Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG17 Chapter 17
"Congrats."
"Thanks," sagot ni Vito nang hindi man lang lumingon sa direksyon ko. Papunta kami sa sinasabi nila Shanelle na lugar kung saan mangyayari iyong party daw. Tahimik lang kanina habang kumakain kami ng dinner—o baka ako lang iyong tahimik dahil nag-uusap naman sina Niko kanina.
Gusto ko sana ulit na tanungin si Vito kung may problema siya sa akin kaya lang ay baka makulitan naman na siya... Kinakausap niya pa rin naman ako. Kaso lang ay hindi kagaya ng dati.
Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa isang bahay.
"Akala ko sa bar?" tanong ko nang huminto iyong sasakyan.
"House party," sagot ni Vito. Tumingin siya sa akin. "Just tell me if you wanna go home already, okay?" tanong niya na bago pa man ako maka-sagot ay nabuksan niya na iyong sasakyan palabas.
Huminga ako nang malalim. Hindi naman ata siya galit sa akin. Baka pagod lang. Nakaka-pagod naman talaga iyong mga nangyari sa kanya dahil sa rehearsals pa lang dun sa pageant.
Hindi muna kami agad pumasok dahil hinintay namin sina Niko na dumating. Pagdating nila ay sabay-sabay kaming pumasok. Si Niko iyong may pinaka-maraming kilala. Marami din namang kilala sila Sancho at Vito, pero si Niko iyong palaging napapa-hinto para makipag-usap sa mga tao.
"If you wanna go home—"
"Kakarating lang natin," pagputol ko sa sinabi ni Vito.
"Yeah, I know. But also, this is not your scene," sabi niya.
"Akala ko tapos ka na sa pagpaparty?" tanong ko dahil naalala ko na sinabi niya sa akin iyon dati. Na tapos na raw siya sa buhay na pagpaparty. Para ngang pati sila Niko ay tapos na rin doon dahil madalas ko nang nakikita si Niko na nag-aaral.
Bigla siyang huminto sa paglalakad at kumuha ng beer at saka tubig. Inabot niya sa akin iyong bote ng tubig.
"Yeah... but also, distraction," sabi niya at saka binuksan iyong can ng beer. "Just one can, I promise," pagpapa-tuloy niya bago iyon ininom. Napa-buntong hininga na naman ako.
* * *
Hindi naman galit sa akin si Vito.
Ni hindi nga niya ako iniwan buong party. Nasa tabi ko lang siya. Kaso lang ay may mga lumalapit na babae sa amin para magcongratulate kay Vito. Ang dami nila. Saka ang gaganda. Kanina pa rin nila binibigyan ng inumin si Vito kaya lang ay hindi niya tinatanggap iyon. Ang iniinom niya lang ay tubig kasi naubos niya na iyong isang can ng beer.
"Tired? Wanna go home?" tanong niyang muli sa akin. Umiling ako. Gusto niya na ba akong umuwi? Ayoko naman na lagi siyang nag-a-adjust sa akin. Baka ganito talaga iyong buhay niya. Wala namang masama kung mag-adjust ako. Hindi ko naman ikamamatay kung magstay ako sa party na 'to. Tutal victory party naman daw 'to ng year level namin.
"Hey, let's play!" sabi sa amin ng isang babae.
"No, thanks," sabi ni Vito.
"Please? Don't be KJ na! Minsan lang naman!" sabi niya sabay hatak sa aming dalawa patayo. Napa-buntung-hininga na lang ako nang mahatak niya kami papunta sa isang gilid. Mayroon doong mga tao. Maraming tao sa bahay na ito. Hindi kaya sila inirereklamo ng mga kapitbahay nila? Sobrang lakas kasi ng tugtog...
"You see this?" sabi nung isang babae sabay pakita ng bote. "We'll play—"
"Boo!" sabi nung ibang mga lalaki.
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...