Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG25 Chapter 25
Hindi ko alam kung tama ba iyong naging desisyon ko na magpa-lipat ulit ng section. Nahirapan ako na hindi kami nag-uusap ni Vito... pero ewan, mas nahirapan ako kapag iniisip ko na galit sa akin si Niko.
Kaya ngayon, nandito na naman ako sa 4B, naka-upo sa unahan at nakikinig sa lecture ng prof hanggang sa wala na akong maintindihan.
Ganon lang ang nangyari sa akin buong sem.
Nakaka-usap ko sila Niko kaya lang ay ramdam ko na may tampo sila sa akin. Naiintindihan ko naman. Mabuti na lang din siguro na marami akong ginagawa kaya hindi ko na iyon masyadong naiisip. Ang tanging naiisip ko na lang ay kung paano ko maitatawid iyong huling semestre ko sa law school.
Kaunting gapang na lang, makaka-graduate din ako.
Sinandal ko iyong ulo ko sa lamesa. Kakatapos lang ng huling lecture namin sa Legal Med. Final exam na next week. Huling final exam na. Pagod na talaga ako, pero kailangan ko pang ilaban. Huli naman na 'to. Konti na lang. Kaya ko 'to.
"Let's ask for a breakdown," rinig kong sabi ng isa kong classmate.
"What for? We know naman na sobrang baba magbigay ni Villamonts. So annoying."
"I know, but we still should know para we know kung ano pa ang hahabulin natin. Better safe than sorry, right?"
"Fine. Let's pass by the Dean's na lang. Baka nandun siya."
Napa-buntung-hininga ako.
Kailangan ko rin bang kausapin si Atty. Villamontes tungkol sa grade ko? Simula nung ihatid niya ako sa boarding house, naging masungit na siya sa akin. Okay lang naman... kaso nahihirapan ako kapag may recitation dahil kapag ako ang tinatawag niya, parang sobrang hirap ng mga tanong at parang hindi nauubos iyong follow-up question...
Siguro ang maganda na lang doon ay napipilitan akong mag-aral nang mabuti sa CommRev dahil alam ko na pag-iinitan niya ako kapag may recitation.
Naka-yukyok pa rin ako sa lamesa. Iiglip muna ako. Inaantok na talaga ako. Wala namang gagamit ng classroom.
"I swear my mom's nice. My dad's a little strict, but I'm sure he'll like you," rinig kong sabi ni Shanelle. Pilit akong natulog. "Kung ginugulo ka ng mga kapatid ko, tawagin mo ako para masaway ko."
Huminga ako nang malalim at saka kinuha iyong bag ko na nasa sahig. Dumiretso na ako palabas at naglakad papunta sa Dean's Office. Agad akong napa-hinto dahil kaka-labas lang ng pinto ni Atty. Villamontes.
"What?" tanong niya nang makita ako.
"Sir, I just want to ask if the breakdown for recit grade is available," magalang kong tanong. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin, pero sana ay 'wag niyang idamay iyong grade ko dahil pinaghirapan ko 'yun. Halos hindi na ako natutulog kapag siya iyong professor ko dahil alam ko na ako iyong pinag-iinitan niya. Akala ko nung una nasa isip ko lang, pero kahit si Isobel tinanong ako kung may galit daw ba sa akin si Sir.
"Why?" sagot ni Atty. Villamontes, pero iyong mga mata ko ay napa-dako kina Vito at Shanelle na naglalakad nang sabay. Wala naman silang ginagawa. Naglalakad lang sila at nag-uusap, pero agad kong napansin na dala ni Vito iyong mga libro ni Shanelle. Tapos ay nasa likuran nilang dalawa si Sancho at Niko na mukhang nagtatalo.
Pilit kong ibinalik kay Atty. Villamontes iyong tingin ko.
"Sir—"
"Sartori and Nuevas..." sabi niyang bigla habang naka-tingin sa naglalakad palayo na sina Vito at Shanelle. "Fine. I'll just email you your grade."
BINABASA MO ANG
Defy The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age, she knew that her family wasn't financially capable of sending her to law school. Kaya naman bata p...