Chapter 21

190K 8.2K 3K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG21 Chapter 21

"Dala niyo naman 'yung ID niyo, 'di ba?" tanong ko habang hawak iyong request letter na pina-lagyan ng dry seal sa school kahapon. Mabuti na lang at nag-offer si Sancho na siya na ang gagawa nun dahil hindi ko na alam kung paano hahatiin ang katawan ko kung ako pa ang gagawa nun.

"Yeah," narinig kong sagot nila. Si Niko iyong nagda-drive dahil sasakyan niya 'to. Si Vito iyong nasa front seat habang katabi ko naman si Sancho sa likuran. Kanina ko pa nakikita si Vito na tingin nang tingin sa akin. Nung tinanong ko naman kung ano ang kailangan niya, sabi niya wala naman daw.

"Where first?"

"Sa MARINA muna tapos MTC. Last na natin iyong sa Prosecutor," sabi ko. Mabuti na lang din at pumayag sila na maaga kaming umalis. Iniisip ko kasi na baka traffic mamayang hapon. Gusto ko na maaga kaming matapos para makapagpahinga at makapagreview din mamayang gabi. Tatlong araw na lang kasi ay simula na ng midterms.

Habang nasa byahe kami, nag-usap kami ni Sancho tungkol sa Tax at CivPro. Minsan kasi sa kanya ako nagtatanong dahil mas mabilis siyang maka-intindi ng concepts. Saka ang galing niya kasing mag-explain. Simple lang. Pinapaliwanag niya iyong basic concept tapos iyong mga example niya naka-relate sa real world. Sana ganoon din magturo si Atty. Villamontes... Hindi ko kasi malaman kung saan nanggagaling iyong mga tanong niya minsan, e.

"Where are we going to fucking park?" tanong niya dahil hindi siya maka-hanap ng parking. Ang daming sasakyan sa port area. Puro container van. Grabe. Ang lala pala talaga ng traffic... Akala ko malala na iyong traffic sa school...

"Ganoon ba talaga karami iyong pera ni Niko?" tanong ko kay Sancho dahil may binayaran siyang lalaki para bantayan iyong sasakyan. Naka-park lang kami sa isang gilid. Hindi nga yata talaga parking iyon. Kaso ay wala talagang lugar. Ang dami pang naka-pila. Hindi ko maintindihan. Ang gulo.

"Medyo," sagot ni Sancho. "Ang motto ni Niko ay bakit niya pa gagawin kung pwede naman siyang magbayad?"

"Grabe... Siguro dati... Iba naman na si Niko ngayon," sabi ko. Nung first year kami, sobrang luwag ni Niko sa pera... Ngayon pa rin naman... kaso hindi na kasing dalas ng dati. O baka hindi na lang siya nakaka-gastos dahil mas focused na siya sa pag-aaral? Hindi kagaya dati na madalas kong naririnig na inaaya niya si Sancho sa bar.

"Maybe," sabi ni Sancho. Sabay kaming napa-tingin kina Niko at Vito na kausap iyong guard papasok sa MARINA. Ang daming tao.

Pagpasok namin, agad kaming nagpa-kilala bilang law students galing sa Brent. Pina-pasok naman kami agad nang maipakita namin iyong ID namin. Naka-tulong din siguro na mukha kaming kagalang-galang sa suot namin. Kaso ay pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang init. Kanina kasi ay parang may snow sa loob ng jeep ni Niko.

"What's this place again?" tanong ni Niko.

"MARINA," sagot ko. Ako kasi iyong nagresearch kung saan kami pupunta. Kailangan kasi naming pumunta sa 2 quasi-judicial office para sa requirement. Ginawa kong 3 para may backup kami.

"What's that?"

"You didn't even research?" tanong ni Vito.

"Well, I was busy reviewing for the exams."

"We're all busy," sabi ni Vito.

"Dito daw iyong mga seafarers," sagot ko na lang dahil baka magka-inisan pa iyong dalawa. Inis pa naman si Niko kanina dahil iniwan siya nina Vito at Sancho nung nakita si Yago.

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon