Play the song at the multimedia player for better reading experience. The song is Sex by Eden.
———
Luna's POVNakarating na kami sa tapat ng bahay at pinatay na ni Zander ang makina ng kotse niya. Walang lumabas sa amin ni isa. Mga hininga lang naming dalawang ang naririnig ko. Minsan ay sinusulyapan ko siya at minsan naman ay siya ang susulyap sa akin.
"Zander/Luna" Sabay naming tawag sa isa't isa. We finally had the guts to look at each other. Hinawakan ni Zander ang dalawa kong kamay at binalot ito ng sakanya.
"Luna, I love you." Sabi niya at hinalikan ang kamay ko. Napangiti ako sa ginawa ni Zander.
"Kahit kailan sa buhay ko, never akong natakot sa anumang bagay. But I was so scared today Luna. Hindi ako mahilig makipagbasag ulo but fuck, I'll do it for you over and over again." Sabi ni Zander.
"Hindi mo naman kailangang matakot Zander. You're the first guy to ever capture my attention and my heart. I'll be here with you always. I don't care about the other guys, all I care about is you. You changed me. As long as my trust is safe with you, then I'm taking a risk." Sabi ko. Naririnig ko ang malakas na kalabog ng aking puso.
"What are you trying to say Luna?" Tanong ni Zander.
"Expensive income." Sabi ko sakanya at binigyan ng madaliang halik sa pisngi.
"You're worried about savings for our future? Huwag kang mag-alala. Ako naman ang magtetake over ng business namin. Ako bahala sa mga magiging anak natin. I can feed them all kahit labing tatlo pa si---" Sinapok ko naman si Zander.
"Aray! Bakit?"
"Kakainis! Panira ka ng moment!" Irita kong sabi sakanya at kinonot ko ang aking noo.
"Eh ano bang ibig mo kasing sabihin?" Sabi ni Zander.
"I'm saying mahal na rin kita!" Mabilisan kong sigaw at saka ako dali daling lumabas ng kotse niya. Humahagikhik ako habang nagsisitakbo papunta sa bahay kahit na tinatawag ako ni Zander. Lumingon ako sakanya at ngumiti.
"Luna! Totoo ba?!" Masayang tanong ni Zander. Nag thumbs ako sakanya at binigyan siya ng flying kiss. Pumasok na ako sa loob ng bahay at narinig ko ang malakas na sigaw ni Zander ng...
"LUNA DESIREE MONTICILIIO, I LOVE YOU!" Sigaw niya at rinig ko ang pag alis ng kotse niya. Pumasok na ako sa loob at as usual madilim at tahimik nanaman rito. Pero sa tuwing naaalala ko ang nangyari ngayon, hindi ko maikubli ang aking saya.
——
Habang kumakain kami ng Lunch nila Kacey at Frida ay naaninag ko si Zander na papunta sa direksyon namin. Nakapaskil ang isang malaking ngiti sa mukha nito.
"Huy? Bakit parang ang saya saya mo diyan?" Rinig kong sabi ni Frida pero hindi nawala ang tingin ko kay Zander.
"Ah kaya naman pala. Parating na si Mr. Jowa niya." Sabi ni Kacey at siniko ng mahina si Frida.
"Hey girls. Hi Luna." Bati ni Zander.
"Bakit nandito ka? Akala ko ba may ginagawa kayo sa gymnasium?" Tanong ko sa kanya.
"No more questions. Come with me." Sabi ni Zander at kinuha ang kamay ko.
"Girls, is it fine if I take her with me?" Paalam ni Zander kila Kacey at Frida.
"Kahit huwag mo nang ibalik iyan. Parang timang ngiti lang ng ngiti." Sabi ni Frida. Hinampas naman siya ng mahina ni Kacey.
"Sure, Zander." Sabi ni Kacey at kumindat kay Zander. Ngumisi naman si Zander sa kanya.
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...