#DTG01 Chapter 01
"Magpapadala agad kami ng pera sa 'yo kapag nagkaron," sabi ni Nanay sa 'kin. Sumandal ako sa upuan at saka tahimik na tumango kahit 'di naman nila ako nakikita. "Palagi kang magtetext. Gabi ang pasok mo, ano? Magtext ka kapag naka-uwi ka na para hindi kami mag-aalala..."
Panay ang sagot ko ng opo sa lahat ng bilin nila sa 'kin. Alam ko naman na kinakabahan lang sila dahil mag-isa ako rito sa Maynila habang nasa Isabela silang lahat. Pero kailangan kong mag-aral. Hindi pwede na ganoon lang ang buhay namin.
Nang matapos ang tawag namin, nag-ayos na ako ng gamit. Kaunti lang ang dala ko dahil maliit na kwarto lang naman ang naupahan ko. Ang mahalaga, may tutulugan ako. Medyo malayo nga lang sa Brent dahil puro mahal iyong mga tirahan dun... Pero ayos lang. Ang mahalaga, nakakapag-aral ako.
Maaga akong natulog dahil plano ko ay pupunta ako nang maaga sa Brent para mag-aral sa library. Wala kasi akong libro... 'Di ko alam kung makaka-bili agad ako. Gusto ko sanang maghanap ng trabaho dahil ayokong manghingi lang sa pamilya ko... Kahit ba scholar ako, marami pa rin akong gastusin dahil mahal tumira sa Maynila. Kung sa Isabela lang, mamimitas lang ako ng kakainin ko, ayos na ako... Dito, lahat binibili.
Sabi sa akin, required daw na naka-formal attire sa Brent kaya naman namili na ako sa ukay ng isusuot ko... Mabuti na lang mura lang 'dun. Mukha namang maayos iyong suot ko. Naka-itim na slacks ako at puting blouse. May dala rin akong blazer dahil nung unang punta ko sa Brent ay halos mamatay ako sa sobrang lamig.
Naka-dalawang sakay ako ng jeep at saka naglakad pa ako bago ako naka-rating sa Brent. Panay ang paghinto ng sasakyan sa harap para magbaba ng mga estudyante. Panay mayayaman talaga ang nag-aaral dito... Kailangan kong mahanap iyong ibang scholar para naman magkaroon ako ng kaibigan.
Tahimik lang akong naglakad papasok. Medyo wala pang mga estudyante dahil maaga pa. Dumiretso na lang ako sa library. Agad akong napa-ngiti dahil ang ganda talaga rito... Kailangan kong galingan! Dito dapat ako makapagtapos. Alam ko na malayo ang mararating ko basta gagalingan ko lang.
Criminal Law I iyong una kong subject ngayon kaya naman iyon ang kinuha kong libro. Kinuha ko na rin iyong iba na kailangan ko dahil hindi na muna ako bibili ng libro... Nung huling tingin ko kasi e halos dalawang libo kada libro... Ayokong manghingi ng ganoong pera kina Nanay para lang sa libro... Alam ko kasi na sobra iyong hirap nila para magka-pera... 'Di bale, hahanap na lang agad ako ng trabaho.
"Salamat po," sabi ko sa librarian nang matapos siya sa pag-aayos nung mga hihiramin kong libro. Kailangan ko 'tong ibalik kada tatlong linggo. Ayokong magbayad ng penalty.
Habang naglalakad ako, halos matumba na ako dahil sa taas at bigat ng dala kong libro. Dahan-dahan akong naglalakad nang biglang manlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko iyong mga libro na tumama sa paa ko.
"Hala siya!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit! Pakiramdam ko ay nabali iyong buto sa hinliliit ko!
Nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko na ilang hardbound na libro ang tumama roon. Tapos biglang napunta iyong tingin ko sa dalawang lalaki na naka-tayo sa harapan ko. Parang nagtatawanan silang dalawa at biglang napa-tigil dahil sa nangyari.
"Holy shit!" biglang sabi ng isa. "Miss, I'm sorry!" pagpapatuloy niya bago siya lumuhod para kunin iyong mga libro. Iyong isang lalaki naman ay nanlaki ang mga mata habang naka-tingin lang sa akin.
"Are you okay?" tanong nung lalaking kumuha ng libro.
"Does she look okay?" sagot naman nung isang naka-tingin sa akin. "I told you to always look where you're going."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...