Chapter 19

171K 8.5K 2.3K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG19 Chapter 19

"Assia."

Agad akong lumapit sa lamesa ni Atty. Villamontes nang tawagin niya ako. Kakatapos lang ng klase namin. Nakaka-panibago. Si Atty D kasi ay karaniwan ay isang tanong lang at pagkatapos nun ay uupo ka na. Kapag pakiramdam mo tama ang sagot mo, e 'di okay. Kapag hindi, lagot ka kasi wala ka ng tsansa na dagdagan pa ang sagot mo. Kaso kay Atty. Villamontes, maraming follow-up question at puro scenario based ang mga tanong niya. Puro application. Halos ramdam ko na naiiyak na si Niko kanina sa row namin.

"Yes po, Atty?"

"You have my email, right?" tanong niya at tumango ako. "Please send me the syllabus of this class. Also, ask for a class list tapos paki-bigay sa akin before magstart iyong class sa susunod."

Tumunago akong muli. "Okay po. Pero si Giselle po 'yung beadle sa Tax."

Ngumiti si Atty. Villamontes. "Yeah, but ako na iyong prof niyo and you'll be my beadle," sabi niya bago lumabas.

Agad kong kinuha iyong notebook ko at sinulat doon iyong bilin ni Atty. Villamontes dahil baka maka-limutan ko. Ngayon lang kasi ako magiging beadle. Masyado akong busy dati para maging beadle. Saka natatakot ako kasi sila iyong kumakausap sa professor kapag may kailangang sabihin o kaya manghihingi ng ceasefire... Ayoko pa namang masigawan...

Pero wala na akong choice ngayon.

Hindi naman siguro ako sisigawan ni Atty. Villamontes.

Pagkatapos kong isulat iyong bilin sa akin ay nag-aral na ako para sa Wills. Hindi ko sigurado kung papasok si Atty o kung magpapadala lang siya ng tao para mag-administer ng quiz. Tahimik lang kaming lahat sa classroom habang nagbabasa.

Maya-maya pa ay may dumating na lalaki. Automatic na kaming naglabas ng yellow paper at inilagay sa harapan iyong mga bag namin. Tahimik kaming nagsagot ng quiz. Sana naman ay ibalik nila kahit iyong quiz lang. Ang hirap naman nito na puro quiz lang kami... Paano ko malalaman kung tama pa ba iyong natututunan ko? Mamaya puro mali pala ang alam ko.

Naunang matapos si Niko sa quiz namin. Sumunod si Sancho. Tapos ay ako na. Pagdating ko sa labas, nakita ko si Niko na naka-upo sa sahig habang may sinusulat. Agad akong lumapit sa kanya.

"Ano 'yan?"

"Digest."

"Pero sinagutan mo naman nang maayos iyong quiz?" tanong ko dahil ang aga niyang natapos. Kadalasan ay si Sancho o Vito ang nauuna sa aming matapos.

"Yeah," sagot niya habang palipat-lipat ang tingin sa cellphone niya at sa sinusulat niya. "Are you done with yours?"

"Oo."

"What?! How?!"

"Sinusulat ko tuwing Sunday saka nagsusulat ako ng 3 kada gabi."

"How—"

"Yung boses mo. May nagku-quiz pa sa loob," sabi ko dahil parang na-offend siya nang malaman niya na tapos na ako sa digest namin sa CivPro. Nung unang araw pa lang kasi ng klase ay sinabihan na kami ni Sir na may 300 kaming kailangang i-digest. Ayoko na siyang isipin pa kaya ginawa ko na agad.

"I just—fuck. The exam's next, next week already, and I'm not even half-way done," sabi niya habang problemado ang mukha.

"Kaya mo 'yan," sabi ko na lang habang tinatapik iyong balikat niya. "Parang review na rin 'yan ng concepts."

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon