Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG29 Chapter 29
"Kanina pa nagriring iyong cellphone mo," puna ko nang magring iyong cellphone ni Niko nang ika-5 beses. Nasa kalsada pa rin ang tingin niya nang kunin niya iyon at biglang pinatay.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
Halos isang oras nang nagda-drive si Niko. Isang oras ko nang pinigilang magtanong. Kung pwede lang tumalon palabas ng sasakyan niya at tumakbo papunta sa presinto ay gagawin ko na... Ayokong madamay sila...
Hindi dapat ako tumawag kay Vito.
Pero natakot ako.
Wala akong matatakbuhan.
"Somewhere far," sagot niya habang diretso sa harap pa rin ang tingin. Hindi na ako nagtanong pa ulit at kinuntento ang sarili ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang huminto na ang sasakyan ni Niko. Sumunod ako sa kanya nang lumabas siya. Bahagyang kumunot ang noo ko nang ibaba niya iyong likuran ng pick-up truck niya at naupo roon. May inabot siya mula sa likuran. Bubuksan niya iyon kaya lang ay natigilan siya nang makita niya akong naka-masid lang sa kanya.
Napa-buntung-hininga siya at saka bumaba at lumapit sa akin. Marahan niyang ginulo iyong buhok ko. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil doon ay nagsimula na namang manlabo ang paningin ko.
"I'm sorry you had to go through that," sabi niya habang patuloy ang paggulo sa buhok ko. Tahimik kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko at humikbi. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naka-tayo roon. Basta hinintay niya akong matapos.
"Ayokong madamay kayo," sabi niya.
"I'm afraid that's out of the question already."
"Alam mo ba kung ano ang nangyayari kay Vito?"
Hindi agad siya naka-sagot. "I... don't know."
"May kasama ba siya? Sino ang abogado niya? Pwede ba natin siyang puntahan?" sunud-sunod na tanong ko dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyayari kay Vito. Wala dapat siya roon. Ako dapat ang nasa posisyon niya. Dapat hindi ako pumayag nang ipadala niya sa akin iyong baril.
"I don't know, Assia. As much as I want to answer your question, I have no idea, as well," sabi niya. "But he's a lawyer himself. He can handle it, okay?"
Umiling ako. "Puntahan natin siya."
Umiling siya. "No. It was him who told me to get you far away from the scene."
"Niko—"
"Assia, please—" sabi niya habang bahagyang naka-kuyom ang panga.
"Makukulong si Vito, Niko."
"Innocent until proven guilty."
"Pero pinatay ko si Atty. Villamontes."
Hindi agad siya nakapagsalita.
Tumingin ako sa kanya.
"Natakot lang ako kanina... Naisip ko lang 'yung pamilya ko... Pero mas hindi ko kaya na may ibang makukulong dahil sa ginawa ko, Niko."
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Listen, no one will get imprisoned, okay?"
"Pero si Vito—"
"He's just being detained," sagot niya.
"Pero nakita siya na nandun. In flagrante delicto. Makukulong siya, Niko."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...