Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG33 Chapter 33
Nasa isang gilid si Shanelle at paulit-ulit na binabasa iyong mga hawak niyang papel. Tahimik akong naka-tingin sa kanya, nagdadasal na sana ay maging maayos ang lahat.
"You good?" tanong ni Niko sa akin pagkatapos niyang maupo sa tabi ko. Napa-tingin din siya kay Shanelle. Kanina pa siya nagsasalita mag-isa at pina-practice iyong sasabihin niya.
"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama mamaya?"
Ngayong araw na iyong arraignment at pre-trial conferrence para sa kaso. Ilang beses na na-delay dahil kailangan pa nila Niko na ayusin iyong ibang bagay. Hindi ko alam kung ano dahil kahit ano'ng tanong ko, ayaw niya talagang sabihin. Kahit si Sancho ay sinasabi sa akin palagi na mas mabuti raw na hindi ko alam.
Umiling siya. "Vito's family will be there and Villamontes and their evil spawns. Nah. I think it's better if you don't go," sabi niya. Hindi na ako sumagot pa. "Besides, you need to review. I remember taking the REM exam. It was so fucking hard."
Napa-ngiti na lang ako nang bahagya. Alam ko naman na sinusubukan ni Niko na ibaling sa iba ang atensyon ko. Pero kahit na nag-aaral ako para sa BAR, tuwing gabi, tuwing naka-pikit ako, paulit-ulit na naiisip ko si Atty. Villamontes...
At iniisip kung dapat ba iba na lang ang ginawa ko...
Pero nung panahon na 'yun, gusto ko na lang siyang tumigil...
Gusto ko na lang na matapos...
"Okay naman siya kapag kabisado mo," sabi ko.
"Yeah, right. That's why I hated CivPro. My mind couldn't and wouldn't accept all those provisions I was trying to shove in," sabi niya habang naiiling pa. "And! And! And I almost failed that subject!"
Bahagya akong natawa.
Ang bilis.
Parang kahapon lang ay nasa Brent lang kami at ang tangi lang naming problema ay kung paano kami papasa sa mga subject namin... Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito...
Na ang problema ay kung paano hindi makukulong si Vito...
Dahil sa kasalanan na ako naman ang gumawa.
"Did you know that I had to talk with Atty and explain that I had no idea why there's a paper with song lyrics there? I had to pass a sworn affidavit and everything!"
Napa-ngiti ulit ako. Ganun naman talaga si Atty. Kahit nga kapag hihingi kami ng ceasefire, kailangan may motion ng buong klase at may pirma naming lahat.
Nakaka-miss iyong simpleng panahon.
Gusto ko na lang bumalik.
Nung first year pa kami.
Nung ang problema ko lang ay paano ako uuwi sa boarding house.
Napa-ngiti si Niko nang mahuli akong naka-ngiti.
"See? We've been through a lot, Assia. So, don't ever think that we'll just let you go to jail for something that he did to himself."
"Hindi makukulong si Vito?"
"No, I promise," sabi niya. "And if he did, we'll just have to break him out and let's all go to Brazil," pagpapatuloy niya habang ginu-gulo iyong buhok ko. "Finish reviewing."
Mayamaya pa ay umalis na sila. Naiwan ako sa condo ni Niko. Gusto ko talagang sumama... kaya lang ay nangako ako sa kanila na dito lang ako sa condo at magrereview para sa huling exam ko sa BAR.
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...