Chapter 44

185K 8.7K 4.5K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG44 Chapter 44

Parang tumigil ang mundo sa pag-ikot nang marinig ko kung ano iyong nangyari. Parang hindi ako maka-paniwala na naka-tayo si Tali sa harapan ko—puno ng luha iyong mga mata niya. Na para bang kahit siya ay hindi maka-paniwala na pwede pa lang mangyari iyon...

Na mayroon pala talagang mga tao na kayang gumawa ng ganoon...

"Tali—"

Mariin siyang umiling. "No," mabilis niyang sabi. "I'm so—" pagpapa-tuloy niya at agad siyang natigilan. Kita ko iyong pangingilid ng luha sa mga mata niya—iyong panginginig ng mga kamay niya. Pilit siyang huminga nang malalim, pero hindi niya magawa. "I'll talk t-to the j-judge for re-sched..." hirap na hirap na sabi niya. "I won't let them get away with this. Fuck. Tangina. Fucking devils."

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Kitang-kita ko kung paano niya pilit na pinapa-kalma ang sarili niya. Iyong bawat paghugot niya ng malalim na hininga at pagpigil sa sarili niya sa pag-iyak.

"I'll get you out of here, you hear me? I'll get you out of here, Assia. I fucking mean it," sabi niya bago ako iniwan at lumabas. Naiwan ako roon na naka-tingin kay Vito. Pati siya ay hindi makapagsalita na para bang gulat na gulat pa rin siya sa pangyayari...

"I..." sabi niya sabay tigil. "I don't know—"

Parang biniyak iyong puso ko nang makita ko iyong pagtulo ng mga luha sa mga mata niya. Tuluy-tuloy at parang walang katapusan.

"Vito—"

"Those people have families, Assia... What the fuck did I do?"

Ramdam na ramdam ko iyong pagka-basag ng boses niya...

Iyong hirap...

Iyong pagsisi sa sarili...

"Vito, hindi mo kasalanan..." paalala ko sa kanya gaya ng pagpapa-alala niya sa akin palagi na hindi ko kasalanan... Na hindi naman ako ang gumawa... Pero alam ko na kahit gaano mo sabihin sa sarili mo, mahirap tanggapin... Kailangan mo ng panahon para maghintay...

"Twenty-five—twenty-five people are missing, Assia. I feel like I'm losing my mind."

Parang walang sapat na salita...

Tumayo ako at saka niyakap siya.

Hinigpitan ko.

Para alam niya na gaya niya, nandito rin ako para sa kanya...

"They're all dead... I know they're all dead..."

"Wala pa namang nahahanap..."

"Where could they have gone? All this for what? To stop her from testifying?"

Bakit ganoon sila?

May mga ganoon pala talagang tao...

Tama nga si Tali—may mga tao na handang gawin ang lahat para lang ma-protektahan ang pangalan nila... Sila iyong pinaka-nakaka-takot dahil hindi mo alam kung saan ang hangganan... kung mayroon bang hangganan...

"Vito, sila Sancho—"

Pagbanggit ko ng pangalan ay agad na bumitaw si Vito sa yakap namin. Pinahid niya iyong luha niya at pilit na pinantay ang paghinga. Iyong mga mata niya... ayoko talagang nakikitang umiiyak...

"I need to see them."

Tumango ako. "Balitaan mo ako..."

"I'm sorry..."

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon