Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG46 Chapter 46
"Ah... Ganon ba?"
Mabilis na kumunot ang noo niya; umawang ang labi. Alam ko na gusto niyang tanungin kung bakit ganito lang ang reaksyon ko. Alam ko na dapat excited ako... ilang taon kong hinintay na maging abogado ako...
Pero para kasing nawalan ng saysay.
Hindi ko alam kung sino pa ang tutulungan ko kung lahat sila ay ganito na ang tingin sa akin.
"Is there anything wrong?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala naman. Hindi lang ako ganoon ka-excited. Nagulat din ako," sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang muli kong marinig ang pagtawag sa akin ni Alec. Tumalikod ako para humarap sa kanya at nakita ko na natigilan siya nang makita niya si Vito. Agad din siyang naglakad pabalik sa bahay. Nito ko lang nalaman na malapit pala kahit papaano si Vito sa pamilya ko dahil madalas siyang pumu-punta rito nung naka-kulong pa ako. Sinabi rin ni Tatay sa akin na si Vito iyong tumulong sa kanila para makapagsimula ulit sa pagtatanim.
Walang sinabi sa akin si Vito—kung hindi pa sinabi nila Tatay ay hindi ko pa malalaman.
"Kamusta ka? Tapos na ba iyong sa hearing?" pag-iiba ko ng usapan. Hindi na ako masyadong nanonood ng TV dahil palagi ko lang nakikita iyong mukha ni Atty. Villamontes. Gusto ko nang mawala siya sa isipan ko. Pero kahit na ganoon, nakikinig pa rin ako tuwing tuma-tawag si Vito kasi gusto kong malaman niya na may taong laging handang makinig sa kanya.
"I've given my statement—Tali's doing all the job," sabi niya.
"Si Tali..." Tumingin ako kay Vito. "Magiging maayos naman siya, 'di ba?"
Maraming magagaling na abogado.
Maraming matatalinong abogado.
Pero kakaunti lang iyong may puso.
"She's fine... at least physically," simpleng sagot niya.
"May nangyari ba sa kanya?"
"She's just been never the same since—" sabi niya at saka saglit na natigilan. Kitang-kita ko pa rin sa mukha ni Vito iyong hirap at pagka-guilty sa nangyari. "But she's fine. I think. Lui's always with her."
Tumango ako. "Sila... Niko? Sancho?"
Sabay kaming naglakad ni Vito. Hindi ko rin alam kung saan kami papunta. Basta ay naglalakad lang kaming dalawa sa gilid ng bukirin. Sariwa iyong hangin. Walang masyadong ingay. Mas gusto ko rito... kaya lang ay masyadong mapanghusga iyong mga tao.
Sandali lang akong nakulong kung tutuusin at napa-laya ako, pero ganito na iyong trato nila sa akin... paano pa sa iba? Iyong mga nahatulan talaga? Wala na ba silang karapatang magkaroon ng bagong buhay? Kasi iyon ang sinabi sa amin dati—na ang dahilan kung bakit kinu-kulong ang isang tao ay para pagbayaran niya iyong kasalanan niya at magbago siya.
Pero paano kung parang mantsa na siyang naka-ukit sa balat mo?
Iyon ka na lang? Ex-convict? Walang karapatang magbago?
"Niko's with Jersey so he's fine," sabi niya.
"Si Sancho?"
"He's spiraling." Napaawang ang labi ko. "There are things going on with him and it's not my story to tell... but you should maybe talk to him. He listens to you."
Agad akong naka-ramdam ng pagsisisi dahil hindi ko masyadong nakaka-usap si Sancho... Nandyan siya nung mga panahon na kailangan ko siya... Hindi ko lang akalain na ganito pala kabigat ang pinagdadaanan niya... Lagi lang kasi siyang tahimik... Tatawa kapag pinagti-tripan nila ni Vito si Niko...
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...