Chapter 03

238K 12.6K 13K
                                    

#DTG03 Chapter 03

Hindi na talaga ako kinakabahan na medyo late na akong dumadating sa school kasi pinagtatabi naman ako ni Vito ng pwesto sa library. Siguro sa kanya maliit na bagay lang iyon, pero para sa akin na marami pang pinagdadaanan bago maka-rating sa school, sobrang laking bagay na nun.

"Good morning," bati ko nang ang maabutan ko sa library ay si Niko.

"Morning," sabi niya sabay kaway tapos ay yumuko na para matulog. Mukhang inaantok pa siya... pero gusto ko sanang tanungin kung pwesto ko ba iyong nasa gilid niya... Si Vito kasi talaga iyong nagse-save ng pwesto para sa akin, e...

Mga ilang segundo akong naka-tayo roon.

Hinihintay ko sana na tumingin siya sa akin o kahit na ano, pero mukhang natutulog lang talaga siya...

"Niko..." marahang pagtawag ko dahil nahihiya akong tawagin siya. Mukhang inaantok pa ata siya. "Niko..." sabi ko sabay tapik sa likuran niya.

"Hmm?"

"Sa akin ba 'yung table?"

"Yeah."

"Ah, okay. Salamat."

Tumango lang siya habag naka-pikit tapos ay bumalik na sa pagtulog. Grabe... Kung antok na antok talaga siya, bakit nandito siya agad? E 'di sana natulog na lang siya sa bahay niya kaysa dito siya nagpapaka-hirap matulog...

Nilabas ko na lang iyong libro at notebook ko. Tahimik lang akong nag-aral. Isang oras na akong nag-aaral, pero isang oras na ring natutulog iyong katabi ko.

Halos magulat ako nang bigla siyang mag-inat. Napa-tingin siya sa akin tapos ngumiti. "What a nap..." sabi niya habang nagstretch pa. Nakita ko na may parang tattoo sa may gilid ng braso niya. "What's the subject again today?"

"Statcon," sagot ko.

"Here we fucking go again," sabi niya bago kinuha iyong bag niya na nasa ilalim ng upuan niya at nilabas iyong gamit niya. Naka-tingin lang ako sa kanya habang walang habas niyang nilalagyan ng sulat at highlight halos lahat sa libro... Ano pa ang silbi nun? Nilagyan niya na halos ang buong pahina.

"Stop staring—you're making me blush," sabi niya habang naka-tingin pa rin sa libro niyang ginawa niya na yatang coloring book.

"Hala. Sorry," sabi ko sabay balik ng tingin ko sa libro ko. Nagmarka rin ako sa libro, pero lapis lang ang gamit ko. 'Di bale. Kapag naka-ipon ako, bibili rin ako ng libro ko. Kung hindi talaga, saka na lang kapag abogado na talaga ako at may pera na.

"Why can't this author just get straight to the point?" sabi niya sabay sara ng libro. "Hey, Assia," pagtawag niya sa akin kaya naman napa-tingin ako sa kanya. "Lunch time. Let's eat."

"May baon ako," sabi ko.

"Just eat with me. I'll buy something from the caf," sabi niya sabay tayo. Naka-suot lang siya ng white na polo shirt. Ni hindi man lang siya nilalamig... Sobrang nagyeyelo na nga ako sa library, e.

"Nasaan si Vito?" tanong ko.

"Doing something," sagot niya. "Why? Curious?"

"Ha? Hindi naman... Siya lang kasi iyong nagse-save ng upuan ko... Nakaka-hiya sa 'yo kasi inaantok ka pa yata kanina..."

Tumawa siya. Sobrang bagsak ng buhok niya tapos itim na itim. Para siyang model ng shampoo.

"Yeah... I'm clearly not a morning person."

"Halata nga, e."

"Neither is Vito," sabi niya habang naka-ngisi sa akin. "Dude's been waking up early just to save you a seat."

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon