Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG13 Chapter 13
Medyo naka-adjust na ako sa bagong schedule ko. Hindi na ako kasing pagod kumpara nung nagsisimula pa lang ako. Hindi na rin ako naiiyak habang naka-sakay sa jeep dahil sa dami ng ginagawa—hindi ko alam tuloy minsan kung naka-adjust na ba ako o wala na akong maramdaman. Pero may sweldo na ako—iyon ang mahalaga. Nakaka-tuwa pa na nakapagpadala ako kila Nanay kahit papaano. Sobrang natuwa ako nung nagsend sila ng picture sa akin na kumain sila ng mga kapatid ko sa SM. Maliit na bagay lang siguro sa iba pero sobrang laking bagay nun sa akin. 'Di bale, kapag naka-ipon pa ako, pangako ko na magbabakasyon kami.
"Do you think Sir will notice if I switch seats with Mauro?" tanong ni Niko. Alphabetical kasi iyong arrangement namin sa isang subject kaya hindi kami magkakatabi kapag Oblicon.
"Oo. Sabi ni Sir 'di ba hindi siya matandain sa pangalan pero matandain siya sa mukha?"
"I'll miss your notes."
Natawa ako. "Matuto ka ng magsulat."
Nasa first row si Sancho habang second row kami ni Niko. Si Vito naman ay nasa last row na. Halos araw-araw pa naman ay may Oblicon kami kasi 5 units siya. Tapos ay CrimLaw II iyong subject bago ang Obli. Sobrang aga pumasok ni Ma'am kaya iyong arrangement namin sa Obli ay iyon na rin ang pwesto namin kapag Crim. Hindi ko na nga sila nakikita tuwing umaga dahil sa trabaho tapos hindi na rin kami magkatabi.
"Nagdinner na ba kayo?"
Napa-taas ang kilay ni Niko. "What's happening?"
"Ha? Nagtatanong lang ako kung nagdinner na kayo."
"Yeah, but normally, we're the ones asking."
"Nakuha ko na kasi iyong sweldo ko. Libre ko kayo. Pero 'wag sa sobrang mahal, ha," sabi ko. Syempre nung nakuha ko iyong sweldo, tinabi ko na iyong para sa boarding house at sa emergency funds. Tapos nagpadala na rin ako kina Nanay. Pero nagtira rin ako para sa tatlong 'to kasi pangako ko sa sarili ko na ililibre ko sila, e. Buti na lang medyo malaki iyong nakuha ko... Tatlong buwang sweldo din kasi 'yun.
"Really? Nice!" sabi ni Niko.
"Congrats," sabi naman ni Sancho.
"Salamat," sagot ko. "San tayo kakain? San niyo ba gusto?"
Sabay kaming naglakad tatlo. Marami namang kainan sa paligid ng Brent kaya lang ay medyo mamahalin iyong iba. Ayoko naman silang ayain sa fast food kasi baka maarte sila kagaya ni Vito. Sana lang talaga ay 'wag sa sobrang mahal. Kaya ko siguro kahit tig-500 sila... Minsan lang naman, e.
"Let's just go there," sabi ni Vito sabay turo sa fast food.
"Ha? Sure ka?"
"Yeah," sagot niya tapos ay naglakad na siya papunta roon. Tumingin ako sa dalawa. Nagkibit balikat lang sila.
"Can I order tuna pie on top of what I'll really order?" tanong ni Niko.
"Oo na. Kahit may sundae pa."
"Nice!" sabi niya tapos ay binilisan ang takbo at sumabay kay Vito na nauna na. Napailing na lang ako. Tumingin ako kay Sancho na kasabay kong maglakad.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Ha? Oo naman. Bakit?"
"Wala lang. Tahimik mo ngayon, e."
Natawa siya. "Maingay ba ako?"
"Hindi naman. Iba lang ngayon."
"Ah... Ayoko kasi sa bagong pwesto ko."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...