#DTG02 Chapter 02
Malungkot akong dumating sa library. Inagahan ko naman ang alis... pero mahirap talaga maglakad dahil masakit pa rin iyong paa ko tapos ang dami ko pang lilipatan na sakayan... Tapos medyo malayo pa iyong lalakarin ko bago ako maka-rating sa mismong gate ng Brent... Tapos malayo pa iyong building mismo ng College of Law mula sa gate...
Bitbit ang bag ko, pumasok pa rin ako sa loob ng library... Baka naman kasi may bakanteng lamesa kahit isa lang. Mas gusto ko kasi rito sa library mag-aral dahil tahimik at saka may aircon.
Bagsak ang balikat ko nang mapagtanto ko na wala talagang bakante. Grabe kahit medyo maaga pa naman, ganito na ka-puno ang library? Mukhang mas kailangan kong agahan sa susunod. Kaya lang nakaka-takot naman lumabas nang maaga... Marami pa namang tambay sa tinitirhan ko...
"Hi."
Agad akong napa-angat nang tingin nang may humintong lalaki sa harapan ko. Napilitan akong ngumiti dahil ayoko namang maging bastos. Sabi niya classmates daw kami... Ibig sabihin, madalas kaming magkikita. Ayokong magka-problema sa kanya.
"Hello," bati ko bago tumalikod. Sa labas na nga lang ako mag-aaral... Parang may naaalala akong mga upuan doon sa likod ng building. Tahimik naman siguro doon at makakapag-aral ako.
"I have a vacant spot beside me," sabi niya bigla.
"Ay, hindi na po."
Naiisip ko pa lang iyong girlfriend niya, sumasakit na agad ang ulo ko...
"Ano nga pala..." sabi ko at saka huminga nang malalim. "Nung umalis ka kasi nung isang araw, may tawag nang tawag sa 'yo... Akala ko emergency kaya sinagot ko... Pasensya na kung nag-away man kayo ng girlfriend mo... Hindi ko intensyon..."
Ayoko talaga ng may kaaway.
Ayoko rin ng nagsisinungaling.
Problema ko na nga kung paano ako mabubuhay dito sa Maynila mag-isa, ayoko ng dagdagan pa ng mga ganong bagay. Mas iniisip ko pa kung may paraan ba para maka-graduate ako nang maaga kasi gusto ko na talaga maging abogado para maka-uwi na ako sa amin at matulungan ko iyong mga kababayan ko.
"Yeah, I know. Don't worry about it," kaswal niyang sabi.
"Baka nag-away kayo."
"It's fine."
Ang weird naman... Sina Nanay nga kapag nag-aaway sila ni Tatay pakiramdam ko mabibingi ako, e. Minsan, naiyak na lang ako nung nagsisigawan sila. Ayoko ng nag-aaway sila. Tapos siya, parang okay lang sa kanya na sinisigawan siya ng girlfriend niya?
Tama nga si Nanay...
Kakaiba ang mga tao sa lugar na 'to.
"Ah, okay..."
Tumalikod na ako, pero nabigla ako nang hawakan niya iyong hawakan sa itaas ng bag ko kaya naman napa-atras ako ulit.
"There's a vacant spot beside me," sabi niya.
"Di naman ako bingi. Narinig ko kanina."
"Then why are you still leaving?"
Nagbuntung-hininga ako. "Di ako tiga-Maynila, Sir..." sabi ko. Alam ko naman na mayaman siya. Maliwanag naman sa akin na scholar ako sa school na 'to. "Nandito lang ako para mag-aral. Ayoko po ng gulo."
"I'm asking you to sit beside me... What 'gulo' are you talking about?"
Para akong naka-drugs kapag kausap ko ang taong 'to... Kinakausap ko siya ng Tagalog, pero parang intinding-intindi niya lahat... Matatakot siguro ako kapag nagsalita siya ng Tagalog... Isipin mo, blue eyes tapos dirty blonde iyong buhok pero ang lakas magsalita ng Tagalog...
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...