pagtawag sa akin ni Atty. Villamontes.
"Yes po, Sir?"
"After exam mo, balik ka agad rito. May tatapusin pang pleading."
"Okay po," sagot ko. Birthday pa naman ni Niko... Kaya lang sabi ko naman sa kanya na pupunta lang ako kapag free ako, e. Hindi naman ako pwedeng hindi sumunod kay Sir kasi ang considerate na nga niya buong linggo. Halos wala siyang pinapagawa sa akin dahil nga midterms ko.
Pagdating ko sa school, akala ko may time pa ako para mag-explain kay Niko kaya lang ay naka-sabay ko pang maglakad papunta sa room iyong proctor namin. Mabilis lang din na inabot sa akin ni Vito iyong relo niya.
Bago ko buksan ang booklet, huminga ako nang malalim.
Last na 'to... sa ngayon.
Akala ko StatCon na iyong pinaka-madali na exam sa mga subject ko, pero maling-mali pala ako... Grabe! Anong exam ba 'to? Saan kinuha ni Sir iyong mga tanong na 'to? Parang hindi naman na-cover iyong ibang concept dito!
Sinubukan ko talagang sagutan lahat... pero may dalawang tanong na hindi ko talaga alam kung saan nanggaling. Nagdalawang isip pa ako kung maglalagay ako ng sagot kahit hindi ko sigurado kung tama... o iiwan ko na lang na blangko?
Bahala na nga.
Sayang partial points.
Pagkatapos kong mag-imbento ng batas, mabilis akong lumabas. Nagtaxi na ako papunta sa opisina kasi pinagmamadali ako ni Atty. 'Di bale, malapit naman na akong magka-sweldo.
"Nandito na po ako, Sir..." sabi ko kay Atty. Villamontes na seryosong naka-tingin sa binabasa niya. Medyo marami pang tao sa opisina. May malaking issue na naman siguro. Lahat kasi ng legal na problema ng gobyerno, dito bumabagsak, e. Kaya minsan nakaka-stress talaga.
Na-brief ako nung isa pang working student na sa SCA naman nag-aaral. Pagkatapos nun ay nagsimula na akong gumawa ng pleading. May deadline kasi. Pero sana maaga akong matapos para maka-sunod ako kay Niko... Kung hindi naman, sana 'wag siyang masyadong magtampo. Syempre importante din iyong trabaho ko.
"Nice work," sabi ni Atty. Narciso. "Pwede na kayong umuwi. Just see you all tomorrow morning."
Halos mapa-sandal ako sa upuan ko nang marinig ko iyon. 7pm ako naka-rating sa office. Sobrang nagmadali ako pagkatapos ng exam ko... Ni hindi ko nga na-double check, e... Dinaan ko na lang sa dasal.
Tapos ala-una na ngayon.
Kinuha ko iyong cellphone ko. 'Di ko kasi naasikaso kanina sa dami ng ginagawa. Saka nakaka-hiya kung magcecellphone pa ako e ang dami na ngang ginagawa.
'Where are you?'
'Work?'
'Just text me if you still wanna come. I'll pick you up.'
Nakaka-konsensya naman ang mga text ni Vito...
Imbes na itext siya na pupunta ako, pumunta na lang ako sa account ni Niko para malaman kung saang club ba iyang birthday party niya. Nakaka-hiya naman kung magpapa-sundo pa ako.
"Grabe, Niko..." sabi ko nang makita ko kung gaano ka-mahal iyong babayaran ko sa car service para maka-punta sa birthday niya. Inayos ko iyong gamit ko habang hinihintay na dumating iyong sasakyan. Gusto ko na talagang magka-sweldo. Ang hirap naman na kapag ganitong napapa-gastos ako, isang linggong itlog na naman ang kaharap ko.
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...