Luna's POV
The morning of the day of the banquet, dumating sa bahay ang gown na napili ko noong nag outfit fitting kami ni Zander. Naka box ito na kulay itim.
"Pirma nalang po kayo dito Ma'am." Sabi ng delivery guy. Pumirma na ako at pumasok sa loob. Nilapag ko ang box sa lamesa at binuksan ito. Besides the gown, puno rin ito ng nga bulaklak. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
Hinawakan ko ang gown at inangat. Napangiti ako. Niligpit ko na ang mga iyon at inakyat sa kuwarto ko. Sinabit ko ang gown sa mannequin na binigay ni Mama sa akin. Para daw may mapatungan ako ng gown.
Dahil mamaya na nga ang banquet, wala kaming pasok sa umaga. Kailangan kasi naming magprepare at maghanda para mamayang gabi. Nagsimula na akong maligo dahil darating na niyan ang makeup artist ko. Well ang makeup artist na hinire ni Mama. I insisted na ako nalang ang gagawa ng make up ko, pero si Mama ayaw magpaawat.
Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang aking silk robe at binlowdry ang aking basang buhok. Saktong pagkatapos ko itong mapatuyo ay dumating na ang make up artist. Pumasok na sila sa kuwarto ko at inayos ang set up nila.
"Ang ganda at bongga naman po ng gown niyo Madam!" Puro ng make up artist na si Ton-Ton. Ever since siya na ang make up arist namin. Lalo na't pag may family pictorial kami noon, siya ang nagmemake up sa amin.
"Salamat." Sabi ko at ngumiti. Nagsimula na si Ton-Ton na linisin muna ang mukha ko at saka nilagyan ng cream at moisturizer. Pagkatapos ay nagstart na siya sa base ng mukha ko.
Halod makatulog ako sa buong proseso ng pagmemake up. Mabuti nalang at hindi ako nakatulog.
"Madam, may gusto po ba kayong iparequest para sa inyong hair?" Tanong ni Ton-Ton.
"Iyong simple lang sana." Sabi ko. Nagsimula naman si Ton-Ton sa pagkulot ng buhok at nilagyan ng mga kung anong hair spray para tumigas at dumikit. Halos apat oras rin ang tinagal ng buong pag-ayos sa akin ni Ton-Ton.
Tinulungan nila ako na isuot sa akin ang gown ko. Mahirap na at baka malapatan ng makeup ang gown. Nang masuot ko na ito ay bumaba na ako. Hindi lang sa make up artist tumigil si Mama, nag hire pa siya ng photographer.
"Look at you! Ang ganda ganda mo!" Puri ni Mama. Akmang bebesohin ako ni Mama pero nilayo ko ang pisngi ko.
"Ma, my make up." Paalala ko sa kanya. Nagsimula na akong picturan ng photographer. Halos kalahating oras rin iyon ng may marinig na akong malakas na busina galing sa labas. Binuksan na nila ang malaling pintuan at lumabas ako doon. Dala dala ko naman ang isang mali na clutch.
Lumabas si Zander mula sa kanyang limousine. Naglakad ito papalapit sa akin.
"Let's go?" Sabi ni Zander at inilahad ang kamay. Inabot ko naman iyon at tumango. Naglakad na kami at inalalayan ako ni Zander papasok ng kotse. Nang makapasok na ako ay sumunod naman si Zander.
"Tara na po manong." Utos ni Zander at umandar na ulit ang kotse. Nakakailang ngayon na kami lang dalawa ang nandito sa likod ng limousine.
"Y-You look, gorgeous." Sabi ni Zander hbang diretso ang tingin sa harapan. Napangisi naman ako.
"Ikaw rin. Ang guwapo mo." Sabi ko. Binalot na naman ulit kami ng katahimikan.
"Ready ka na?" Sabi ni Zander.
"Uhuh." Sabi ko at tumango. Kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. Kalahating oras ang natapos bago kami makarating sa venue. Pinagbuksan ako ng pinto ni Zander at inalalayan palabas. Nagsimula na kaming maglakad ni Zander. Mabuti nalang at wala ang nga tao dito at nasa loob sila.
"Relax baby, you're shaking. Don't be scared. I'm here." Sabi niya. Ngumiti ako. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay napakalma niya ako. Nagsimula na kaming maglakad at bumukas na ang malaking pintuan sa harapan namin. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Paano ba naman, kami na lang ata ang hinihintay nila.
"Hold my arms." Sabi ni Zander. Binalot ko naman ang aking kamay sa braso niya. Nagsimula na kaming maglakad at ngumiti sa mga kakilala namin. Hinanap na namin ang table namin. Nasa bandang gitna na sila. Pumunta kami doon ni Zander at umupo.
—
Nagsimula na ang introduction mula sa principal. Kasunod noon ay ang message ng may ari ng school sa amin. Nagkaroon rin ng konting games na kung saan nakasali kami ni Zander sa stop damce. Natalo nga lang kami pero masaya naman.
Until dinner came. Pumila na kami sa buffet line. Naglakad na kami papunta doon ng harangin kami ni Mandy. She's wearing a red fitted long gown with a black sultry heels. Ang aura niya ngayon ay iba. Para siyang kontrabida.
"Better luck next time na lang, Luna, 'cause I'm sure I'll win this night." Sabi niya at ngumisi. Nilampasan niya na kami at pumunta sa table nila.
"Don't mind her." Bilin ni Zander sa akin. Naglakad na ako papunta sa buffet at kumuha na kami ng pagkain. Nang makakuha na kami ay bumalik kami sa aming table. We talked about how was our preparation for the banquet was.
Nang matapos na kaming kumain, binigyan na kami ng time para magsayaw sa dance floor. Laking gulat ko naman ng lumuhod pa si Zander sa harapan ko. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Will I be you first dance?" Sabi ni Zander. Nag 'ayiee' ang mga tao sa paligid.
"Zander tumayo ka nga diyan!" Sabi ko sa kanya pero matibay siya at nanatiling nakaluhod.
"I won't stand up unless you say yes." Sabi niya. Bumuntong hininga ako at tumayo.
"Oo na ikaw na first dance ko." Sabi ko. Tumayo naman siya at hinawakan ang kamay ko. He led the way to the dance floor and right there our hearts collided. He placed his hands on my waist and I placed mine around his neck.
"Nasabi ko na ba sa iyo kung gaano ka kaganda araw-araw? You're not just beautiful today, because you are always beautiful." Sabi ni Zander habang pinagmamasdan ang aking mukha.
"Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko naman." Sabi ko at ngumiti. We slowed dance and so did everyone. Pati si Ryle na hindi hilig ang ganito ay napasayaw ni Frida.
"Excuse me, but can I have one dance?" Napalingon kami sa nagsalita. It was Rocco. He was smirking. Tumingin sa akin si Zander na para bang hinihingi ang permiso ko. Tumango ako at hinaplos ko ang mukha niya, assuring him that I'll be alright.
"I'll be watching every move you make." Banta ni Zander kay Rocco at bumaling sa akin.
"Nadoon lang ako kila Ryle." Sabi niya at naglakad papunta kay Ryle. Akmang babalutin na ni Rocco ang kamay niya sa beywang ko pero lumayo ako.
"I'm not stupid Rocco. I'm not gonna let you touch me after what you did. Rocco, ilang beses ko ng sinabi sa iyo ng maayos. Lubayan mo na ako. Ayaw ko na ng gulo." Sabi ko sa kanya.
"But I still love you Luna. You think you're hard to forget?" Sabi ni Rocco.
"Hindi nga kita mahal Rocco! Simula't sapul alam mong kaibigan lang ang turing ko sa iyo. But you abused my kindness!" Sabi ko sa kanya. Mabuti nalang at malakas ang tugtugan kaya hindi nila naririnig ang pag-uusap namin.
"Kaya nga gusto kong humingi ng tawag sa iyo Luna! Please forgive me. Alam kong maling mali iyong ginawa ko sa iyo." Sabi ni Rocco ang hinawakan ang dalawa kong kamay. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkahawak niya.
"The only way I'll forgive you is if you disappear from my life." Sabi ko at naglakad ako pabalik kila Zander.
"Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Zander. Umiling naman ako at niyakap ko siya.
"What's wrong?" Tanong ni Zander.
"Nothing's wrong. I just want to be with you." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
—-
BINABASA MO ANG
Skin Deep
Teen FictionSkin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of life. She has been neglected, reprimanded by her parents to which she does not have a good relationsh...