Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG37 Chapter 37
"Are you sure about this?"
Tumango ako.
"Once you do this, there's no turning back."
Muli akong tumango.
Nung nakita ko iyong itsura nila Niko... na para bang kaya nilang ibenta ang kaluluwa nila para lang mapagtakpan ang nagawa ko, para kong nakita si Atty. Villamontes...
Magkaiba sila ng dahilan, pero pareho lang sila ng ginagawa.
Dahil sa pera, akala nila matatakasan nila ang lahat.
Pero hindi ganon.
Hindi dapat lahat dinadaan sa pera.
Mahal ko sila Niko... ayoko na magaya sila kay Atty. Villamontes. Ayoko na maniwala sila na kaya nilang lusutan lahat ng butas gamit iyong pera at kapangyarihan nila kasi doon nagsisimula ang lahat.
Hanggang sa isang araw, ni hindi na nila makilala ang sarili nila.
"May paraan ba para hindi madamay sila Niko sa kaso?" tanong ko.
"Yes, but then you'd have to admit that you alone willfully and intentionally tried to evade the charges."
"Pero hindi sila madadamay?"
Alam ko naman na makukulong ako.
Ayoko na lang na mayroon pang madamay na iba.
"Sigurado ka ba rito, Assia?" muling tanong niya.
"Ano ba'ng choice ang meron ako? Kahit manalo tayo... hindi ko alam kung paano ako matutulog sa gabi na merong ibang tao iyong sumalo sa kasalanan ko..."
Tuwing naiisip ko iyong plano nila Niko, hindi ko mapigilan na sumikip iyong dibdib ko.
Ang hirap pala ng katotohanan.
Ang hirap pala na malaman mo na ganoon iyong nangyayari.
Akala ko dati alam ko na... na mayroong mga masasamang tao gaya ni Atty. Villamontes na nananamantala... pero hindi ko akalain na may mga kagaya nila Niko na handang gumamit ng inosenteng tao para pagtakpan iyong pagkakamali namin...
Alam ko ginagawa lang nila iyon dahil mahal nila ako... dahil nag-aalala sila sa akin... dahil hindi ko naman kasalanan iyong ginawa ni Atty. Villamontes...
Alam ko iyong dahilan...
Pero ayokong pumayag.
Hindi porke ginagawa ng iba ay dapat na rin naming gawin.
Kasi tama si Shanelle... mayroong linya na hindi namin dapat tawirin.
"Si Kuya Jun..." pilit kong sabi habang pasikip nang pasikip iyong dibdib ko. Ni hindi ko na makita si Tali dahil sa panlalabo ng mga mata ko. "Siya lang iyong tumulong sa akin nung..."
Gusto kong ituloy.
Pero mahirap pa rin pala.
Tumingin ako kay Tali nang hawakan niya iyong kamay ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin.
"I don't know exactly how you feel... but I promise you that I will do my best to get you out as early as you possibly can, okay?" sabi niya habang naka-tingin sa akin na para bang pinapangako niya na gagawin niya ang lahat. "We'll use every justifying circumstances, every mitigating circumstances available at our disposal para mapababa iyong penalty. I'll always fight for your early release—heck, maybe I'll even befriend the president at baka mabigyan ka ng pardon."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...