Chapter 08

230K 9.7K 5.9K
                                    

#DTG08 Chapter 08

"Oh, you're alive."

Napa-simangot ako sa sinabi ni Niko nang pumasok ako sa classroom. Kaka-tanggap ko pa lang kasi sa trabaho. Nag-iba na iyong schedule ko. Hindi na ako nakaka-sama sa kanilang mag-aral. Dumadating ako sa school nang halos magsisimula na iyong klase. Pareho na kami ni Sancho, ah. Pero minsan nale-late din ako... Ang dami kasi talagang pinapagawa sa trabaho.

"Salamat," sabi ko kay Vito nang may makita akong slice ng cake sa desk ng upuan ko. Lagi akong may libreng cake sa kanya. Sabi ko naman na wala lang iyong pagsulat ko ng digest niya, e. Lima lang naman 'yun.

"Midterms' next week. Are you able to study?"

"Nakakapag-aral naman ako kapag lunch..." sabi ko na lang pero sa totoo lang, sobrang sandali lang ng lunch break ko dahil sa dami ng pinapagawa sa akin. Minsan pa ako iyong nagfa-file talaga ng pleadings. "Saka wala naman akong pasok sa weekend. Makakapag-aral ako."

Tumango lang si Vito sa akin. Dumating na agad iyong professor namin. Huminga ako nang malalim. Hindi ako sanay na pumapasok ng hindi nakakapagbasa. Kahit pa sabihin na naaral ko naman kagabi bago ako matulog, iba pa rin kapag nabasa mo bago magsimula iyong klase.

Habang nag-aayos ng gamit si Atty, nagdasal ako na sana ay hindi ako matawag. Balak ko sana na mag-aral habang nasa jeep kaya lang ay may nag-away na pasahero kaya hindi ako makapagconcentrate. Sana talaga hindi ako matawag. Hindi ko alam kung makaka-sagot ba ako nang maayos.

"Bring out a sheet of paper."

Hala.

Quiz? Hindi ako masyadong aral!

"Are you okay?" bulong ni Vito sa akin.

"H-Ha? Oo," sagot ko habang kinuha iyong bag ko... tapos na-realize na naiwan ko sa boarding house iyong papel ko. Ano ba 'yan. Nagiging makalat na rin ako.

"Here," sabi ni Vito sabay bigay sa akin ng ilang sheet ng yellow paper. Nagpasalamat ako. Huminga ulit ako nang malalim nang makuha ko iyong questionnaire. Alam ko naman iyong iba... pero may dalawang tanong na hindi ko masyadong maalala, pero sigurado ako na nabasa ko iyon.

Nakaka-inis.

Nakaka-inis.

"Bakit?" mahinang sagot ko nang kalabitin ako ni Vito. Nilapit niya iyong papel sa akin. Kumunot ang noo ko. Napa-tingin ako kay Atty na nagcecellphone sa harapan. Mabilis akong umiling. Ayokong mangopya.

Tinakpan ko iyong mukha ko ng kamay ko at saka huminga nang malalim. Alam ko 'to, e. Nabasa ko 'to. Kailangan ko lang tandaan.

"What's with the frowny face?" tanong ni Niko nang idismiss na kami. Sobrang sama ng loob ko. Hindi kasi pumapasok si Atty sa Persons tapos bigla niyang sasabihin kanina na kalahati ng recit namin ngayong midterms ay iyong quiz kanina. Tapos hindi ko naman nasagutan nang maayos iyong dalawa.

Dapat ba nangopya na ako kay Vito?

Pero ayoko.

Kapag nangopya ako sa quiz, sa susunod mangongopya na ako sa exam... Tapos saan na susunod? Ayoko nun.

Babawi na lang ako sa susunod. Mag-aaral ako sa jeep kahit magsuntukan pa sila sa harap ko.

"You want ice cream?" tanong ni Vito. Nauna na kasing maglakad sina Niko at Sancho dahil 'di ko pinansin iyong tanong kanina ni Niko. Wala ako sa mood na pag-usapan iyong quiz namin na kalahati pala ng recit namin... Nakaka-sama talaga ng loob... Sana alam ko na ganoon pala kalaki computation nun sa grade ko.

"Okay pero sandali lang kasi mag-aaral pa ako..." sabi ko sa kanya. Naka-sunod lang ako kay Vito habang naglalakad siya. Napunta kami sa isang convenience store.

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon